Roxas, nakipagmatigasan sa Tsina

TIWALA SI DILG Sec. Mar Roxas na nagawa nito ang kanyang misyon sa bansang Tsina para ipaabot ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos ang kanyang meeting kay Chinese Vice Pres. Xi Jinping sa sidelights ng China-ASEAN Expo sa Nanning, Tsina.

Inamin ni Roxas na kapwa sila nagmatigasan ni Xi kaugnay sa mga territorial claims sa Panatag Shoal at sa kabuuan ng West Philippine Sea.

“We are satisfied.. we frankly and candidly relayed the message,” ani Roxas. “Both sides reiterated its territorial claims.”

Inabot ng 45 minuto ang kanilang palitan ng opinyon ni Xi kung saan iginiit ang mga inaasahan ng ating bansa upang maiwasan ang kalituhan, ani ng senador.

Mariin umanong inihayag ng mambabatas na hindi binabale-wala at malinaw na inaangkin ng Pilipinas ang Panatag Shoal na pinagmulan ng mainit na tensyon noong nakaraang Abril.

Sa kabila nito, nagkasundo naman daw sila ni Xi na ipagpatuloy ang ‘friendly negotiation’ para payapang maresolba ang naturang isyu.

Maliban dito, napag-usapan din umano ng dalawang opisyal ang pagpapatuloy ng trading partnership ng Pilipinas at Tsina, gayundin ang palitan ng mga investments at pagpapaunlad pa sa sector ng turismo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.