Roxanne Guinoo, ikakasal na!

IKAKASAL NA PALA sa January 23, 2011 si Roxanne Guinoo sa ama ng kanyang anak na si Angelo, ‘no?
Ang aming pagbati ng best wishes.
Naalala namin, ito rin ‘yung wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
At siyempre pa, pepersonal lang nang konti. 3rd birthday na ng aming 3rd daughter na si Georgina.
Masabi lang? Hahaha!

ANG LAKI PALA ng production budget ng Rosario, ‘no? Ito ang Filmfest entry ng Cinemabuhay at Studio 5 na pinangungunahan ni Jennylyn Mercado, kasama sina  Dennis Trillo, and others.
Makikita namin ang direktor nitong si Albert Martinez at itatanong talaga namin sa kanya kung totoong P80 million ang kabuuang budget nito.
Juice ko, singko lang ‘yan kay MVP, in fairness.

NANGSASABIK PA ‘TONG si Ai-Ai delas Alas sa kanyang dayalog na abangan ang kanyang escort sa premiere night sa Megamall 6 mamayang gabi ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!).
Ayaw niya talagang sabihin sa amin kung sino, kaya ano pa nga ba ang gagawin namin, kundi magtungo mismo sa Megamall para makita kung may karapatan bang maging isang sorpresa ang escort niya.

Huling pelikula na muna ni Kris Aquino ang Dalaw, dahil dito niya naramdamang hindi na nga siya naningil ng talent fee dito ay kailangan pa niyang mag-abono.
Gano’n talaga ‘pag producer ka, ‘di ba? Wala kang choice. Alang-alang sa ikagaganda ng pelikula, lalo na’t horror ba naman ang panoorin mo sa Pasko, ‘di ba?
Dito lang daw siya talaga nagka-pimple sa bandang chin.
Sabi nga namin kay Kris, “Tingnan mo nga naman ‘yan, ha? Pinroblema mo ‘yung pimple na tumubo sa baba mo. Ano pa ngayon ang damdamin ni Chokoleit?”
Ha-ha-ha-ha! Nag-iisa talaga ang kumare naming si Kris.

NAGALUSAN NANG MALAKI pala sa likod itong si Jhong Hilario nu’ng grand finals ng season 2 ng Showtime. Kalokah ang ginawa ni Jhong.
Mula sa mezzanine, tumambling. Tapos, sumayaw at tumambling uli sa ere. After that, pag-akyat niya sa puwesto niya,  idinaing na niya kay Vice Ganda ang kanyang likuran.
Nakita namin, may mala-king hiwa sa likod at nagpatawag ng medic para nga sa first-aid kembular.
Ang nakakalokah, hindi pala sa pag-tumbling at pagsa-sample nakuha ‘yon ni Jhong. After ng kanyang sampol, pag-akyat niya ng hagdan, may kumawit sa likod niya.
Anyway, malayo naman ‘yon sa bituka at wala namang lalabas na pari diyan sa galos mo. Pero saludo kami kay Jhong.  Makapagpasaya lang ng madlang pipol, ibubuwis talaga ang sarili.

NAKO, ‘PAG KINAUSAP mo ang sister ni Sen. Bong Revilla, ayaw nang isipin ni Andeng Ynares kung nakakamagkano na silang budget sa Si Agimat At Si Enteng Kabisote.
Ito raw yata ang pinakamadugong gastos nila at hanggang ngayon, hindi pa rin sila tapos sa post-prod, kaya another gastos uli ‘yon.
“Hayaan mo na, Mare,” sey ni Andeng, “Gusto lang naman ni Kuya at ni Bossing, magpasaya ng mga tao, masaya na kami!”
Oo naman.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Roxanne Guinoo, ikakasal na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.