Roxanne Barcelo goes topless

KUNG DATI AY patumpik-tumpik sa pagpapa-sexy ang versatile actress na si Roxanne Barcelo, ngayon ay mukhang ready na itong ipasilip ang kanyang katawan ‘di lang sa kalalakihang Pinoy, kung hindi maging sa kalalakihan sa ibang bansa.

Tsika ni Roxanne na nasa right age na naman siya (25 years old) kaya wala raw problema kung medyo magpa-sexy na siya. Bukod pa sa international movie naman ang kanyang ginawang pelikula, ang Haruo, na  isang Japanese film na pinagbibidahan ng Japanese actor/producer na may pusong Pinoy na si Jacky Woo at siya ang leading lady.

Dagdag pa ni Roxanne na napapayag daw siya na mag-topless sa said film dahil na rin sa kinakailangan daw sa istorya , bukod pa sa pang-international release naman ito.

Bukod sa Haruo, nag-topless din si Roxanne sa Amaya, kung saan ginagampanan nito ang role ni Kayang, ang alipin ni Marikit na gina-gampanan naman ni Rochelle Pangilinan. After Haruo, nakatakda namang mapasama si Roxanne sa isang Hollywood film na pagbibidahan muli ni Jacky Woo na ang mga eksena ay kukunan sa Amerika at Pilipinas.

 

BACK TO WORK na ang isa sa  GMAAC prime artist na si Iwa Moto sa kanyang regular show na Andres De Saya, at nag-guest na ito sa Family Feud. Tsika ni Iwa na naka-recover na raw siya sa kanilang break-up ng kanyang long-time boyfriend na si Mickey Ablan.

Na-realize daw kasi ni Iwa na sobrang daming taong nagmamahal sa kanya at talaga namang umalalay noong mga panahong na-depress siya. Bukod pa sa sayang naman daw ang magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio, ang GMA-7.

Kaya naman daw gusto nitong bumawi sa Kapuso Network at mag-focus muna sa trabaho. Hindi raw nito alam kung kailan siya iibig muli. Pero sa ngayon daw, pahinga muna siya sa lovelife, at career muna ang aatupagin.

 

BONGGA ANG NAKABABATANG kapatid ng isa sa maituturing na music icon sa bansa na si Ms. Imelda Papin, na si Aileen Papin dahil sa dami ng projects nito nowadays. Bukod kasi sa kanyang latest album, kung saan lumilibot ito sa iba’t ibang malls para mag-promote ng kanyang sunud-sunod na shows nito: June 17 – Thank You! A Father’s Day Dinner Show @ Technowave, Il Terrazo Mall, Tomas Morato  from 7-11 pm; June 18 – Roxas City & Iloilo City Mall Tour; June 19 – Father’s Day Concert in North Fairview Park, Q.C.; June 24 – Pagcor Tagaytay;, June 25 – SM Tarlac Mall Tour & Fundraising show in Tarlac City with Anthony Castello and Claire Dela Fuente; July 29 – Inspirational Concert with Imelda Papin & Friends @ Crossroads 77, Panay Ave., Q.C.; July 30 – w/ Imelda Papin @ Resorts World Casino & Hotel, Pasay; Aug. 19 – Tacloban City Mall Tour; at Aug. 20 – Ormoc City Mall Tour.

 

HAPPY ANG ISA sa busiest young actor sa Kapuso Network na si Kristoffer Martin sa magandang feedback sa kanyang acting sa primetime soap ng GMA-7 na Munting Heredera.

Kahit nga ang mahusay na director nito na si Direk Maryo delos Reyes ay humanga sa husay sa drama ng guwapitong young actor, maging ang mahusay na actress at haligi ng showbiz ay napabilib ni Kristoffer.

Tsika nga ng isa sa staff ng GMA-7, bukas-makalawa ay puwede nang tanghaling ‘Drama Prince’ si Kristoffer, mabigyan lang ng mas magagandang proyekto na mas magpapakita at magpapatingkad ng kanyang galing sa pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Roxanne Barcelo goes topless

  1. wala kasing nanonood ng Amaya kaya pinagtotopless ang mga artista. wahahahaha.. kakaawa naman si Wilma Galvante, lahat na ata ng gimik ginawa for Amaya pero kokonti talaga ang nanonood… 

Leave a Reply

Your email address will not be published.