Guesswhodoes: RR Enriquez does the ‘Fitting’

Hindi nakapagtatakang pasok sa Season 2 ng Banana Split itong si RR Enriquez. Kering-keri na nga n’ya ang pagpapatawa, talagang kabigha-bighani pa ang sexy body n’ya!

Thankful na rin itong si RR dahil sa sunud-sunod na opportunities na dumarating sa kanya. Aba naman, hindi man siya ang nanalo sa White Castle girl search, pasok naman siya sa Wowowee bilang co-host ni Willie Revillame. Malaking break ito kay RR para maging bukambibig ng madla ang name n’ya. Aba, ikaw ba naman ang araw-araw napapanood sa TV, malamang matatandaan ka talaga ng madla.

Pero alam n’yo bang minsan, eh, halos napaiyak na in front of million viewers ng naturang noontime show itong si RR?! Tama mga mudra. Kasi ba naman, na-late ‘ata siya ng dating kaya napagsabihan siya ni Papi na pahalagahan ang trabaho at importanteng palaging professional lagi ‘no?!

But of course, RR learned her lesson. And despite and inspite of all the intrigues na dumarating sa kanya, sobrang bubbly nga yata ng karakter ng ating bida. Dahil naispatan siya ng ating kamerang-gala habang nagsa-shopping at nagsusukat ng damit na feel na feel niya.

By Mayin de los Santos, Photos by Allan F. Sancon

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Guesswhodoes: RR Enriquez does the ‘Fitting’

Leave a Reply

Your email address will not be published.