Roxas City Mayor, Sugatan sa Car Accident

 

SUGATAN ANG ISANG alkalde nang sumalpok sa poste ang kanyang sinasakyan sa bayan ng Zarraga, Iloilo, kamakalawa.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang alkalde na si Roxas City Mayor Angel Alan Celino, 53-anyos, na nagtamo ng sugat sa binti at fracture sa balikat habang sugat naman sa kaliwang tuhod ang tinamo ng driver ng alkalde na si Alvin Panasal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis umano ang patakbo ni Panasal ng sasakyan na nanggaling sa Capiz, subalit pagsapit sa Poblacion ay sumalpok ito sa poste dakong alas-6:45 ng gabi noong Sabado.

Sinasabing sa lakas ng pagkakasalpok sa poste ay nawasak ang wind shield at nayupi ang harap ng pick-up, habang ‘di naman gaanong napinsala ang driver na si Panasal dahil nailigtas ito ng airbag ng sasakyan ng alkalde.            (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.