Roxas, Dumistansya sa Malampaya Fund Probe

HANDS OFF si Interior Sec. Mar Roxas sa ginagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 97 mga mayors na sinasabing sangkot sa pork barrel at Malampaya gas fund scam.

Sinabi ng kalihim na kanya nang ipinauubaya sa naturang ahensiya ang pagsagawa ng imbestigasyon para maiwasan umanong makulayan ng pulitika ang isyu.

Tiniyak naman ng kalihim na pabor at suportado ito sa ginagawang pagsisiyasat sa kaso.

Una rito, hinimok mismo ng Palasyo ang mga sangkot na mga local government officials na makipagtulungan sa imbestigasyon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na iniutos ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na malaman ang mga tunay na sangkot at mga nagagamit lamang ang pangalan sa P10-bilyong pork barrel scam.

Una ng lumabas ang ulat na may mga pirma ng mga mayor na pineke lamang para makahingi ng pondo mula sa mga senador at kongresista sa pamamagitan ng mga bogus na non-governmental organizations.

“Certainly. Their cooperation is needed in the investigation. As some of them would probably tell you, lumalabas na rin ‘yung mga reports na meron daw pong pinekeng signature, etcetera; meron daw pong—maraming bagay,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.