Guesswhodoes: Rufa Mae Quinto does a ‘Pa-sweet na Super B’

Malayo na nga ang narating ni Rufa Mae Quinto o P-chi sa kanyang karera sa showbiz mula ng mag-umpisa ito bilang isa sa mga teen star ng That’s Entertainment. Sino ba naman ang mag-aakalang tatagal nang ganito katagal si Gloria Labandera?!

Unang umusbong ang pangalan ni Rufa Mae Quinto nang lumabas ito sa ilang mga seksing pelikula ng Viva Films. Walang kiyeme siyang nakipagsabayan sa mga kapwa niya sexy stars noon pero dahil na rin sa angking ganda at talento sa pagpapatawa, nakuha niya ang paghanga ng madla lalo na noong lumabas ito sa pelikulang Boob, kung saan siya ay gumanap bilang simpleng dalaga na kapag umiibig ay masustansya! O, sey mo?!

Marami na rin nagampanang papel itong si Rufa Mae mapapelikula man o telebisyon. Isa sa mga ginampanan niya ay si Super B, ang superhero na pink ang kulay ng costume at may katawa-tawang mga powers. Siya rin ang sumugpo sa mga bruhang Flower Pot Girls na ginampanan nina Mylene Dizon at Melanie Marquez.

Bilang resident gossip gurl ng Showbiz Central, minsan din sinubok ni Rufa Mae ang magpaka-sweet sa programa. So, parang Rufa Mae does a John Lapus ang drama ni teh! As expected, kering-keri niya ang challenge na ito. ‘Ika nga niya, Go lang nang go! Fight lang nang fight! Go Super B!

Guesswhodoes
by Micaela Rodriguez

loading...

One thought on “Guesswhodoes: Rufa Mae Quinto does a ‘Pa-sweet na Super B’

Leave a Reply

Your email address will not be published.