Ruby Tuason, pinagdududahan

KINUWESTYON NG ilang “whistleblowers” sa multi-bilyong pisong PDAF scam ang motibo ng paglabas ni dating presidential social secretary Ruby Tuason at ang pagpasok nito sa witness protection program ng pamahalaan.

Ayon kay Atty. Stephen Cascolan, posibleng bahagi ng “strategy” ng mga dawit sa nasabing iskandalo ang paglutang ni Tuason.

Si Cascolan ay abogado ng iba pang prosecution witnesses, kabilang sina Baby Sula, Arlene Baltazar at Monette Briones.

Ang mga naturang dating empleyado rin ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Bagama’t aminadong malaking tulong sa kanilang kaso ang testimoniya ni Tuason pero nangangamba ang abogado sa posibleng ibang layunin nito.

Posible rin aniyang “pakawala” ng mga utak sa iskandalo si Tuason para malaman ang legal strategy at mga ebidensiya ng prosecution panel.

“But do you realy believe that she decided to surface because she was bothered by her conscience? We are not open to the idea (of Tuason cooperating with the prosecution),” dagdag pa ng abogado.

Samantala, sinabi ni Atty. Levito Baligod na abogado ng testigong si Benhur Luy na hindi lamang pinagtibay ni Tuason ang testimonya ng kaniyang kliyente kundi nahigitan pa para lalong mapalakas ang kaso laban sa mga dawit sa pangungulimbat ng bil-

yong pisong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Malampaya funds sa pamamagitan ng bogus na foundations ni Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.