Rufa Mae Quinto’s new boyfriend is a handsome photographer?!

LAST WEDNESDAY (APRIL 13), bumuwelta ang mga magulang ng batang si Jan Jan sa mga bumibira sa kanilang anak hinggil sa ginawang pagsasayaw nito ala-macho dancer sa Willing Willie. Nagsampa sila ng reklamong libelo sa Quezon City prosecutor’s office laban sa child psychologist na si Dra. Lourdes Carandang na diumano’y kaagad naghusga na may nangyaring child abuse kay Jan Jan kahit hindi pa nito nakikita nang personal o nakakausap ang bata.

Kasama ring sinampahan nila ng reklamo ang art and culture cri-tic at blogger na si John Silva dahil sa pagtawag nito na biktima raw ng phedophilia si Jan Jan, at sa isang child protection advocate dahil sa pagsulat naman sa Commision On Human Rights, MTRCB, DSWD, at pati raw kay Senator Pia Cayetano, at hinihiling na kundenahin nga ang mga magulang ng bata dahil ipinasok daw ito sa isang nakahihiyang situwasyon nang pasayawin sa Willing Willie.

Pahayag nga ng kinukundena ring tatay ng bata (na isang gay) kung bakit sa lahat ng sayaw ay macho dancing pa ang hinayaan nilang ituro at karerin na sayawin ng bata – lubhang napakasakit daw para sa mga magulang gaya niya na sabihing ang kanyang anak ay na-child abuse.

Pahayag pa sa media ng tatay ni Jan Jan, “Hindi kami ang nang-a-abuse sa anak namin. Sila ang nag-a-abuse sa anak namin. Kung saan-saan na nga kami tumutuloy. Natatakot po kami sa mga sinasabi nila sa amin.”

Mariing pinaninindigan ng mga magulang ng bata na hindi raw naabuso o naalipusta ang kani-lang anak. Ito raw ang dahilan kaya buo ang suporta nila sa nadidikdik ngayong si Willie Revillame.

Grabe na nga ang ginagawang pambabatikos sa TV host. Sa kabila ng desisyon ni Willie na pansamantalang ihinto muna ang pag-ere ng kanyang program for two weeks, talagang ayaw pa rin siyang tantanan ng mga patuloy ang pagbira sa kanya.

Ramdam ng TV host na talagang there are some forces out to des-troy him at ang hangad ay mawala na siya sa industriya. Kamakailan nga ay may mga nag-protesta pa sa harapan ng KBP (Kapisanan Ng Mga Broadcasters ng Pilipinas) na mga guro at estudyante kasama pa ang binansagang running priest na si Father Robert Reyes. Hinihiling ng mga ito na gumawa ng aksiyon laban kay Willie na inilarawan pa ng mga ito bilang isang ‘tsunami’ raw ng moralidad ng sambayanang Pinoy.

Gano’n pa man, nagpahayag ang KBP na magiging balance  at  maingat sila sa gagawin nilang imbestigasyon bago sila maglabas ng kanilang mosyon in two weeks time. Maraming mga tagasubaybay naman ni Willie at ng programang Willing Willie ang nagtipon-tipon din kamakailan sa harap naman ng opisina ng MTRCB tanda ng pagpapakita ng mga ito ng suporta sa TV host.

Tiniyak naman ni MTRCB Chairperson Mary Grace Poe na magiging patas din sila sa kanilang pagsisiyasat sa usapin.  Habang ang Senado naman, balak ring magsagawa ng kanilang im-bestigasyon din tungkol dito.

Matindi man ang unos na kinakaharap na naman ngayon ni Willie, marami ang naniniwalang malalampasan niya ito. He has been into a lot of heavy trials before pero natawid naman niya ito. Marami nang pagkakataong tinangka siyang pabagsakin, pero nakakaba-ngon at nakakatayo pa rin siya.

Kumbaga siguro, you can’t put a good man down. And you can’t put a good show down also.

Ganyan?

TSUGI NA RAW sa puso ni Rufa Mae Quinto ang very controversial mystery man sa buhay niya. Matatandaang sa ilang taon ding itinakbo ng relasyon ng sexy comedienne-TV host, talagang hindi niya mabanggit-banggit kung sino nga ba ang boyfriend niyang ito na minabuti na lang niyang itago sa pangalang ‘Mr. M’.

