Rufa Mae Quinto, ‘di malimutan ang ‘seryosong’ kissing scene

HINDI RAW malilimutan ni Rufa Mae Quinto ang kissing scene nila ni Fabio Ide sa pelikulang Ride To Love. Although before ay marami na siyang nagawang eksenang kahalikan ang kanyang leading man.

“Para kasing ang

haba ng hair ko sa movie na ito!” natawang sabi nga niya. “Tapos parang first time ko na nagkaroon ng kissing scene na seryoso. Buti naman, barkada ko si Fabio. Tapos very professional siya. So, masaya! Nag-practice kami nang nag-practice sa kissing scene talaga!” sabay tawa ni Rufa Mae. “Naging kaswalan, eh. Kasi kailangang scenematic. Eh, ako before, comedy ang dating ng mga ginawa kong kissing scene. Tapos si Fabio, first time. So, hindi niya alam kung papano ‘yong eksena naming dalawa. Medyo may kaba. Pero bandang huli, mas inuna na namin ‘yong professionalism na mas maging maganda ang dating sa screen. Na kailangan, todo na talaga.”

Na-link na sila dati ni Fabio. Baka matsismis na namang nagkakamabutihan sila now that they’re doing a movie?

“Oo nga, eh. Pero hindi. Barkada lang naman si Fabio, eh. So, marami naman akong barkadang lalaki.”

Bukod sa pelikula with Fabio, ginagawa rin niya ang pelikulang Mirriam, Ang Babaeng Huling Henya kung saan siya ang title role.

“Kung Boobah ako noon, ngayon naman ay pinakamatalinong babae naman ako!” tawa ulit niya. “Tapos ‘yong isa pa, ‘yong Lola Basyang. Entry naman ito for December MMFF (Metro Manila Film Festival).”

Dahil kasama siya sa cast ng Enchanted Garden, ang fantasy series ng TV5, marami ang nag-akalang lumipat na siya sa nasabing network. Pero napapanood pa rin siya sa Bubble Gang ng GMA-7, kaya may naguguluhan din kung ano na nga ba siya, Kapatid o Kapuso?

“Kasi ganito ‘yan… nag-umpisa po ‘yan, nagpaalam ako na… ‘di ba umalis ako sa Showbiz Central (dating Sunday showbiz talk show ng GMA na pinalitan na ng HOT TV)? So ang show ko po ay Bubble Gang na lang dito sa Channel 7. Nagsabi ako kay Marivin Arayata (isa sa executives ng GMA) na baka puwede naman akong mag-host sa Wil Time Big Time. Kasi kaibigan ko si Willie (Revillame), manager ko naman si Boss Vic (del Rosario). Kasi gusto ko namang ma-try mag-host-host do’n na kahit ilang beses lang. After ng sa Wil Time, nagpaalam ako ulit para sa Enchanted Garden. Na ang plano eh, six weeks lang. And okey naman din sila (GMA management). Masarap makipagtrabaho sa iba’t ibang artists. Pero I’m still a Kapuso. Napapanood n’yo pa rin ako sa Bubble Gang. At mapapanood din ninyo ako sa Party Pilipinas. Pero gagawa pa rin po ako ng projects kung saan-saan. Parang movies, ‘di ba? May Regal, may Viva. But siyempre lahat ‘yon, kailangang ipagpaalam muna nang tama. So, awa ng Diyos, GMA naman is kind enough to allow me. Kaya, thank you!”

Sobrang busy niya ngayon sa trabaho. Kumusta naman ang kanyang lovelife?

“Siyempre, kailangang may inspirasyon ka, ‘di ba? Kaya lang kasi, ang showbusiness, parang naging boyfriend ko na rin siya, eh. Kasi araw-araw kong pinaghahandaan. Pinagpapagandahan, pinagpapaseksihan. Pinag-a-outfit-an! Hahaha! Basta! Showbiz-showbiz na lang muna. Happy naman ako kahit wala munang lovelife. Eighteen years na ako sa showbiz. At ang dami kong magagandang memories na naaalala sa panahon ng pagiging artista ko.”

Sinasabi niyang zero ang kanyang lovelie. Pero bakit natsi-tsismis na nagkakamabutihan sila ni Boy 2 Quizon na kasamahan niya sa Bubble Gang?

“Kasi close naman talaga kami. At saka may movie rin kaming tinatapos, ‘yong I Love Dakak na reggae na musical movie.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Rufa Mae Quinto, ‘di malimutan ang ‘seryosong’ kissing scene

  1. hay naku for sure nagchukchakan na sila rufa mae at fabio, lahat naman ng leading men ni rufa mae naikama na nya, baliktad na noh? hahahahaha. ang pinakasikat na naikama nya eh si bong revilla hahaha. meron din sina aljur abrenica,mikey arroyo,boy2quizon,ogie alcasid,joey marquez. ang taray ni lola rufa mae noh? masyadong malibog! hahahaha

  2. Kaninong kissing scene ba kay Mikey “Kabayo” Arroyo. Kamusta na nga pala ung bigay sa yong Mansion ni Mikey…..Musta na ang imbistigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.