Roxanne Guinoo, tinapos na ang haka-haka sa kanyang pagpapakasal at pagbubuntis!

I HAVE RECENTLY announced on Showbiz News Ngayon (SNN) that Roxanne Guinoo and Angelo, her Filipino-Chinese boyfriend, are getting married next year. Gaya ng inaasahan ay maraming mga espekulasyon ang lumabas tungkol sa pagpapakasal ni Roxanne. Sino nga ba si Angelo? Siya ba ay isang DOM? Totoo bang buntis si Roxanne?

Natapos na rin sa wakas ang guessing game because Roxanne has finally broken her silence about her engagement and upcoming wedding. In an exclusive interview on The Buzz, Roxanne talked about love, her pregnancy, family, marriage and future plans.

I asked her kung napipikon ba siya kapag may mga lumalabas na balitang pinagbabawalan siya ng kanyang boyfriend na gumawa ng mga sexy scenes. Kung may bagay na ipagbabawal ang kanyang boyfriend ay ito raw ang makatrabaho niya ang kanyang mga ex-boyfriends pero hindi raw ito ginawa ni Angelo.

Blooming si Roxanne ngayon at siya ay larawan ng isang babaeng in-love. This is her happiest moment kaya nga minsan ay iniisip niyang bakit hindi na lang maging masaya ang iba for her.

I met Angelo at Joy Lim’s New Year’s party last year. Roxanne clarified all the issues concerning her fiancé during the interview. Angelo is 20 years old and comes from a well-off family. She met him through a common friend. They have been together for nearly three years. Marami raw naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang maging sila ni Angelo. “Marami siyang naitama sa buhay ko. Mas nabibigyan ko ng halaga ang work, sarili at pamilya ko.” Angelo was the Lord’s answer to all her questions during the trying times in her life.

Roxanne admitted that she is 12 weeks pregnant. Nalaman niyang buntis siya last week ng January. Hindi nila ito plinano but they consider the baby as a big blessing. “We don’t consider this as a big mistake. Itong batang ito ang magsisimbulo ng pagsasama namin until the end of time.”

Naiyak at kinabahan raw siya nang malamang buntis siya pero masarap daw sa pakiramdam na kaya pala niyang gumawa ng baby na maipagmamalaki niya.

Since they are already expecting a baby, Roxanne didn’t expect that Angelo will propose to her. Dito raw naramdaman ni Roxanne na napakaimportante niya kay Angelo. Dinala raw siya ni Angelo sa garden nila. Sarado raw lahat ng ilaw pero pagbukas ay nakita niya sa cake ang wedding proposal na “Will you marry me?” Masayang ipinakita sa akin ni Roxanne ang kanyang engagement ring.

Naiyak daw ang kanyang mommy when she found out that Roxanne is pregnant. Roxanne also flatly denied the rumors that she had an abortion and that her mother is demanding for a house and lot. May sarili raw silang bahay at lupa at bago pa man siya nag-artista ay may negosyo na ang pamilya niya. Roxanne is not leaving showbiz kahit magpapakasal na siya.

Gaya ng madalas kong sinasabi, babies are always lucky. Congratulations, Roxanne!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Roxanne Guinoo, tinapos na ang haka-haka sa kanyang pagpapakasal at pagbubuntis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.