Roxanne at Valerie, nakipag-split na!

NAGSIMULA NOONG ABRIL 18 ang ikatlong yugto ng Banana Split, ang nag-iisang gag show sa Pilipinas na naunang pinagbidahan ng ilan sa mga sexy stars ng Kapamilya network tulad nina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, RR Enriquez, Roxanne Guinoo at Valerie Concepcion. Maraming kalalakihan ang nahumaling sa alindog ng mga nagseseksihang chiks na ito.

Makakasama na sa naturang programa ang mga paborito nating mga Parekoy na sina Jayson Gainza, John Pratts at Zanjoe Marudo.

Makikigulo na rin ang riot na tandem nina Pooh at Pokwang.

‘Eto nga lang ang nakakalungkot na balita: Hindi na natin makikita sa naturang programa sina Valerie Concepcion at Roxanne Guinoo.

Prangka ang kampo ni Valerie na talent fee ang dahilan kung bakit napagdesisyuna niyang umalis sa programa. Hanggang ngayon naman, hindi pa rin nailalabas ang tunay na dahilan sa pagkakatanggal ni Roxanne.

Nakita namin sa aming mahiwagang baul ang ilan sa mga “malulungkot” na larawan nina Val at Rox sa set ng Banana Split. Nagkaroon ba sila ng pangitain na darating ang araw na makikipag-split na sila sa Banana Split? Hmmm…

By Mica Rodriguez
PARAZZI WIRES PHOTOS

Related Post

loading...

4 thoughts on “Roxanne at Valerie, nakipag-split na!

  1. Wala na si Roxanne, Valerie at ngayon naman si Christine. Pag sinabing Banana Split, lahat sexy at nakakatawa. Ngayong wala na sila, naiwan na lang si Pokwang. Sakit sa mata. Hindi na ako manonood. mag sho shopping na lang ako. pampalipas oras.

  2. Bakit kaya laging nagtsutsugi tong si Roxanne? Nakakapagtaka? Una sa White Castle nya, tsugi agad sya. Sa mga boyfriends, laging iniiwan din. Sa Wowowee, tsugi din. Sa Palos, Tsugi din. Sa BananaSplit, tsugi din. Sa Florinda, nakainisan ni Maricel at hanggang ngayon hindi pinalalabas.

    HIndi lang sya na tsugi dun sa shows na sya bida tulad ng natutulog at ligaw. Pero, all others laging tsugi. There must be something so wrong with her personality.

  3. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #53

Leave a Reply

Your email address will not be published.