RR Enriquez, nag-walkout sa isang campaign sortie!

USUNG-USO YATA NGAYON ang mga walkout.

Si Gretchen Barretto, nag-walkout sa presscon niya dahil hindi niya nagustuhan ang mga tanong sa kanya. Si Kris Aquino, umiskiyerda rin sa taping niya ng kanyang soap matapos maimbiyerna sa news ng Dos na palaging ipinakikita ang pagbigkas ni Baby James ng name ng isang pulitiko sa isa nilang kampanya.

At ngayon, nabalitaan naming isa na namang artista ang nag-walkout.

May nagtsika sa amin na nag-walkout daw si RR Enriquez sa kampanya ng isang mayoralty candidate. Hindi na raw nito na-carry ang maghintay kaya naman wala raw itong paalam na nilisan ang venue. Dapat sana ay kakanta ang hitad ng dalawang songs, pero hindi na ito nangyari dahil umalis na nga ang lokah.

Na-late raw ng dating si RR kaya naman pagdating niya ay isinalang na si Andrew E. Dapat sana ay second performer siya.

Parang hindi raw mapakali sa kanyang dressing room si RR at kinukulit ang coordinator na isalang na siya dahil may taping pa siya kinabukasan. Ang kaso, hindi siya napagbigyan dahil pagkatapos ni Andrew E ay ipinakilala na ang kandidato. At pagkatapos naman ng speech ng candidate ay nag-perform naman si Anne Curtis.

Anyway, marami pala ang nakapansin na hindi nagkikibuan sina RR at Anne habang nasa dressing room. Nagpalitan lang daw ng Hi! ang dalawa at pagkatapos niyon ay nagdeadmahan na ang dalawa. Marami nga ang nagtatanong kung merong away sa pagitan ng dalawa.

Hindi kaya si Anne ang dahilan kung bakit nag-walkout si RR? O baka naman naimbiyerna siya’t hindi siya kaagad naisalang kaya minabuti na lang niya na umalis na.

Anyway, pinasosoli raw kay RR ang kanyang talent fee kaya lang ay half lang nito ang kanyang ibinalik. Ang katuwiran ng hitad, sumipot naman daw siya sa kampanya.

HALATANG GIGIL NA gigil si Willie Revillame noong magkaroon siya ng interview na ipinalabas sa TV.

Ang ipinagsisintir ni Papi, bakit hindi ipinapakita sa telebisyon ang maraming taong dumarating kapag may campaign rally siyang sinasalihan.

Ipinatawag ni Papi ang lahat ng camera man ng network at tinanong kung bakit hindi nga nila kino-cover ang daang libong taong pumupunta sa campaign rallies.

Masyado yatang maangal itong si Willie. Kung may sentimiyento siya, bakit hindi niya ito itanong sa mga namamahala ng news and public affairs Bakit kailangang sa camera man siya magtanong?

INILAMPASO NANG HUSTO ni Gretchen Barretto ang nakababatang kapatid niyang si Claudine nang magtapat ang kanilang mga programa sa telebisyon.

Malaki ang lamang sa ratings ng Maalaala Mo Kaya guesting ni Gretchen kumpara sa self-titled drama series ni Claudine.

Sa March 10 TNS National rating ay nakakuha ang MMK ng 31.4 habang si Claudine ay 14.7. Sa Mega ay wagi pa rin ang MMK  sa rating na 23.6 habang si Claudine ay 17.3. Maging sa Metro ay winner pa rin ang MMK ni Gretchen na nakakuha ng 26.4 samantalang si Claudine naman ay 14.7

Ano ang pinatunayan ng rating? Well, sabik na sabik na ang mga manonood kay Gretchen at tila sawang-sawa na sila kay Claudine!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

23 thoughts on “RR Enriquez, nag-walkout sa isang campaign sortie!

  1. well may katwiran si willie na magreklamo kasi yung show nya nagdadala ng pera sa ABS-CBN aquino broadcasting station-cige boto noynoy….. eh sa laki ng byad ni villar siguro napapahiya na sya sa bossing nya…

  2. halos laht ng article dito me comments ng paninira ke noynoy…..OPERATION CHARACTER ASSASINATION..mlapit n kc eleksyon e, angat par in s survey si noy,e bilyon ginastos ni villar, dapt mabawi ….desperate move..mgkano ba ang byad s pgpapalit palit ng pangalan pra lang masbi na mdaming nacocomment ng bad ke noynoy??pasali nman,,pkipost ng email mo, kc malayo pa suweldo pra mambunan nman ako ng pera gling s C5 scandal hahahahah

  3. BENIGNO AQUINO III FOR PRESIDENT. . .BENIGNO AQUINO III FOR PRESIDENT…BENIGNO AQUINO III FOR PRESIDENT…BENIGNO AQUINO III FOR PRESIDENT ! ! !

