Roxanne Barcelo, palaisipan ang pagkakatanggal sa teleseryeng “Bakit Mainipis ang Ulap?” ng TV5

Roxanne Barcelo, palaisipan ang pagkakatanggal sa teleseryeng "Bakit Mainipis ang Ulap?" ng TV5Palaisipan pa rin sa amin hanggang ngayon kung bakit tinanggal si Roxanne Barcelo sa “Bakit Manipis ang Ulap?” Roxanne plays wife to Bernard Palanca, karibal ni Claudine Barretto.

Pilot episode pa lang ng BMAU noong February 15 ay ipinakilala na ang karakter ni Roxanne Barcelo, sa wedding ceremony ‘yon, kung saan the spurned Claudine stole a scene at the church. Roxanne’s shining moments did not surface until she hired a private detective para tiktikan ang mga kilos ng asawa until a violent confrontation ensued.

Hindi lang impressive ang acting ni Roxanne sa mga eksena nila ni Bernard, nakipaglamunan din siya kay Claudine Barretto.

Pero kamukat-mukat mo, ang pinapalakpan pala naming pagganap ni Roxanne ay hindi na nga magtatagal dahil balitang she was dumped from the cast. Ang tanong: bakit? Meron bang hindi nagustuhan si Direk Joel Lamangan sa akting ng hitad? Lumabas ba itong OA to think na ang kahawig niyang si Rochelle Barrameda ay cum laude rin sa OA School of Emote?

Anyway, bawat weeknight ay nagiging masalimuot ang itinatakbo ng kuwento ng BMAU. Ilan din sa mga cast members nito have yet to reappear and pop out: saang tagpo kaya muling mapanonood ang mga magulang ni Bernard na sina Lloyd Samartino at Pinky Marquez? How about former beauty queens Ruffa Gutierrez and Dindi Gallardo, kailan kaya mararamdaman ng mga manonood ang kanilang mga karakter?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Roxanne Barcelo, palaisipan ang pagkakatanggal sa teleseryeng “Bakit Mainipis ang Ulap?” ng TV5

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.