Rubyrose Barrameda-Jimenez’ body, to be confirmed

GRABE NAMAN PALA itong pinagdaanan ng kapatid ni Rochelle Barrameda na mahigit dalawang taon nang nawala.

Nakatanggap nga kami ng tawag mula kay Rochelle na lumabas na raw ang isang taong nakaalam sa ginawa sa kanyang kapatid na si Rubyrose Barrameda-Jimenez. Itinuro nito kung saan inilagay ang katawan ni Rubyrose at itinapon sa malalim na bahagi ng dagat sa may Navotas.

Buong araw na naghintay sina Rochelle at ang buong pamilya nito sa may Crime Lab ng Camp Crame at nu’ng dumating na nga ito kinahapunan, hindi mo mawari ang sakit na naramdaman nina Rochelle at ng magulang nito.

Isang malaking metal box na nakasemento at sa loob nito ay ang drum na pinaglagyan daw ng katawan ni Ruby. Dala ni Rochelle ang dental records ng kanyang kapatid para roon makumpirma kung si Ruby nga itong natagpuan nila.

Gabi na nang nakuha ito sa may drum at kukumpirmahin pa kung si Ruby nga ba ito. Pero tinitiyak nina Rochelle na kapatid niya ito dahil very reliable ang nagbigay sa kanila ng impormasyon, at kung paano ito matagpuan.

Hindi pa rin nagbabago ang hinala nina Rochelle kung sino ang may kagagawan nito, kaya hindi raw sila titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang ginawa sa kanyang kapatid. Lalapit daw sila sa ilang grupo gaya ng Gabriela para matulungan sila kung ano ang mabuting gawin para maakusahan ang dapat managot nito.

Nagkasanla-sanla na raw sila ng mga property nila, pero hindi pa rin daw sila titigil at balak nga nilang lumipat ng bahay para mapalayo raw sila sa mga taong pinaghihinalaan nilang involved sa krimeng ito.

As of presstime, hindi pa rin kumpirmado kung si Rubyrose nga itong nakuha nila sa drum na ‘yun. Medyo matagal pa raw bago ito makumpirma base sa dental records ng kapatid ni Rochelle.

HINDI MUNA NAGSALITA si JayR tungkol sa break-up nito sa kanyang girlfriend na halos sampung taon na niyang karelasyon. Pero nu’ng Miyerkules lang, nalaman naming magkasama sila ni Krissa Mae Arietta at hinatid pa niya ito sa salon ni Fanny Serrano. Nalaman din naming nagbabantay pa pala si JayR sa taping ni Krissa Mae sa All My Life at lagi nga silang magkasama.

Nilinaw naman ni Krissa Mae na wala pa silang relasyon. Kung nanliligaw sa kanya si JayR, mabuting itong Prince of R & B na lang daw ang tanungin at huwag siya. Kung sakaling maging sila man daw, natitiyak naman daw niyang single ito dahil noon pa man, ipinagtapat na raw sa kanya ni JayR na wala na sila ng kanyang girlfriend.

Iniiwasan pa naman ni Krissa Mae na mapagbintangang manunulot ng boyfriend ng iba, kaya tiniyak daw niyang single ito bago siya pumasok sa eksena. Lumalabas lang daw sila madalas at nag-i-enjoy naman daw sila. Hanggang du’n lang daw muna, kung magkadebelopan man, hintayin na lang natin.

Aalis pa-Hongkong si JayR at dapat ay kasama raw si Krissa Mae, pero may trabaho lang ito kaya hindi natuloy. Birthday kasi ngayon ni Krissa Mae at gusto sana niyang magkasama sila sa mahalagang araw na ito. O, ‘di ba?

ABANGAN N’YO PALA sa Linggo ang Power of 10 ni Janno Gibbs dahil exciting din ang tapatan ng dalawang non-celeb contestants. Ang isa ay chemical inspector at ang isa naman ay entrepreneur, pero masaya ang labanan nila para makuha lang ang sampung milyong jackpot.

Pero nakuha nga kaya nila? Abangan na lang ito sa GMA 7 sa Linggo pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.

by Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Rubyrose Barrameda-Jimenez’ body, to be confirmed

  1. Yan ang hirap sa mga mayayaman. Kesyo di nila matanggap na hiwalay ang kapatid ni rochele sa asawa nito. Kesyo nakakhiya sa angkan nila kaya pinatay nila. Ganun ba yun? Hindi hayop si Rubyrose para patayin lang ng basta basta. Pananagutan nyo yan sa DIYOS at eto na nga dumating na. Sa pamilya Barrameda. Justice is in your hand now. Don’t lose hope. God bless

Leave a Reply

Your email address will not be published.