Roxas: Revamp, Pinakamalaking Reporma sa BoC

NAKATAKDANG MAGPATUPAD umano ng revamp sa Bureau of Customs, ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, ang pagpapalit sa mga tao sa nasabing ahensiya ay siyang pinakamalaking hakbang sa sinasabi ng Malacañang na reporma para sa ahensiya.

Ito ay kasunod ng pagpuna ng Pangulo sa BoC, sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Pahiwatig ni Roxas, ang hiling ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa mga collectors sa ahensiya na magbitiw, ay bahagi na ng naturang revamp.

Hindi naniniwala si Roxas na masusugpo ang kurapsyon sa Customs sa pamamagitan ng computerization na ipinagmamalaki ni Biazon.

Samantala, sinabi ng kalihim na para magkaroon ng pagbabago, dapat ding baguhin ang mga tao sa loob ng ahensiya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.