Rufa Mae Quinto at Boy 2 Quizon, magdyowa na?!

SA PRESSCON NG Daldalita ng GMA-7, nakausap namin si Rufa Mae Quinto na gumaganap ng isang mahalagang role sa nasabing serye. Agad naming tinanong ang sexy comedienne kung talaga bang sila na ngayon ni Boy 2 Quizon, dahil nabalita nga na magkasama raw silang nag-out of the country ng actor.

Binigyang-linaw agad sa amin ni Rufa Mae na magkaibigan lang sila ni Boy 2, at kung magkasama man sila sa Hong Kong recently, ito ay dahil magka-partner pala sila sa business, ang Brown Sugar Production kung saan nakalinya sila sa paggawa ng mga international films, shows, etc.

Hindi naman nagsasara ng pinto si Rufa Mae kung mauwi nga sa isang romantikong relasyon ang pagkakaibigan at business partnership nila ni Boy 2. Pero sa pakikipag-usap namin kay Rufa Mae na puro business niya ang pinag-uusapan, mukhang wala sa prayoridad nito ang lovelife.

Mukhang napaso na siya sa kinauwian ng relasyon nila ng naging fiancee na tinago pa niya sa pangalang Mr. M. Sa ngayon ay wala na palang komunikasyon dito ang aktres at pinili na lang niya na lang talaga na putulin ang anumang ugnayan nila para makapag-move on na rin.

Sa nakikita naman, mukhang epektibo naman sa aktres na magpokus muna sa kanyang career as an actress and as a businesswoman kung saan pati pala built and sell ay pinasok na rin ni Rufa Mae. Naniniwala siya na darating ang tamang lalaki para sa kanya kung talagang may nakatakda na ibibigay sa kanya.

 

NOON PA MAN, matunog na ang bali-balitang lilipat daw si Sharon Cuneta sa bakuran ng TV5 sa sandaling matapos ang kontrata nito sa darating na January. Pero sa interview namin sa Megastar sa nakaraang storycon ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema kasama ng youngstars na sila Julia Montes, Enrique Gil at Gerald Anderson, ang klaro lang na naisagot sa amin ni Sharon ay balik siya sa pagma-manage ng Viva, kung saan co-manager na ngayon ng manager niyang si Ms. Sandra Chavez ay si Boss Vic del Rosario.

Inisa-isa sa amin ng Megastar ang mga nakalinya niyang gagawin ngayong balik-Viva siya uli gaya ng concert with Martin Nievera next year, recording album at kung anu-ano pa. Pero sa ngayon, wala pa siyang nakakausap na kahit na sino at kinakailangan pa nila itong upuan nila Boss Vic at Ms. Sandra.

Nagbigay-pahayag din siya na wala siyang nakikitang rason para umalis na sa bakuran ng Kapamilya Network, pero bukas si Shawie na makausap ang mga taong gusto siyang makausap. Nang tanungin namin kung gagawin pa ba niya ang Biggest Loser at ang Star Power sa susunod na taon, ang tanging naisagot sa amin ng aktres ay ‘di niya ito masasagot.

Umalis si Sharon ng bansa noong nakaraang linggo para sundan ang anak na si KC Concepcion na ito pala mismo ang humiling sa ina para samahan siya sa 65th birthday ni ex-President Bill Clinton na isa ring fundraising show. Nakatanggap ng mensahe ang Megastar mula kay KC na siya ang gusto nitong maging other person sa imbitasyong natanggap.

Ayon kay Sharon, alam niya na kailangan siya ngayon ng panganay na anak at ayaw niyang isipin nito na ang mga nakababatang kapatid nito na sina Frankie, Miel at Miguel lang ang nabibigyan niya ng atensyon.

Nagbitaw rin ng salita ang Megastar na hangga’t alam niya na okay ang anak ay okay rin siya. Hindi man diretsahang aminin, kinukumpirma na ng mga sagot ng Megastar na may mabigat talagang pinagdaraanan sa ngayon si KC, dahil sa balitang break-up nila ni Piolo Pascual.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Rufa Mae Quinto at Boy 2 Quizon, magdyowa na?!

  1. At ang klase naman ng panamit nya ay parang Frosty the Snowman kasi yong dibdib nya almost always revealing ang dating. Wala bang matinong kaibigan ito na makapagsasabi sa kanya ng totoo na parang mababa tingnan.

  2. Ano na bang nangyayari nitong si Ruffa Mae, parang laruan na lang na pinasa pasa sa ibang mga kamay. Parang play girl na ang dating kasi ilang beses na ba itong na link sa iba’t ibang mga lalaki.

  3. Pingback: Rufa Mae Quinto at Boy 2 Quizon, magdyowa na?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.