Rufa Gutierrez is now cautious with men

NAG-CELEBRATE NA NAMAN ng kanyang birthday si Ruffa Gutierrez kamakailan nang wala siyang inaamin na bagong karelasyon. Maraming nanliligaw sa kanya ngayon, at mayroon na rin daw isang foreigner na medyo malapit sa puso ng unica hija ni Tita Annabelle Rama. Pero parang maaga pa raw para sabihin kung ito na nga ang lalaking kapalit ni John Lloyd Cruz sa kanyang buhay. Sobra kasi ngayon ang kanyang pag-iingat sa pagpili ng lalaking bagong mamahalin.

Hindi naman kasi maiaalis kay Ruffa ang hindi matakot na mu-ling magmahal nang todo katulad nu’ng hindi pa niya nakikilala si Yilmaz Bektas. Nu’ng dalaga pa lang kasi si Ruffa ay halatang-halata siya kapag in love, at kinikilig siyempre siya sa mga lalaking guwapo, katulad noon nina Zoren Legaspi at Aga Muhlach. Pero nang dahil sa hindi magandang karanasan niya sa paghihiwalay nila ni Yilmaz, parang naroon na talaga ang malaking takot na ibigay ni Ruffa nang buo ang kanyang pagkatao sa sino mang lalaking magmamahal sa kanya. Kina Lorin at Venice na lang nagsisimula ang kaligayahan niya ngayon.

Hindi na bumabata si Ruffa, pero kakabugin niya sa ganda at kabataan ng hitsura ang kung sinu-sino lang d’yang mga artista na mas bata kesa sa kanya. Puwedeng naglilihim lang ngayon si Ruffa tungkol sa kanyang lovelife, dahil na rin sa pag-iingat. Pero ang isa sa unang kundisyon niya sa lala-king kanyang makakarelasyon, ang tanggapin din sina Lorin at Venice, mahalin na parang tunay nilang anak. Kasi nga, mahal na mahal niya ang dalawa niyang bagets.

 

BLIND ITEM: MALAKI na talaga ang ipinagbago ng personality ng mahusay na aktres na itago na lang natin sa screen name na Marie Rose Castillo. Wala na kasi halos tayong maipipintas sa kanyang ugali, dahil napakabait naman niya. Pero mayroong isang movie reporter, na tawagin nating si Marianito Rubina, ang nagkaroon daw ng kakaibang karanasan sa paglapit sa aktres para ito ay makapanayam, kung saan itinuturing niyang ang una nilang paghaharap ay parang isang bangungot na hindi makakalimutan ng nasabing manunulat.

Napabalita noon ang paghihiwalay ni Marie Rose sa husband niyang basketbolista. Baguhan pa lang na manunulat noon si Marianito, at ang assignment ng kanyang editor ay interbyuhin ang aktres tungkol sa hiwalayan at paghahati ng kanilang conjugal properties. Sumugod naman si Marianito sa subdivision na tinitirhan ng aktres. Pinaghintay ng guard si reporter sa gate ng house. Nang dumating ang kotse ng aktres at makapasok iyon, tsaka dumungaw ang aktres sa gate at nagpakita sa manunulat, at ang dayalog nito: “Ako si Marie Rose Castillo. Bakit?”

Sagot naman ni Maria-nito: “Gusto lang sana kitang mainterbyu tungkol sa hatian n’yo ng ari-arian ng husband mo.”  Bigla raw nagbago ang hitsura ng aktres, at ang sagot nito: “At sino namang may sabi sa iyo na magsasalita ako tungkol d’yan?!” Ang kasunod na raw noon ay isang malakas na “BLAG!” ng gate ang award na ibinigay ng aktres sa manunulat.  Pinagsarhan siya at tinalikuran. Lulugu-lugong umalis si Marianito. Tagaktak ang kanyang pawis sa katawan, dahil nilakad niya mula sa house ni Marie Rose palabas ng malayong gate ng subdivision. Malungkot, dahil hindi nakainterbyu.

Ang sikat na aktres ay may umeereng teleserye ngayon. Sino siya kina Ana Capri, Ana Roces, Anna Abiera, Anna Maceda o Anna Marin? Isama na rin natin sina Annie Batongbakal at Anna Manalastas. Sinong Anna? Magsalita ka, Ruben Marasigan.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

9 thoughts on “Rufa Gutierrez is now cautious with men

  1. Tungkol sa blind item, mr. writer I think the reporter deserved the treatment he received from the actress. Mabuti yon lang ang ginawa sa actress sa kanya!!!!!!

  2. OKAY LANG TINATAMASA NINYONG KAYAMANAN PERO MALI NAMAN ANG GINAGAWA NG MGA GUTYERES SA MGA MALILIIT NA TAO.MASYADO SILANG MATATAAS AT AKALA MO MGA SOBRANG POWERFUL.KAILANGAN LAGI SILANG WAGI

  3. SANA MAGBAGO NA SI ANNABEL RAMA SA MGA KASAMAAN NIYA SA IBANG TAO.HINDI DAPAT GINAGAWANG DIYOS ANG PERA.MAY KATAPUSAN IYAN.DI PA HULI ANG PAGSISISI.

  4. Yung blind item..wala namang masama sa ginawa noong actress. Kasalanan na noong writer ito. Bakit nga ba naman kailangan ibubunyag ng singer actress ang tungkol sa hatian ng properties ano naman ang paki ng writer dito. Nakakaasar pa yung ginawa ng writer. Masyado kayo demanding at feeling ng mga ganitong writers may right kayo rito at may hawak nyo sa leeg ang mga artists and dapat lumuhod sila sa inyo and obey whatever your requests are dahil utang na loob nila na sinusulat niyo sila..geesh! You won’t have work if hindi dahil sa kanila!

  5. SA DAMI NG RETOKE NA GINAWA KAY RG AY NAGMUKHA NG BADING……..KAHIT YUNG BILLBOARD NYA SA EDSA ANG SAGWA PARANG LUMPIANG BINALATAN LANG AT DI KINAIN HAHAHA GO LAOS GO!!!!!!!!!!!!!!!

  6. Santisima trinidad!…baka tubuan ng kanser iyang bunganga mo ruel?…anong nagawa sayo ni rufing at nagkakaganyan ka?…aysus! Kahit asong askal hindi kayang tanggapin ang mga salitang nanggagaling sa bunganga mo iho!…patawarin ka nawa ni batman! Lol…

  7. C ROPA NA CERTIFIED NA PUTANG GURANG NA DATING BRUNEIYUKI HAHAHAHAHAHAHA. GURANG KA NA DAY, TANTANAN MO NA KAKAHABOL K JOHN LLOYD NA PANOT KC SAWA NA YUN SA SUSO MONG LAGLAG AT SA PWERTA MONG SABOG. IPALAMON MO NA LNG YAN SA SISTAH MONG C RAYMUNDANG VAKLA HAHAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.