  4. tingnan nyo muka ni noy2 , kau na magdecide kung abnoy ba xa o indi . hahahahhahahahahahahahha

    paling pa bunganga , pati ung ngipin nya , hahahhahahaha

    mahilig mag baliktad yang mga aquino na yan lalo n ung mag kapatid na parehong abnormal , ( kris at noy )

    cla gagawa ng mga kagagohan , isisisi sa iba .

    mahilig manira , pero sabi nya , d daw xa maninira ng mga magiging kalaban nya , sabi nya nung umpisa . hahahahahha

    pero ngaun pati patay na dinamay pa ,

    baket d nya sabihin ung mga dinedo nila sa kanilang hacienda .

    pweeee – d e ba . kakapal ng muka nyo aquino .

    Subic-Clark-Tarlac Expressway scandal ni noynoy hindi na naungkat kasi hindi na kinocoverage ng media

    c5 ni villar palagi coverage ng media..

    minsan ang media bias

    lalo na ung tv patrol

  5. noynoy is not qualified to be president. sa totoo lang, sa sobrang tagal niya sa pulitika wala pa siyanng napatunayan. he may not be corrupt but his cronies like binay are. so ingat rin tayo.

  6. ngayon pa ba kayo magwo-worry kung manalo si noynoy at baka kanyo magreyna-reynahan si tetay? naging anak na siya ng presidente before, kaya i’m pretty sure na ganon pa rin siya na maarte, heheheh, gusto ko na yan kaysa sa pukinginang willie’ng mayabang na alalay lang ni villar akala mo kung sino na, kunsabagay matagal na siyang ganiyan kayabang

  7. TAMA KAYONG LAHAT! PAG KUMAKANTA NA SI PUPPY, PINAPATAY KO MUNA ANG TV, SAYANG ANG KORYENTE! PAG SI VILLAR ANG NANALO, LALONG NAKAKATAKOT KASI LALONG YAYABANG YANG SI PUPPY! NGAYON NGA, FEELING NYA SYA MAY ARI NG ABS CBN, E KUNG PRESIDENTE NA SI VILLAR, MAGIGING FEELING NYA, SYA ANG MAY ARI NG PILIPINAS!!! NYAAA!!! MAS NAKAKATAKOT LALO!!! BAKA LAHAT NA LANG NG TAO, TARAYAN NYA! PAG SI ABNOY NAMAN ANG NANALO, SI TETAY NAMAN ANG MAGRE REYNA! ANUBAYAN? MAS NA MAS NAKAKATAKOT! WALA NA BANG IBA? SI DICK GORDON KAYA? TAPOS SI MAR ROXAS ANG BISE??? EWAN KO…

  8. WOW, TARAY NI RR. KALABAN PA NIYA SI ANNE CURTIS. SIGURO DAHIL SA MAS MALAKAS ANG SHOWTIME AT AYAW NI WILLIE REVILLAME NA MAKI SOCIALIZE AND TAUHAN NIYA SA STAFF NANG KALABAN. ITO BA KAYA ANG DAHILAN? OO NGA PALA. NA MISS NAMIN SI VALERIE CONCEPCION KAHAPON. NASAAN SIYA? SANA SI MARIEL NA LANG ANG NAWALA.

  9. akala ko malaki ang magiging pagbabago ng Wowowee, aside from additional sexy girls, akala may bagong format or bagong pa-contest, wala ganoon pa rin kaya ang tanong:

    Kailan mo pinapatay ang TV:

    Sagot: Kapag nag-umpisa ng kumanta si Willie na boses palaka.

    Nakakasawa na pati iyon Hep hep Hurray nila. Grrrrrr.

