RR Enriquez’ fans say Cristine Reyes is lying?

NAGPUPUYOS SA GALIT ang mga supporters ni RR Enriquez dahil sobra raw sinungaling itong si Cristine Reyes para mag-emote na wala naman daw itong problema sa kanyang mga co-stars sa Banana Split.

Naibalita kasi namin sa DZMM teleradyo na nakausap namin si Cristine at tahasan nitong idinenay na may kagalit siya at ayaw na niyang magtrabaho roon. Talaga lang daw nag-expire na ang kanyang kontrata at nagpaalam naman siya kay Direk Bobot Mortiz.

Pero tsika nga ng mga fans ni RR, sinungaling at nagpapa-awa itong si Cristine, dahil totoo daw palang ito’y nang-aaway at nagpapakalat ng mga tsismis laban sa kanyang mga co-stars.

May mga ebidensiya raw sila ng mga panlalait nitong sexy actress, at mukha lang daw itong sweet pero ubod daw ng sama ang tabas ng dila nito? Nakakaloka, pero nangako ang aming mga kausap sa DZMM txt react na padadalhan nila kami ng kopya ng mga kuwento nila at hindi lang si RR ang involve sa mga kaluka-lukahan daw nitong si Cristine.

At dahil nakausap nga namin si Cristine at dinenay niyang lahat ito, tila magiging labanan ito ng mga salita at kung sino ang mas may kredibilidad. Hala!

DUMATING NA SA bansa si Dra. Vicki Belo.

Mukhang wala na siyang choice but to speak up on the controversial sex scandal issue, dahil nagsalita na at nasuri na ng bayan ang mga sinabi at ipinahayag nina Eric Chua at nu’ng Dr. Bistek Rosario.

Lahat ng mga daliri ngayon, siya ang itinuturo at hindi na niya puwede at basta dedmahin na lang ito, dahil pagtitiwala na sa kanya ng sambayanan ang pinag-uusapan dito.

Nakarating sa amin ang tsikang tinatawanan lang daw ito ng kontrobersiyal na doktora at may emote pa raw itong sa tabloid lang naman daw at sa mga tsismis programs sa TV at radio ito pinag-uusapan?

Nakakaloka! Pero ang totoo, nasusuya na nga tayong siya’y pag-usapan. Nagkakataon lang na may kontrobersiya. Alin, kung ‘yung mga pirated sex video kuno niya kung saan nasa cover pa ang kanyang mukha ay hindi pinag-iinteresan ng mga mabobogli at mahihilig sa mga nasabing panoorin, eh siya pa kaya?

Kasagutan lang naman sa mga tanong at paglabas ng katotohanan ang habol natin, ‘di ba? May kinalaman ba siya o wala? ‘Yun lang!

MABUTI PANG PANOORIN na lang natin ang Kamoteng Kahoy ni Direk Maryo J. delos Reyes na palabas na ngayon.

Nakakuha ito ng grade A mula sa CEB at napanood na namin ito last Tuesday sa Cine Adarna sa UP Diliman.

Matino at magaan ang movie. Hindi ito nag-stick sa tragedy ng kuwento tungkol du’n sa 27 school children na nalason sa pagkain ng kamoteng kahoy sa Bohol, a few years back.

Wala kang itatapon sa mga gumanap – mula kay Gloria Romero, Yul Servo, Irma Adlawan, Marissa Sanchez, Ana Capri hanggang sa mga magagaling na batang sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro at Buboy Villar.

Bahagi pa rin ito ng Sine Direk ng APT Films.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

10 thoughts on “RR Enriquez’ fans say Cristine Reyes is lying?

  1. may supporter pala yang rr na yan? bat di ko maramdaman?

    ang alam kong may supporters eh si marian anaconda. supporter niya ang mga palangkera at ahas na katulad niya…

  2. ang panget pala ng baklang ito. napakaPATRONIZING , napanood ko sa DZMM na may kasamang tomboy na mukhang may TB. nabababoy ang DZMM tuwing umeere ang baklang ito, dapat sa istasyon ng tren lang ito nagbobroadcast. AMPANGET PWE!

    • Ha Ha sa istasyon ng tren mag broadcast pangit nga nya ngayon ko lang napansin … mayroon bang fans ´tong rr sino sya di ko pa nakita ko sa tv ah oo nga pala sa BS but im not watching kasi wala na si cristine

  3. hmmm demolition job ba ito magkano naman ang binayad ni RR sa iyo o baka naman nilibre kalang ng dinner or lunch or whatsoever?

  4. you know what youre the liar! dahil hindi pa expire ang contract ni cristine sa Banana split ka uumpisa lang ng 3rd. season it is just renewed this year bagong reformat lang ng show for your information …wala ka palang alam chat chat ka ng chat chat dyan your source is very unreliable anong ka bang klaseng reporter mag search ka muna bago ka mag spread ng very undependable stories na walang katotohanan ikaw ang sinungaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published.