Rufa Mae Quinto, atat makasama si Piolo Pascual by Boy Abunda

RUFA MAE QUINTO is one of the nicest people I’ve known in showbiz. Kung gaano man niya tayo pinaliligaya sa kanyang nakaaaliw na mga pagganap sa pelikula at telebisyon ay siya naman niyang seryoso pagdating sa kanyang pamilya. Isa siyang mabuting anak, kapatid at apo sa kanyang pamilya kaya naman patuloy ang pagdating ng blessings sa kanya.

Peachy (palayaw ni Rufa Mae) has been in the industry for 15 years at nagawa na niya halos lahat – acting, hosting, singing, dancing and concert producing. She also has product endorsements. Her willingness to broaden her range as an artist speaks why she is still very much in the race.

Buong linggo na nating napapanood si Peachy dahil everyday ay may show siya. Maliban sa SOP, Bubble Gang at Showbiz Central, she is also part of the cast of the primetime fantaserye Darna starring Marian Rivera. Gumaganap siya bilang Francesca, ang kalog na secretary ni Crisanto (played by Raymart Santiago).

The sexy actress and comedienne is also the leading lady of Manny Pacquiao in his movie Wapakman na official entry sa Metro Manila Film Festival.

Dream daw niyang gumawa ng isang drama project with Piolo Pascual. Why Piolo? “Magka-age kasi kami. Guwapo siya talaga. I guested in the movie Kimmy Dora which he produced.”

Her colorful lovelife is an open book to the public. Recently, she landed on the news because she bought an expensive townhouse in San Francisco, USA. Kinumpirma niya ito during her presscon at sinabi niyang naghati raw sila sa bayad ng kanyang non-showbiz boyfriend who is of Spanish-Filipino descent. Matagal na raw silang magkakilala. Peachy was 13 years old when she met the guy pero hindi raw niya ito type noong una. Peachy now believes in soul mates. Sabi raw ng kanyang lola, “Mahirap nang makatagpo ng lalaking tulad niya. Matagal na kayong magkakakilala pero kayo rin pala sa bandang huli. Ang importante ay mahal ka niya.” Ipinagdasal daw ni Peachy noon na sana ay makahanap siya ng lalaking mag-aalaga sa kanya habang-buhay. She admitted na papunta na siya sa stage when she wants to settle down.

Happy at relaxed ngayon si Peachy. “I have friends pero iba pala kapag may haplos ng pagmamahal.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Rufa Mae Quinto, atat makasama si Piolo Pascual by Boy Abunda

Leave a Reply

Your email address will not be published.