Roxanne Guinoo, sandamakmak ang bodyguards – Archie de Calma

DUMATING SI ROXANNE Guinoo sa set ng Spoiled Brat na tinatampukan nina Ogie Alcasid at Michael V, para sa APT Entertainment at GMA Films na may karay-karay na bodyguards. Pinatotohanan nito ang mga chika na talagang lumalabas si Rox na may kasa-kasamang bodyguards courtesy of his rich boyfriend na half-German.

Hindi naman ikinaila ni Rox ang bagay na ito. Aware siya na may mga tunmatawag na sa kanyang Gretchen Barretto, Jr. dahil ang drama raw ni Rox ngayon ay parang si Greta, feeling rich and influential.

Itinuwid naman ni Rox ang mga maling akala sa ganitong chika. Unang-una, bata pa ang BF ni Rox na from out of showbiz, three years her junior pa nga, kaya huwag daw sanang akalain na pera lang ang gusto ng dalaga rito.

Nagiging sensitive si Rox sa ganitong nake-create na impression dahil hanggang ngayon naman ay nakikitang kayod-marino siya. Kahit nga raw wala pa siyang bonggang assignment sa ABS-CBN, hayan at kinuha pa siya ng GMA Films para gumanap bilang teacher ni Ogie sa Spoiled Brat. Palabas pa rin ang Tarot kung saan sumusuporta siya kina Dennis Trillo at Marian Rivera.

‘Yun ay dahil hindi siya dumidepende sa ibang tao, maski sa BF niya, para lang makapamuhay nang marangya.

Nakagawian na nga raw na may bodyguards na sumasama kay Rox para sa mas madali na sa pagkikita nila ng kanyang BF. At inamin naman ni Rox, kapag lumalabas sila, dahil may tipo at may kaya rin sa buhay ang BF niya, hindi maiiwasang napapagtripan ito ng kung sinu-sino, kaya para makaiwas na lang sa basag-ulo, mas nakabubuti ‘yung may kasama silang bodyguards.

Read Archie de Calma’s Blind Item: Dalawang aktor, panakip-butas lang ang mga dyowa

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

20 thoughts on “Roxanne Guinoo, sandamakmak ang bodyguards – Archie de Calma

  1. idol ko si roxanne at sandara bt wla n c sandy e!c roxanne nlng ngaun yong pnapanuod q, by d way anu nmn ngayon kung my bodyguard si roxanne dapat lang naman e.para my proteksyon yong tao sa mga masasama para skn wla me nkktang mali about dun.and qng myaman mn boyfren n rox.wla din namang msama dun swrte nga nya e.& qng boyfren mn nya yong ngbgay ng bodyguard s knya anung msama dun.ibg svhn mahal tlga sya ng bf nya may concern s kanya ayw ntong mlgay s panganb c roxanne.
    wla tlga nkkta me n bad!

  2. gusto ko sya dahil. napakasimple,maganda,sexy, ang galing umarte sa hosting my k din and higit sa lahat totoong tao,actualy tingin ko mas totoo pa siya sa mga artstang nanggaling sa bahay ni kuya.

  3. galing nitong artista
    inaabangan ko na talga
    pagba2lik niya
    sa primetime.
    i like her talaga kaht nung scq day’s pa
    sana magkaron pa sya ng maraming proyekto.

  4. hi ate rox!congrats sa tarot kahit suporting ka lang sa movie.talagang nangingiba2w ang galing mo.thx sa regal films and to mother lily for featuring roxanne in the movie d tlga kayo nagkamali sa pagkuha kay ate rox.and ganun din sa gma films thx!im so xcited n tlga 4 spoild bratt the movie,..

  5. i like her cause she is simple naman tlga and sobrang matapang.actualy inaabangan ko na yong sineserye na florinda and 8s bcoz of roxanne my idol.

  6. ….ever since roxanne guinoo tlaga is my idol.panu kasi i lyk her so.cause she’s so pretty hind sya naka2swa tignan.bukod pa dun galing nyang umarte.

    higit sa lahat ang gusto kung artsta.yong hind plastik,gusto ko yong totoo.yong hind niloloko yong masa na kun wari sobrang bait yon pala pagdradrama lng din.

    so ang gusto ko yong open…yong my honesty
    hindi yong nagta2go sa 2nay nyang ugali….

    so nakta ko yong hinahanap ko kay roxanne guinoo.
    the way na sinasagot nya yong mga issue,ramdam ko tlga yong senseredad,and makkta mo tlga yong totoo.
    and offcam man or oncam.tlagang roxanne is roxanne,
    and besyds that napaka simple pa nyang tao.

  7. sayang siya ang ganda pa naman.

    alam niyo naman sa EBS ang mga pirata ang mga inuuna na bigyan ng projects kesa sa sarili nilang homegrown talents!

  8. di ako naniniwalang flop ang tarot dahil nung nanood ako ay punong puno ang sinehan dito sa may bandang SM TAYTAY,yung iba nga narinig ko pa na kung hindi lang dahil kay roxanne di nila papanoorin ang movie,of course na flattered ako kasi isa ako sa milyong-milyong fans ni roxanne…she’s smart at talagang magaling pagdating sa pag-arte. . .salamat sa mga naninira sa kanya,meaning lang yun na sikat sya kasi insecure yung iba jan…

  9. Yong isang nega diyan sa ibaba, flop ng flop daw; pero lagi naman nakabantay sa mga pelikula ng kalaban. Magbago ka na, masyado kang bothered sa mga pelikula (na sinasabi mong flop), ikaw ba ang nalugi (o malulugi)??? Imbes na puro sama ng loob ang pinagko-comment mo, learn to appreciate na lang the good things in other (and try to disregard iyong hindi naman significant sa buhay mo).

    • xure oi…hnd bagay sau maging echosera,kasi hnd mo alam kung anu yong mga nangya2ri sa showbizzzzzz!
      o baka naman nagbulagbulagan ka lang dahil hind mo gusto c roxanne.

      lam mo kung ayaw mo sakanya,huwag mo nlng sya panoorin o huwag mo nlng sya pansinin kasi magkakasala ka lang nyan kawawa ka naman,tapos c roxanne mas lalo binibless ni god kasi inaapakan nyo yong tao.

      tandaan mo the more na nang-aapak ka,the more na binibless yong tao ok.

      sa lahat ng may ayaw,huwag nlng kayo mag comment para na rin sa ikabubuti ng kalolowa nyo.
      sa pagkakaalam ko napakainit daw ng IMPERNO.
      tingin mo kaya mo kaya ang init dun?
      matakot ka sa KARMA. sinungaling kang tao.

  10. kapamilya ako at gusto ko to eversince SCq days pero mas ok cguro lipat nalng cya sa syete baka mas sisikat cya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.