Roxanne Guinoo at BF, ‘di pa split! – Morly Alinio

EVERY WEDNESDAY AY magkasama pa rin naman kaming nagsisimba sa Baclaran. Smooth naman ang relationship at walang problema.”

Kay Roxanne Guinoo ang pahayag na iyon kaugnay sa balitang split na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na isang Chinese. Ayon sa aktres, maganda at maayos ang kanilang relasyon ng kasalukuyang boyfriend.
Usap-usapan kasi na nasasakal na raw si Roxanne sa bagong boyfriend  kung saan ay hindi na makakilos ng normal ang dalaga dahil lagi itong may bodyguard sa tabi. “Normal naman ang buhay ko at kung may kasama ako, e, hindi naman sobrang dami, grabe naman ‘yun,” sabi pa ni Roxanne. Isa lang ang pakiusap ng dalaga, “Sana huwag na natin siyang banggitin dahil hindi naman siya artista.”

[ad#post-ad-box]

Sinabi ni Roxanne na ngayong muli silang magkakasama ni Jake Cuenca sa Your Song ay ‘di ito nangangahulugan nagkabalikan sila. “Ang importante ay okey na ang lahat at kung nagkaru’n man ng problema nu’n, e, tapos na ngayon. Mas masarap kaibigan si Jake,” sabi pa ng dalaga.

MATAPOS MAKIPAGHIWALAY SA asawang si Archie Alemania ay muling nakipaghiwalay na si Mickey Ferriols sa childhood sweetheart niyang ipinagpalit sa live-in partner na si Archie.

“Actually, parang mas una yata akong nagkaru’n ng boyfriend bago siya nag-girlfriend matapos kaming maghiwalay a year ago,” sabi ni Mickey. “Mas masaya ang relationship namin ngayon kasi kapag nagkikita kami nagagawa na naming magbiruan at kahit wala na kami ay sweet pa rin siya sa akin.”

Ayon kay Mickey, unti-unti na rin niyang sinasabi sa kanilang anak ni Archie ang sitwasyon. “Salamat naman ang baby ko kaya tingin ko ay hindi naman magiging malaking problema sa naging desisyon namin ni Archie dahil ang importante rito, hindi man nag-last ‘yung pagsasama namin, e, ‘yung pagiging magkaibigan ay naroon pa rin.”

Dugtong pa rin ni Mickey, meron nang bagong pag-ibig si Archie ngayon.

“Okey lang sa akin iyon dahil karapatan naman niyang maging masaya. Actually, ipinagpapasalamat ko nga dahil nangyari ito sa amin ni Archie nang hindi pa kami ikinakasal dahil kung kasal kami, mas lalong magiging problema dahil kailangan pa naming magpa-annul. Sa nangyari, mas lesser ang dapat naming gawin dahil hindi na namin kailangang magdemandahan pa para maghiwalay.”

NABASA NAMIN ANG isang invivation nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez para sa kanilang kasal sa Martes (October 27 at ganito ang nilalaman ng imbitasyon: “Malugod po kayong inaanyayahan nina Manuel Mar A. Roxas at Korina Maria B. Sanchez sa kanilang pag-iisang dibdib at pagtanggap ng pagpapala ng Panginoong Diyos. Martes ika-dalawampu’t pito ng Oktubre taong dalawang Libo at siyam, ikatlo ng hapon sa simbahan ng Santo Domingo Quezon Boulevard Quezon City. Ang pagdiriwang at salu-salo ay itutuloy sa Araneta Coliseum Quezon City,” na medyo ikinataas ng aming kilay.

Teka at isa pang teka, akala ko ba ay walang reception? Bakit may salu-salo?  Hay naku, sina Mar at Korina mukhang gumimik at kesyo ibibigay nila ang nakalaan nilang pera sa wedding reception sa mga kababayan nating kapus-palad partikular ‘yung mga nasalanta ng bagyong si Ondoy at Pepeng.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

9 thoughts on “Roxanne Guinoo at BF, ‘di pa split! – Morly Alinio

  1. kay kulafing at kay swpinaybhabe.Amen, magaling si willy, magaling ang abs, sold out ang concers blockbuster ang movies..EH ano ngayon, may napura ba ang sambayanang pilipino sa paghosana nyo dyan. Mga bayaran

    • I have subscribed to both TFC and GMA7. I have seen their shows but what caught my attention are their civic commitments. Maraming nagagawa ang ABS-CBN para sa bayan sa mga projects nila, pero sa lahat nang gusto ko, ang ginagawa ni Ms. Gina Lopez para sa pagsasalba nang ILOG PASIG. She did not only make sure that the clean up along the Pasig River banks are done. She also made sure that the squatters, who are the main reason for all of these garbage, have been relocated. The contributions for the Pasig River also includes acquiring land , relocating and rehabilitating the residents. This is one charity that I have no qualms contributing to. I hope Ms Gina Lopez and her crew succeeds. My mother saw the major effect of typhoon Ondoy. The major flooding caused by garbage and filth thrown in the river. She remembered when she was young and growing up in Manila. The only thing that they saw floating in the river are water lillies. We pray that some day, this is what we see for our children and grandchildren to enjoy.

