RR Enriquez, ginagaya si Anne Curtis?!

SINUSULAT NAMIN ANG kolum na ito, malakas ang haginit ng hangin sa labas. Kitang-kita namin ang pagsasayawan ng mga dahon mula sa mga sanga ng punong-kahoy na nakikipaglaban sa hangin.

Sa mga ganitong pagkakataon, dinadalaw kami ng melangkolya. Naaalala namin ang aming kabataan sa isang payak na nayon sa Nueva Ecija. Kapag bumabagyo, baligtad ang ginagawa ng mga bata.

Sa halip na manatili sa bahay, saka naman kami lumalabas. Nagtatampisaw kami sa ulan, ginagawa naming swimming pool ang mga kanal na kung mga anak-mayaman ang maliligo, siguradong magkakaroon na ng A (H1N1).

Tiyempo namang tumawag ang kababata at bespren naming si Ibyang, ang kanyang sabi, “Abay, malakas ang hangin at ulan dito sa baryo. Nabubuwal na ang mga puno, naaalala lang kita.

“Ito kasi ang hinihintay natin nu’ng mga bata pa tayo, naliligo tayo sa paligid, umaahon lang tayo kapag puro kulubot na ang mga balat natin dahil sa sobrang pagkababad sa tubig!” Kuwento ng aming kaibigan.

Sinasabi na nga ba, hindi lang kami ang nagbabalik-tanaw sa aming kabataan. ‘Yun ang emosyonal na hiwagang dala ng ulan.

NAALALA TULOY NAMIN ang isang aktor na inis na inis kapag mainit ang panahon. Maporma kasi ang aktor na ito, marami siyang burloloy sa katawan. Gustong-gusto niya kapag umuulan, dahil nailalabas niya sa kanyang cabinet ang kanyang mga jacket na pagkamamahal.

E, hindi naman siya action star na kahit tirik ang araw ay naka-leather jacket. Kaya ang palagi niyang hiling, sana’y umulan naman para maidispley niya ang magagarang jacket na pinagkakagastusan talaga niya.

SI MERYLL SORIANO ang nakatira ngayon sa dating townhouse ni Willie Revillame sa Capitol Hills. Ipina-renovate muna ‘yun ng TV host bago nilipatan ni Meryll at ng kanyang anak.

Isang yaya lang ang kasama nilang mag-ina sa bahay. Siya na ang gumagawa ng lahat-lahat ng trabahong-bahay. Minana ni Meryll ang kalinisan sa bahay ng kanyang ama.

Titingnan-tingnan mong parang walang pakialam sa buhay si Willie, pero napakadisiplinado at organisado nito sa bahay. Ayaw na ayaw ni Willie ng makalat na kapaligiran.

“Ako lang ang naglilinis, ako ang nagluluto, yaya lang ang kasama namin sa bahay dahil hindi ko naman kayang alagaan ang anak ko nang maghapon at magdamag.

“Ang likot-likot na kasi, mapapagod ka na sa pakikipaghabulan, kaya may kahalili ako sa pag-aalaga sa kanya. Magastos ang maraming kasama sa bahay, poproblemahin mo na ang suweldo, pati pagkain, poproblemahin mo pa rin.

“E, ayoko namang isasa na lang kay Papa ang lahat, nahihiya naman akong lumapit sa kanya nang madalas, kaya ako na ang nagtatrabaho sa bahay,” kuwento ng isa sa mga panganay ni Willie.

SA BIGLANG TINGIN, aakalain mong si Anne Curtis si RR Enriquez. Madalas kaming naloloko ng seksing dalaga kapag nanonood kami ng Banana Split. Akala nami’y guest si Anne, pero si RR pala ‘yun. Napakalaki ng kanilang pagkakahawig.

“Kahit nga po sa labas, ang akala ng mga tao, si Anne ako. May bumabati pa sa akin minsan, ‘Kumusta na kayo ni Sam (Milby)?’ Natatawa na lang po ako kapag ganu’n.

“Of course naman, hindi ako naiinsulto! Ang ganda-ganda kaya ni Anne! Honor pa nga sa akin ang mapagkamalan na siya, proud ako!” Nakangiting kuwento ni RR.

Inalis na niya sa kanyang utak ang masasakit na mensaheng ipinadala sa kanya ni Cristine Reyes. Tama ang katuwiran ng dalaga, wala siyang dapat ikabahala. Si Cristine naman ang nagdadala nu’n dahil hindi siya galit sa kapatid ni Ara Mina.

“Siya po ang may problema, hindi ako, dahil alam kong malinis ang kunsensiya ko sa mga bintang niya,” pahayag ni RR Enriquez.

Naman!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

5 thoughts on “RR Enriquez, ginagaya si Anne Curtis?!

  1. HINDI PA RIN MAGAGAYA NI RR SI ANNE KASE SOSYAL ANG DATING NI ANNE CURTIS. SI RR BEAUTY LANG WALANG BRAIN, SI ANNE, BEAUTY AND BRAIN. DUHH!

  2. Matabang si Willie noong nakaraang araw sa show niya. Siguro dahil nahahalata na niya na wala nang kaganagana ang mga manunuod. Napansin namin, puro pilit ang tawa sa mga pakulo ni Pokwang. Si RR, ang lakas tumawa para suportahan si Pokwang. Siguro, sinabihan silang tumawa para marinig sa audio kasa medyo tahimik ang audience. Si Mariel, palaging nakanganga, Lagi pa namin nahuhuli na nakatingin sa kamera at panay ang nganga at tingin sa sarili. hay naku.

    • yun din ang napuna namin kay mariel pag nanonood kami ng wowowee, laging nakanganga. buti na lang at walang langaw na pumapasok sa bibig niya. to willie, pwede ba palitan mo na ang hep hep hurray mo, nakakasawa na. sa totoo lang, naililipat ko na sa ibang show ang tv ko pag yung portion na iyon ang pinakikita. kung gusto nyong manatili ang taas ng rating ninyo ay magisip naman kayo ng show na magki-click sa masa.

  3. korak! at bakit nyo delete comments namin? hoy cristy!!!! kayo nalang ni RR pareho kayo mukhang aswang pati ugali nyo kadiri!

  4. SI ANNE CURTIS BA ANG GINAGAYA NIYA? AKALA KO SI POKWANG. MAS KAHAWIG NI POKIE. MAS KA LEVEL NI POKIE.

Leave a Reply

Your email address will not be published.