Rufa Mae Quinto, engagement ring na! – Gorgy’s Park

PILIT NA PINAGBATI ng mga taga-Showbiz Central sina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister nu’ng nakaraang Linggo at ang sinunod naman yata nila, pero nu’ng huling nakausap si Rufa Mae, hindi naman daw nag-sorry sa kanya si DJ Mo kaya ang trato na lang nga raw niya ngayon parang hindi na nagi-exist si DJ Mo sa buhay niya.

“Ilang beses na kasi niya ginawa iyan, eh. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kaya wala lang, parang wala lang siya. Sana respetuhin na lang niya ako bilang katrabaho niya,” pahayag ni Rufa Mae.

“Ngayon siguro magpa-pasalamat na lang ako sa lahat na mga nagtanggol sa akin at sa mga naniniwala sa akin,” patuloy nito.

Pagtapos niyang mag-emote, ipinakita sa amin ni Rufa Mae ang singsing na suot nito.

Nag-propose na raw sa kanya itong lalaking karelasyon niya pero wala pa raw silang pinag-uusapan kung kailan sila magpapakasal.

Bongga ang singsing na ipinakita nito pero hanggang du’n na lang daw muna at ayaw na raw niyang dagdagan pa ang kuwento pagdating sa lalaking iyun.

Basta masaya raw siya ngayon at pinaghahandaan na raw niya ang sarili niya na magsi-settle down din siya sa lalaking ito.

“Ayoko nang magbigay pa ng hint, mamaya kung sino na naman ang lalabas diyan. Basta happy ako, ‘yun na lang muna,” dagdag na pahayag ng seksing comedienne.

First Episode ng Stairway to Heaven, exciting na

CONGRATULATIONS SA BUMUBUO ng Stairway to Heaven lalo na kina Dingdong Dantes at Rhian Ramos dahil maganda ang feedback sa pagsisimula ng bago nilang telebabad sa GMA- 7.

Mga batang sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza pa lang muna ang sa unang episode na nagsimula nu’ng Lunes pero interesting na ang kuwento at type na ng karamihan.

Mas exciting pa raw ito at madrama kapag pumasok na sina Dingdong at Rhian.

Nagkaroon na nga ng bonding ang dalawa dahil madalas na silang magkasama sa taping pero nandiyan pa rin ang limitations dahil laging nasa isip daw nila na para lang iyun sa Stairway at ginagampanan lang nila ang mapanghamong papel nina Cholo at Jodi.

Paulit-ulit na sinasabi ni Rhian na kapag sumigaw na ang action in love na ito kay Dingdong bilang Cholo at ganundin naman ang aktor.

Naku! Sana ma-maintain ang ganu’n dahil sa tindi nang pagmamahalan nila sa kuwentong iyun, sana hanggang du’n lang at hindi sila madala sa isa’t-isa.

Mabuti na lang at tahimik lang si Marian Rivera at suportado naman itong bagong project ni Dingdong.

By Gorgy’s Park

loading...

7 thoughts on “Rufa Mae Quinto, engagement ring na! – Gorgy’s Park

  1. Do you mind if I quote a few of your articles as long as I provide credit and sources back to your weblog? My blog is in the very same niche as yours and my visitors would really benefit from a lot of the information you provide here. Please let me know if this ok with you. Cheers!

  2. Hey not to go off topic but can anyone give me overview of. New York Car Insurance Reform 295 Greenwich St, New York, NY 10007 (646) 351-0824 They’re just down the block with me. I was wondering once they were a good insurance agency. I need to get hold of coverage, it is regulations you know, but I have to have a good price price plus I’d prefer friendly service.

  3. Gorgy nnakita mo ba ang ratings. magbasa ka kc para malaman mo. Mataas ang ratings ng DMII & tayong Dalawa compare sa Stairway………….. Just imagine dalawang show ang kalaban nya pero hindi nya manlang nilamangan ,,,,, hehehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  4. ahahaha! Oo nga ‘no baka si Super B pa rin siya kaya naging engagement ring na LMAO missing ang “may” sa title ng article. Well, congrats Rufa Mae sana nga sa altar na ang tuloy nyan at sana hindi maudlot pwera usog. Hayaan mo yang si DJ Mo Twister baka inggit lang sa iyo yan at nakabili ka na ng bahay dito sa Tate at may lovey dovie tapos may engagement ring pa o di ba todo na talaga :P.

  5. nag transform na po ba si rufa mae bilang isang engagement ring, baka ang ibig nyo po sabihin eh MAY ENGAGEMENT RING sa siya ehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published.