  2. knowing roxanne guinoo,malayo mararating nyan,yung mga bad write ups sa kanya di ko kailanman pinaniwalaan…

    excited na ako sa your song nila ni jake…go roxanne

  3. honestly ang dami ngang mga writers na purow nega sa abs….kahit yang c alfie bakla kala mo kung cnow…duh tanong bakit hindi nya ilipat c juday sa gmeww..i dont think na kawalan sya sa abs…angel is there already na i do blived mas magaling pang umarte kesa kay juday…im a tfc subscriber and an avid fan of kapamilya…pero sa halos araw araw na pagbasa ko ng abante online kung saan isa c alfie bakla ang writers eh i stop supporting juday..kahit na hindi nya ako fan still i bought her movies sa sarry sarry store to support kapamilya..but not anymore i even stop watching george and cecil coz of alfie…dahil sa mga nega comment nya sa mga kapamilya stars n even abs cbn alone eh kay juday naaapek2han..ang dami nyang bad comment sa abs oh eh bakit pumirma parin cla ng contrata sa abs…kung ayaw naman na cgurow nila eh wala na clang magagawa dba…

    anyhow about dyan naman sa joey na has been…ingit lang yan kac has been na nga feeling ckat parin…ingit lnag sya dahil c willie love parin ng nakararami…dahil c willie sa sandaling panahon na nakabalik sya sa industry after his downfall eh hayaan highest paid celebrity and mas mayaman na sya ngayon kesa kay joey na has been…kaya hindi nya matangap yan laking sampal sa face nya…bwahaha…

    at sa lahat naman ng mga writers na bayaraan ng gmewww in ur face…in ur f.u.c.k.i.n.g face…abs is the no. 1 tv staion in pinas….and u can never put them down..

    sa pep, starmometer and stir. ph….u all go to h.e.l.l
    just accept the fact that abs is the no. station in the country….and abs’s stars are the most sought after, most bankable endoursers,

    abs cbn

    movies —- blockbuster hits, top grossers
    concerts —- sould out
    artists — sought after, bankable endoursers,
    albums —- multi platinum awards

  4. ACCOMPLISHMENT NI WILLIE REVILLAME

    Malayo na talaga narating ni Willie. Tingin ko wala pang artista nakakagawa ng mga achievements nya so far.

    – Highest paid sa lahat ng artista. P4 million tax per month it means nasa P35-40 million/month ang total earnings nya from TF plus endorsement here and abroad. 2nd si Sharon na P4 million/month and 3rd si Kris P3.3 million/month.

    – YES Magazines sold 360,000 copies when they featured Willie last January ’09, is the highest sales in magazines history.

    – He owns the biggest lots in Tagaytay Highlands.

    – YES Magazine #1 Most Powerful in Showbiz for 2009.

    – Lalabas na sa November ang Personal Design nyang TECHNOMARINE at sa January ung Will Cologne for BENCH/ naman.

    SHOWS:
    – Last January ’09, his show in DUBAI a total of 22,000 ang pumunta and it’s a record breaking sa lahat na nag-show duon kahit na ang total capacity ng area ay 20,000.

    – Sept.3, 2006 dinagsa ng tao ang Thomas and Mack na kung saan tinalo nila ang concert nila Mariah Carey at Justin Timberlake sa daming nanood. Dahil dito, binigyan sya ng recognition ng Governor ng Las Vegas kaya dineklara na ang Sept. 3 ang Willie Revillame’s Day. 1st Filipino celebrity so far.

    – Ang kanyang provincial shows: Davao (120,000), Cagayan De Oro (150,000) at P150,000 (Cavite) ito ay ayon sa PNP.

    – Ung Wowowee in ARANETA Coliseum for sports event last June 13 (sat). He announced nung June 10 (wed) na pwd ng bilhin ang ticket sa Araneta Coliseum pagdating dun ang haba na ng pila sa ticket booth. Ang shows start ng 5pm pero 1:30pm pa lang ang haba na ng linya at 4 rows pa nga. Sabi nung nakausap ko eh Friday pa lang sold-out na ticket. It means willing magbayad ang tao para makapanood lang ng Wowowee. 3pm pa lang puno na tao sa loob ng ARANETA. Dumagundong ang ARANETA nung pumasok ang ASF Dancers followed by Willie and co-host.

