Rubi, hindi magandang impluwensiya?!

OLA CHIKKA! KAHAPON nga naidaos ang eleksiyon at ikinatuwa ko naman nu’ng umaga na walang masyadong reklamo at problema sa sistema ng automated elections. Mukhang nag-e-enjoy nga ang mga botante at isa na rito ang ating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dahil halos napataas pa ang kamay sa saya nang makita ang confirmation word ng PCOS Machine na “Congratulations!” O, ‘di ba ang taray?!

Isa lang naman ang pinagdarasal ng mamamayang Pilipino, walang iba kundi magkaroon ng malinis na eleksiyon.

Kaya ano man ang naging problema at mga kakaharapin pa sa pagtatapos nitong eleksiyon, ipagpasa-Diyos na lamang natin. Ginawa natin ang ating parte sa pamamagitan ng pagboto at kung may mga masasamang loob ang magtatangkang dumihan itong halalan na ito, may araw rin sila. Ha-ha!

Basta ako, ang nais ko ay malinis at maaliwalas na eleksiyon, tulad ng kulay Dilaw at Puti. Ha-ha!

ITONG MGA NAKARAANG araw ay madalas akong nakaririning ng mga negative feedbacks tungkol dito sa teleserye ng ABS-CBN na Rubi. Totoong maganda raw ang palabas at magagaling na artista ang mga gumaganap ngunit ang istorya ay mukhang hindi maganda ang impluwensiyang naibibigay nito sa mga manonood lalo na sa mga kabataan.

Isa na rito ang anak ng kaibigan ko na inirereklamo ang anak niyang nasa tamang edad naman, dahil nga sa hindi magandang pag-uugali ang natututunan. Tumataas ang pangarap na nais maabot ngunit sa hindi magandang paraan. Kung napapanood n’yo ito, hindi ko na kailangan pang ikuwento dahil sa mga kilos at pananamit pa lamang ni Rubi ay hindi na talaga maganda.

Kung imposible man na tanggalin ang Rubi sa Dos dahil sa magandang ratings nito, nanawagan na lamang ako sa mga magulang na huwag nilang hayaang manood ang mga anak nila lalo na ang mga batang wala pa sa tamang edad na hindi pa lubos na nauunawaan ang pagkakaiba ng tama sa mali.

Ang taray ng lola n’yo at bongga kung makapagsermon. Sadyang nagbibigay lamang po ako ng opinion at hindi ko pinipilit ang sino man na paniwalaan ang mga sinasabi ko. Nasa sa inyo na po ‘yun.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actress na lantad sa publiko ang pagkakagulo ng kanyang love story at maging pagpapalit ng lalaki sa kanyang buhay ay alam na alam na. Ay naku! Mukhang hindi na ito blind item dahil kilalang kilala n’yo na siya.

Kung iisipin ay bagay na bagay naman sila nitong young actor na napapabalitang karelasyon niya dahil parehas
na silang may anak ay kung kani-kanino pa rin sila nali-link na mga artista.

Naku, huh! Hindi maganda ‘yan. Sino sila? Kailangan pa ba ng clue? Hindi na yata! Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan.

Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKim Chiu, The Supah Dancer!
Next articleHas-been sexy star, pinabitbit ni Apl de Ap sa mga bouncer!

No posts to display