Roxanne Guinoo, labas-masok sa ospital dahil sa depression?! – Alex Brosas

HOW TRUE NA sobrang depressed daw ngayon itong si Roxanne Guinoo?

Ang tsika, labas-masok daw sa isang hospital na malapit sa Pasig ang dalaga dahil sa matinding depresyon. Hindi naman matukoy kung saan siya nade-depress.

Hindi kaya depressed ang dalaga dahil lately ay puro mga kasabayan niya ang nabibigyan ng magandang break ng ABS-CBN? Hindi kaya nai-insecure siya kina Bangs Garcia, Maja Salvador at Erich Gonzales na parang apples of the eye ngayon ng network?

Si Bangs kasi, bidang-bida na sa Magkano ang Iyong Dangal na ipapalit sa Nagsimula sa Puso. Si Erich naman ay may Tanging Yaman ngayon. At si Maja, makatatambal naman si Sam Milby sa isang soap opera entitled Impostor.

Eh, ang alam namin, unang inialok kay Roxanne ang Magkano ang Iyong Dangal, kaya lang, ni-reject daw ng dalaga. This means na second choice lamang si Bangs.

Eh, bakit naman kasi niya tinanggihan ang proyekto? Dahil ba maraming sexy scenes?

Ang alam din namin, happy naman ang dalaga sa kanyang lovelife. May mayamang Chinese businessman-boyfriend si Roxanne na can afford na pabantayan siya sa bodyguard kahit saan man siya magpunta.

Bakit ka nga ba nade-depress, Roxanne? Pakisagot nga!

NATATAWA KAMI SA interview ng madir ni Sarah Geronimo na halatang-halata na ayaw pang paligawan ang kanyang anak. Kahit na kasi 21 na ang Pop Star ay ayaw pa rin niya itong magkaroon ng boyfriend.

Ang sabi kasi ng madir ni Sarah, hindi pa raw ready ang kanyang anak. Feeling niya, ang perfect age for her daughter na magkaboyfriend ay 25, 26 or 27.

Helloooooo! Napaka-manang na naman yata ni Sarah kapag 25 na siya nagka-boyfriend, ‘di kaya?

At ang feeling ng madir ng Pop Star, parang hindrance ang boyfriend sa buhay ng kanyang anak. Nakaloloka siya, hindi ba?

Ang nakaaawa rito ay si Sarah. Parang wala siyang karapatang magkaroon ng inspirasyon man lang gayong siya naman ang breadwinner sa kanyang pamilya. Hindi niya nae-enjoy ang kanyang kabataan.

At sa pagkakaalam namin, nagkaroon na sila ng relasyon ni Rayver Cruz. Noon pa man ay very vocal na si Sarah sa paghanga kay Rayver, ‘no?!

Hindi ba naisulat namin noon na nagkaroon ng relasyon ang dalawa at sa text at chats lang sila nagkakaroon ng communication dahil mahigpit nga ang ina ni Sarah? Nabuking lang ang dalawa ng father ni Sarah dahil madaling-araw na ay gising pa ang dalaga at may ka-chat. Nang makita ng padir ng dalaga kung sino ang ka-chat ng kanyang anak ay pinagalitan niya ito. With this, nagtapos nang wala sa oras ang relasyon ng dalawa. Napilitan si Sarah na layuan si Rayver dahil sa pagkakabuking ng kanilang relasyon.

NAG-REACT SI MAJA Salvador sa nasulat namin tungkol sa pagkakaroon niya ng boyfriend last week.

Inamin naman niya na close nga sila ni Rambo Nunez. Sa katunayan, nakakasama nga niya ito sa mga lakaran. At noong birthday nga ng madir ni Rambo na si Marilen Nunez, dating staff ni Richard Gomez, ay naki-party pa siya rito.

Ang hindi niya inamin ay ang tsika naming may relasyon sila ni Rambo.

“Sa kanya n’yo na lang po itanong kung mahagilap n’yo siya,” ang tugon ni Maja sa tanong kung dyowa niya ang non-showbiz guy na ito.

At natawa ang dalaga nang matanong siya tungkol sa dentistang nagpapadala sa kanya ng pagkain.

“Naku Doc dela Cruz, sorry po talaga. Dentist ko po iyon. Sponsor ko po ‘yon,” say ni Maja.

Sa nakita naming photos ni Maja with Rambo, naniniwala kaming ito nga nga ang ipinalit ng dalaga kay Carlo Aquino.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

6 thoughts on “Roxanne Guinoo, labas-masok sa ospital dahil sa depression?! – Alex Brosas

  1. Roxanne Guinoo, labas-masok sa ospital dahil sa depression?! Bobo ka lng Alex brosas! un lng un… wla kang kwentang manunulat, may maisulat ka lng eh… mag isip ka muna! BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO BOBO

  2. hay na naku mommy divine dapat naman nuh puso na ni sarah masunod kasi nabigay na lahat ni sarah ang tulong para sa pamilya niya. kailangan niya lumigaya. baka naman malay mo bigla maaksidente si sarah pag 25,26,27 at wala na gusto manligaw sa kanya kahit mayaman siya

  3. natatakot ang madir ni sarah na mawawalan siya ng sustento kapag nagka-bf si sarah at tuluyang makasal.
    sariling kapakanan lang ang iniintindi ng nanay ni sarah.
    hindi ako magtataka na pagdating ng araw eh lalayasan sila ni sarah dahil masyadong possessive ang nanay niya.

  4. Alex, pinapakita mo ang pagka-ignorante mo. Ang isang characteristic ng major depression ay pagkakaramdam ng depression kahit walang dahilan. Kung totoo man ang balitang ito, kawawa naman itong babaeng ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.