Rudy Fernandez, ayaw pahalikan si Lorna Tolentino by Archie de Calma

SA MULING TAMBALAN nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion sa Dahil May Isang Ikaw, may kissing scene daw ang dalawa. Matagal nang hindi nagpapahalik sa kung sinumang leading men si LT dahil personal conviction na raw niya ‘yun, lalo noong mga bata-bata at marami na rin ang nagtatanong sa mga anak niya kung bakit kailangang gawin niya ang bagay na ‘yun bilang artista.

Para kay LT, prime consideration niya ang kanyang mga anak, at hindi ang sasabihin ng ibang tao. Mabuti na lang, lumaking malalawak ang pang-unawa ng mga anak niya. Ateneo graduate si Ralph at ang bunsong si Renz ay pa-graduate na sa UP, vying for cum laude. Kaya alam ni LT na sa edad at estado ng mga anak, okey na rin lang sa mga ito ang gayong mga eksenang pupuwedeng kasangkutan ng inang ang propesyon ng pag-aartista ang bumuhay sa kanila.

Pero, lalagay na lang din sa tama si LT pagdating sa ganitong requirement sa kanya bilang artista. Noong nagtambal sina Gabby at LT sa Nagbabagang Luha na dinirek ng yumaong Ishmael Bernal, may ilang minutong kissing scene sila na nagpalitan pa halos ng laway at kitang-kita ‘yun sa big screen. Malabo na ring ulitin ng dalawa ang ganoong eksena, lalo na sa edad at estado nila.

Sa solo presscon ni LT para sa bagong teleserye ng Dos, biglang nagloko ang sound system pagkatapos na magpaliwanag ang aktres tungkol sa torrid kissing scene. Napayuko na lang si LT at sinabi, “Naku, ayaw ni Papa ng torrid kissing… sabi siguro, ‘Ano’ng torrid kissing ka d’yan?”

MASAYA SI GABBY Concepcion sa kanyang pagbabalik dahil naayos ang mga dapat ayusin sa kanyang career at personal life. Sa pagbabalik niya, may hinampo pa ang ex-wife na si Sharon Cuneta sa kanya. Ngayon ay nagkaayos na sila, at okey na si Gabby na magkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanila ni Sharon, unlike before.

Mina-manage na si Gabby ng Star Magic, at nangangahulugan lang na mas mapapangalagaan ang takbo ng career nito at matitiyak ang sunud-sunod na proyekto. Nagmarka si Gabby sa Iisa Pa Lamang, pero sa bagong Dahil May Isang Ikaw, tiyak na kalulugdan uli siya.

Inaayos na rin ang lahat para sa follow-up sa naunang successful album ni Gabby. Ang kasunod ay pamamagatang Unforgettable. Mayroon na ring pelikula para sa Star Cinema.

Pero, kung si Gabby ang tatanungin, gusto niyang makatambal muli si Sharon. At sana raw, kung mayroon na ay maipalabas ito sa Metro Manila Film Festival dahil naniniwala siyang magiging blockbuster ito, at marami na rin talaga ang nag-aabang sa pagbabalik-tambalan ng dalawa sa big screen.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.