Roxanne Guinoo, nakipag-ayos na kay Jake Cuenca! – Alex Brosas

MUKHANG MAGANDA NA ang relasyon nina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca.

Sa Star Magic Ball kasi, nakita silang nag-uusap na. Hindi naman kaila sa marami na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa. Masyadong masalimuot ang mga pangyayari between the ex-couple.

Hindi nga ba’t ang daming nakaw-eksenang ginawa itong si Roxanne basta mapansin lamang siya ni Jake noon. Pati nga si Bea Alonzo, nasangkot sa away nina Jake at Roxanne. Ang tsika noon, inaway-away ni Roxy si Jake sa harapaan mismo ni Bea. Nangyari ito nang mag-show sila noon sa Guam. Ang nakakaloka pa, lasing daw si Roxanne nang makipagtalo ito kay Jake. Sa kanilang bangayan nga raw ay hinatak ng aktres ang damit ng actor na siyang ikinapunit nito.

Well, all that is water under the bridge now. Kasi, taken na muli si Roxanne. Rich nga raw ang boyfriend ngayon ng dalaga at nagkaroon na rin ito ng peace of mind dahil nga non-showbiz na ang kanyang dyowa.

Still on Jake, naloka raw ang lahat ng naroon sa Star Magic Ball nang kulit-kulitin daw ng actor si Melissa Ricks. Gusto raw kasi niya itong makasayaw. Eh, ang Melissa, playing hard to get kaya hatakan daw ang nangyari sa dalawa.

Siguro, natatakot si Melissa na matsismis muli kay Jake. Matagal na kasing tumigil sa panunuyo si Jake sa young actress. Hindi na ito dumadalaw sa kanilang bahay at hindi na rin nagpapadala ng flowers at chocolates.

Read more of today’s showbiz items from Alex Brosas:

Kristine Hermosa, agaw atensiyon kay Diet?

Anne Curtis at Sam Milby, nagliligawan ulit?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

8 thoughts on “Roxanne Guinoo, nakipag-ayos na kay Jake Cuenca! – Alex Brosas

  1. frist time nya cgurong uminom kaya di nya nacontrol ang sarili! …lalo na kung maria clara sya dati!! nakawa sa hawla nya! na parang kabayong nauulol……..nasa mukha lang nya ang di makagawa ng di maganda pero ang totoo, malandi rin yan! laspag na laspag ka na hoy!!!

  2. nabubuhay kayo sa kasinungalingan hnd maganda yan.
    and wag nyong basta-bastang craan ang mga artsta
    maawa nman kayo sa tao…
    akala nyo cguro nka2tuwa kayo!….

    magbgay ka nga ng ebidensya kung lasing nga ba c roxanne sa guam….

  3. …nako alex,hnd ko nagustuhan tong cnulat mo ha?anung tingin mo kay rox lasingera porkt naging modelo c roxanne ng alak cnasabi mo ngyong umiinom c roxanne…tama nga hnd lng artsta ang pasaway pati kayong manunulat!!!!!!!!!!!

    kung gagawa kau ng kwento cguraduhin nyo totoo para wlang gulo….ok!
    wag puro kbastusan and kasinungalingan.

  4. i like this girl roxanne. such a fresh face and magaling umarte. buti naman naka move on na siya from jake, dahil parang hindi naman seryoso tong si jake lahat na lang nga babae pinupuri parang sino ba talaga ang gusto mo?!

  5. mahalig mag-imbento ang alex brosas na to puro hearsay lang tapos isusulat agad sa column niya bruha ka!

  6. lokah! galing mag pauso ng kwento nitong si alex,sya din nagsabi naging mag syota si ray at sarah hahaha!!! magkano kaya tf nitong si broxa sa ebs….hindi totoo niyaya ni jake si melissa sumayaw….ang totoo magkakasama sa table sila matt melissa rayver ge at kim

  7. buti naman rox kasi nakahanap ka ng bf na minamahal ka at take note ha mayaman…di tulad ng iba jan di makapunta sa dentist kasi may halitosis….wahaha…roxanne fan lang poh..sorry….more projects roxy

Leave a Reply

Your email address will not be published.