  10. SI PUPPY REVILLAME AT KRIS YAP, PAREHO UGALI. PAREHONG HYPER NA WALA SA LUGAL. MASYADONG MAYAYABANG, MAAANGAS, HAMBOG AT TAKLESA. PATI BA NAMAN MGA MEDIA STAFF PAKIKIALAMAN? PAILBHASA PAREHO KAYONG MANHID, MGA INSENSITIVE KAHIT ANO SABIHIN AT ISIPIN NG MGA TAO SA INYO. TAMA.. PUPPIE AND KRIS, FOR PRES. VICE SA ABS CBN. NAUUNGUSAN AT SILA KASI NASUSUNOD.

  11. KAHIT KELAN REKLAMADORANG WALA SA LUGAL TONG SI PUPPIE, MAANGAS MASYADO. MASYADO NANG YUMABANG. KAYA LANG NAMAN NIYAN UTUIN MGA OLDS AND SPECIAL CHILDREN. YONG MGA TFC, NAPIPILITAN LANG YON KAYA NADON SA WOWOWEE, DAHIL ALA NG CHOICE, BETTER TOUR WOWOWEE KESA SA LUNETA NGAYON NA PUNO NA NG FASTFOODS. PANO NA KUNF SI VILLAR MAGING PRESIDENTE? U CAN IMAGINE AS IAM.

  12. WILIE FOR PRESIDENT…….KRIS FOR FIRST LADY ASSISTANT PRESIDENT……..IN ABS-CBN COMPANY ONLY, NOT IN NATIONAL PRESIDENCY..

  13. Parehong pareho talaga ng ugali yang si Willie at Kris! Kwestiyunin ba ang mga taga news and current affairs ng ABS? nagpa power trip na naman! Kung ayaw nyo sa ABS e di umalis kayo! lumipat kayo sa Syet-e!
    At SI Claudine naman, wala, sawa na sa’yo ang mga tao, ilalampaso ka talaga ni gretchen, Maalaala Mo Kaya yung binangga mo ano! Tsaka ang pangit ng istorya nyo, tapos, si Raymart pa ang ka partnet mo! anubayan! wala na bang iba??? at sa acting, wala ka ring binatbat kay Greta! LAOS!

  14. kim

    desperado na kayo na mapabagsak si noynoy kasi nanguguna sa survey.. laki na kasi ng puhunan nyos a kampanya kaya gusto nyo makabawi pag nanalo kayo di ba villar?

    villar ikaw ba yan?

  15. Mabuti nalang may nag upload sa internet nung pschiatric record ni Noynoy kundi nalansi tayong lahat no ABNOY.

    Bakit si NOynoy nagbibingi-bingihan sa alegasyon na nagpatingin s’ya sa psychiatrist noong 1996. True or not, we, the voters deserve a clarification from him. We want to know his condition at present. If he still suffers episodes of depression, we deserve to know. Although I am definitely not voting for Mr. Aquino, the rest of our citizens who are voting for him just because he is Aquino and they don’t know the real NOynoy should know kung talagang may topak sya o wala o sinusumpong pa sya paminsn-minsan. Hindi biro ang magkaroon ng presidente na may kulang bah. Paano na ang ating bansa?

    • hoy chuvanis ek ek. bayaran ka rin ba? do u know the real noynoy aquino?! taga luisita ako kaya alam ko! wag kang masyadong magmarunog dahil lang sa nabasa mong fake psych report! sa luisita ako ipinanganak hanggang lumaki. mga magulang ko nagtatrabaho sa hacienda luisita. puro kayo mga paninira

      • KAYA NAMAN PALA GANYAN NA LANG ANG PAGTATANGGOL MO SA KANILA EH! NEED WE SAY MORE? WHY DON’T YOU GET BACK TO WORK PARA NAMAN DI MASAYANG ANG PASWELDO SA ‘YO NG MGA AQUINO/COJUANCO?

  16. tama LAOS NA TALAGA C CLODIN wala na career wawa naman bantay na lang ng mga anak nia taba na rin xa stay home na lang

  17. willie, masyado kang hambog!
    hindi mo pwedeng diktahan pati ang kumukuha ng
    news sa inyong sorties.
    ano akala mo sa mga taga news department ng abs-cbn,
    mababayaran?
    gago ka dahil pasalamat sa sa abs dahil kung hindi ka
    binigyan ng break eh siguro nasa ilalim ka lang ng
    tulay natutulog ngayon.
    GAGO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  18. “Ano ang pinatunayan ng rating? Well, sabik na sabik na ang mga manonood kay Gretchen at tila sawang-sawa na sila kay Claudine!”

    wawa nman si CLAUDIN, laos na laos na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.