Anyway, ang balita lately, may bagong pag-ibig na nga raw itong si RMQ! At ang chika, isang guwapong photographer daw ang ipinalit ng aktres kay Mr. M. May mga nakakita nga umano sa pagdalaw nito sa kanya recently habang nasa isa sa mga studio siya ng GMA-7.

Pero kahit may mga nangungulit na magtanong kay Rufa Mae kung sino ang nasabing guy, kaparis ng drama niya kay Mr. M, ayaw ring banggitin ng dalaga ang pangalan nito.

Siguro, nag-iisip siya ng code name para sa nasabing guy. Well… since photographer ito, puwede na sigurong tawaging Mr. P.

Kung bakit hindi magawang ilantad ni Rufa Mae ang mga lalaking nakakarelasyon niya lately? Siguro, may sabit. Baka maging magulo lang ang sitwasyon nila kung ilalantad niya kung sino nga ba ang kanyang karelasyon. ‘Yun na!

Pero may iba naman, kinukutuban na baka raw palabas lang ni Rufa Mae na bagong dyowa niya ang nasabing photographer para ma-cover up at hindi na mapag-uusapan pa si Mr. M ng buhay niya. Ang tsismis kasi, bigtime ang Mr. M na ito. At sunod umano ang lahat ng luho niya rito.

Si Mr. M daw ang tipo na kahit ipaghalimbawang may sabit nga, hindi gano’n kadaling pakawalan kasi, good o big catch nga!

May ganyan pa talaga?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

8 thoughts on “Rufa Mae Quinto’s new boyfriend is a handsome photographer?!

  1. korek ka jose de leon lahat obvious naman binigyan ng pera ni willie yan lahat na kampi sa kanya na reporter i’m sure binigyan niya ng pera, dapat isama na rin na tangaalin sa channel 5 si cristy fermin at dj mo mga kampon sila ni willie walang mga breeding at mga truble maker.

  2. hoy ruben marasigan, hindi halata na bayaran ka ni willie huh……ganyan talaga pag paid journalism ang natutuhan…tsktsktsk…sana naman magbago na kayo….yung sa tama lang dapat…mga alipores ni cristy at willie at anevil….bwiset…pwehhh…

  3. sa umpisa pa lang nakita na iyon ang gingawa nung bata dapat sinaway na ni willie o inawat at tanungin kung meron pa bang alam na sayaw.e hindi ganoon ang ang nangyari bagkus pinatapos pa ang pag sasayaw.hindi talent na maituturing ang pag sasayaw ng call boy sa isang musmos na bata.kayo naman nanood sa willing willie ,nakuha pa nyong pag tawanan ang bata.oo nga mahirap ang pamilya nung bata sa pag kakataon na iyon maiisip nya kapag na ngailangan ng pera e pag sasayaw ng macho dancer ang sulusyon para makakuha ng pera…oi ruben marasigan cno maysabing good man c willie?

  4. Ruben Marasigan di masiadong halata na isa ka sa mga nababayaran ni revillame!!!! meron ka pang you can’t put a good man down. isang kang malaking uto-uto!!!!!

  5. Hindi mga kaso kaso ang dapat intindihin ng mga magulang na yan, ang dapat nilang gawin ay ang turuan ng ibang talent si Janjan na hindi malaswa at dapat age appropriate ang talent na ituturo nila. Ang mga magulang na ito ang may kasalanan kung bagit nagkaganuun si Janjan, anong klaseng mga magulang ito!

  6. yan namang si rufa mae masyadong ma gimick. ayaw ipakilala ang jowa kasi di naman daw showbiz, pero pag sa interview panay naman ang sagot. di mapakilala ang jowa kasi siguradongmay sabit…bwahahaha

  7. Hindi nila kayang pabagsakin si Kuya Willie dahil nasa panig niya ang katotohanan. Maski ano ang mangyari lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Gusto lamang nilang mawala si Kuya Willie dahil masyadong mahal siya ng mga tao. Para kay FATHER ROBERT REYES at sa CBCP imbes patuunan ng pansin ay ang mga PARI na nangabuso SEXUALLY sa mga BATANG SAKRISTAN. MGA BISHOP, PARI AT PASTOR NA SEXUAL MOLESTER, RAPIST, SEXUAL PREDATORS, PHEDOPHILES. MGA MIYEMBRO NG CBCP AT MGA PARI ANG NUMBER ONE NA IMPOKRITO SA MUNDO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.