Roxanne Cabañero, kinasuhan din

SINAMPAHAN NG mahigit P1 milyong law suit ng Miss Bikini Philippines pageant organizer ang dating kandidata na si Roxanne Cabañero.

Maaalala na si Cabañero ang ikalawa sa tatlong naghain ng rape case laban sa TV Host-actor na si Vhong Navarro.

Iginiit ng tagapagtaguyod ng Miss Bikini Philippines na Slimmers World International, dapat magbayad ng P1 milyon si Cabañero bilang danyos para sa walang pahintulot at paulit-ulit na pagbanggit nito sa naturang organisasyon sa affidavit at maging sa pagsasalita nito sa media kaugnay sa kasong rape.

Maliban naman sa P1 milyong law suit, nais din ng nabanggit na organisasyon na bayaran ng dating kandidata ang P400,000 corrective damages at P205,000 para sa gastos sa mga legal na proseso.

Naniniwala rin ang Slimmers World International na nagkaroon ng negatibong kaisipan ang publiko hinggil sa kanila at sa paraan nila ng paghawak ng mga kandidata dahil sa paraan nang paulit-ulit na pagsambit ni Cabañero sa Miss Bikini Philippines.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.