    Last July 2, biglang dumalaw si Richard Gomez sa WOWOWEE at gusto nya na magkaroon din ng basketball game si Willie sa ORMOC dahil tatakbo sya dun pero indi ito natuloy.

    – Last Aug.2 ininvite sya ni Cesar Montano na mag-show duon para sa b-day celebration nya sa BOHOL. Dahil tatakbo sya bilang governor. Ang total attendance nasa 50,000-60,000 ang pumunta.

    – Ang AYALA company made a surver sa atin BALIKBAYAN kung saan nila gustong pumunta pag-uwi ng PILIPINAS. Ang #1 ay WOWOWEE.

    WHO ADMIRES HIM:
    – Ung Prime Minister ng Bahrain favorite ang Wowowee. Naibalita ito sa TV Patrol World last Oct.16 ng mag-donate ito ng P25 million sa Sagip-Kapamilya. Pati ung may ari ng Jollibee, National Bookstore, asawa ni Danding Cojuangco at si US Ambassador Kristie Kenney na nag-guest pa last December 2008. She invited Willie to be there host for Fil-Am Friendship Day last July 3.

    – Last July 31, pinaalam ni Willie na may nagbigay ng 3 envelope sa bahay nya at pagbukas may lamang pera (P500T, P750T, P750T). Ang ginawa nya ay binahagi nya sa iba’t ibang institution.

    – Madaming politician ang lumalapit sa kanya para i-kumpanya sila sa National at Local election.

    – Sa darating na election kakapit ang mga pulitiko sa mga sikat na artista. Kaya kinuha agad sya ni Manny Villar na ang balita eh P300 million ang bayad plus nakipag-sosyo pa sa kanyang Will Tower Mall.

    …sa darating na Election ay kinuha na ni Kris Aquino lahat ng mga sikat ng Kapamilya at tanging si Marian at Dingdong sa Kapuso para kay NOYNOY. I think sila lang at Richard Gutierrez ang pwdeng kunin dun sa GMA-7. Kay Joey De Leon ba may kumukuha bang politician? parang walang nagtiwala sa kanya ah.

    …bat lagi na lang sinisiraan ni Joey si Willie. Ito ay nagsimula last 2006 na kung saan naging #1 ang WOWOWEE until now. Mula sa TV, dyaryo pati sa YouTube under EvenDemata. Dahil sa hindi nya matanggap na natalo sya di lang sa ratings pati sa mga accomplishment. At pati mga writers na malapit sa kanila ay inakit nya gumawa ng bad publicity like Tita Swarding pero sa huli, talo pa din sila. Mahal pa din si Willie ng tao at di iniwan ng mga endorser nya. Nagsasalita lang si Willie pag tinitira sya ni Joey. Ang latest kinuha na ng Eat Bulaga si Ryan Agoncillo. Ang tanong kaya ba ni Ryan pataubin ang WOWOWEE. Sana sinama na nila si Marian , Richard at Dingdong.

    …ang aral dito ay huwag mainggit pag ang tao ay nagtatagumpay imbes magsumikap at gumawa ng mabuti. Kaya kung iisipin nyo sino ba sa kanilang dalawa ang nagtatagumpay sa ngayon.

    …bat nga ba minahal ng tao si Willie kahit nagpapahiya ng staff at bastos. Siguro ang nakita ng tao ay yung pagtulong nya sa kapwa. Dahil lahat naman tayo ay makasalanan kaya nagtataka ako dahil kung pano mamintas si Joey at Tita Swarding parang wala silang nagawang kasalanang nagawa.

    Note:
    Kung may magr-react dito make sure justifiable wag sasamahan ng bitterness kasi nakikita ko mga comments ng Kapuso parang hindi nag-aral kung mag defend na tila di connected sa article na nabasa basta may masabing lang pangit.

    • Banggitin mo naman ung mga minolestya at ni rape ni willie. madami dami rin un.

      consider na ACCOMPLISHMENT ni willie un kasi nde sya nakulong eh.

      • Mafia, akala ko si Joey De Leon ang nagkaroon nang rape case. Mali ba ang sabi sa web. I-google ninyo para wala nang maling akala. The girl will remain nameless but it has been the topic of the headlines when this rape case happened. We all know who she is.

Leave a Reply

Your email address will not be published.