RR Enriquez is bidding showbiz goodbye?!

GOODBYE SHOWBIZ NA nga ba si RR Enriquez? Wala na kasi siyang show ngayon sa ABS-CBN. Dati, bukod sa Banana Split, meron pa siyang isang programa sa Studio 23, ang Pa-Bida Ka.

At dahil wala siyang trabaho ngayon, iniintrigang naghihirap na raw siya lalo at ibinibenta na niya ang kanyang condo unit. Pero ayon naman sa mga malalapit sa kanya, hindi sa wala nang pera ang dalaga kaya ibinebenta iyon kundi may bagong bahay raw kasing ipinagawa si RR at doon na ito titira. At hindi lang daw basta bahay kundi isang mansiyon daw, huh!

‘Yon naman pala! Kahit walang project sa kasalukuyan, madatung pa rin pala siya. May mga kumukuswestiyon din, saan daw kaya galing ang pera ni RR? Gano’n daw ba kalaki ang TF niya sa mga projects o shows na ginawa niya dati para makaipon nang husto?

Parang isang politiko si RR na may ill-gotten wealth na kinukuwestiyon nga sa ngayon, huh!

Malay naman natin kung meron pa pala siyang ibang source of income? Baka may naitayo siyang business o anuman na hindi natin alam. Kaya gano’n siya kayaman.

O puwede rin na baka totoo ang tsismis na suportado raw kasi si RR ng boyfriend niyang sabi’y isang big time at kilalang basketbolista. Na lahat umano ng gustuhin niya ay ibinibigay nito kaya walang kaso sa kanya kung meron o wala siyang project na pagkakaabalahan.

Ganyan?

 

PARANG DOM. GANITO raw ang nagiging papel ngayon ni Alwyn Uytingco sa girlfriend niyang si Jennica Garcia.

Wala kasing gaanong trabaho ngayon si Jennica. Kaya ang mga luho at kapritso raw nito, kay Alwyn muna iniaasa.

‘Your wish is my command’ naman daw ang drama ni Alwyn sa nagiging bilmoko girl diumanong girlfriend niyang si Jennica. Na lahat daw ng hilingin nga o ipabili sa kanya ng young actress, basta kaya rin lang daw niya, hindi na ito nagdadalawang-salita pa.

Pero sa tingin naman namin, walang masama kung ibigay o bilhin man ni Alwyn ang anumang gustuhin ni Jennica.  Walang kaso iyon sa sinumang nagmamahalang gaya nila.

Malakas namang kumita ngayon ang aktor dahil sunud-sunod ang project niya sa TV5.

Ano ba naman ‘yong mag-share siya ng blessings sa girlfriend niya? Lalo pa’t nasabi rin sa amin ni Alwyn minsang nagkakuwentuhan kami, na parang lucky charm daw niya si Jennica. Dahil sapul daw no’ng naging girlfriend niya ito, nagsunud-sunod nang dumating ang suwerte at magagandang opportunities sa career niya.

‘Yun na!

 

MASAYA SI ALEX Gonzaga matapos pumirma kamakailan ng two-year movie contract sa Viva Films. Kuwento pa nga ng dalaga, natuwa pa raw ang Ate niyang si Toni Gonzaga nang malaman na interesado pala ang nasabing kumpanya sa kanya.

Noong una raw, sinasabi umano ni Direk Wenn Deramas kay Toni na gusto nga raw gawan ng Viva ng pelikula si Alex.  Pero hinintay muna raw nila na tawagan siya for this.

“No’ng tumawag na finally, eh ‘di natuwa kami. Na ‘eto na nga, kaya siguro… meant,” sabi pa ni Alex.

Malaking bagay rin siguro ang pinagbibidahang serye niya sa TV5 na Babaeng Hampaslupa para makuha niya ang pansin at interes ng Viva Films. Pero ayon kay Alex, malaking tulong din daw siguro sa Juicy kung saan isa siya sa hosts.

Gusto ni Alex na makapagbida sa romantic-comedy na pelikula. Umaasa kaya siyang maibibigay ito ng Viva sa kanya?

“Kaya kami pumira ng kontrata, ibig sabihin, pinagkatiwalaan namin ang Viva. Hopefully, sana makuha ko ‘yong gusto ko kung magkakaayos kami o magkaka-compromise ‘yong gusto namin pareho.

“At saka at least one step at a time ito. Meron na akong contract sa movies, so siguro makukuha ko na rin ‘yong gusto ko,” karagdagang nasabi pa niya.

May talent naman si Alex at may napatunayan na so… bakit nga ba hindi?

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

5 thoughts on “RR Enriquez is bidding showbiz goodbye?!

  1. @rr: kawawa naman..

    @alwyn issue: kung swerte nya si jenica. sya naman ang jinx dahil si jenica ang nawalan ng trabaho,lols :P

    @alex: wow naman, pero mas like ko pa din ate nya umarte.. haha :D

  2. Tanungin ninyo si Mariel at Pokwang. BFFs ang tatlong iyan noong panahon pa nang Wowowee. Si Valerie, etsopuwera sa kanilang tatlo. Nagpa-party noon si RR at sumisigaw sa mga kaibigan niya nang “Party like a porn star ” Di ba, Mariel, Pokwang ? Kayo rin, mataas ang talent fee ninyo noon at panay regalo pa nang designer bags si Willie sa inyo na ipinangangalandakan niyong tatlo.

  3. bago pa man pumasok sa showbiz si RR me pinagkikitaan na siya dati siyang PROSTI at siya ang nagbibigay ng BABAENG KAKAN_UT_N ni WILLIE, malaki ang binibigay ni willie sa kanya kasi nga marami siyang contact na babaeng makakasama ni willie sa yate niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.