Rowell Quizon at Kenzo Cortiz, early favorites sa Pilipinas Got Talent

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Ayan mukhang masasarapan na naman kayong magbasa ng column ko dahil makikipag-chikahan tayo to the maximum authority of chikka ng iyong yours truly. Don’t make your Monday a blue Monday dahil talaga naman bonggang-bongga! Meron na po akong OLACHIKKA NOW NA MEDIA PRODUCTION, kaya naman sa mga gustong kumuha ng mga modelo at gustong kumuha ng mga talent ‘pag may mga gatherings kayo, at gustong magpasikat ng product n’yo, bibigyan na po namin kayo ng magandang serbisyo na talaga namang  magiging bonggacious ang paglilingkod ng aking sariling production!!!! Pak!

 

AYAN SPEAKING OF Olachikka Production, dahil meron po akong talent na isinulat ko noong nakaraan na si Kenzo Cortiz na talaga namang may talentong kakaiba at may x-factor. Naku, ngayon ay talagang pinag-uusapan na siya at iba’t ibang intriga na ang bumabatikos sa kanya. Siyempre ganyan talaga ‘pag pumapasok ka sa mundo ng showbiz, kaya naman heto naman ang naging bonggang eksena niya nang sumali siya sa Pilipinas Got Talent. Naku, ang effect, dahil na pa-YES sa kanya ang tatlong judges dahil sa bonggacious niyang talent. Sana mapasok siya sa grand finals.

Naku, mukhang may ma-bigat siyang kalaban na talaga namang pumila nang bongga at talaga namang nag-effort din na si Rowell Quizon na may mukha at talentong ipapakita. Kaya mukhang nawawalan ng pag-asa si Kenzo. Pero for sure, kaya niya ‘yun, lakasan lang ng loob kahit saan, kahit sa mga intri-gang tatahakin niya.

 

AYAN DUMAKO NAMAN tayo sa bonggang chismax ngayon, dahil ang mga eksena ngayon nina Kris Aquino at James Yap na talaga namang ‘di pa rin natatapos. Bakit kaya hindi nakarating si Kris Aquino sa party ni Mother Lily?

Ayan, naku! Parang ang lumalabas ay bitterness or busy lang ang Ate Tetay mo… ayan nang makasalamuha ng mga kaparazzi natin si James, may nagtanong na kung may eksena pa ba sila ni Kris. Sinagot naman ni James na wala na raw, friends na lang daw sila at minsan lang siya lumabas ngayon. Wala pa rin daw siyang GF keme… ano ba ‘yan, or totoo na wala pa rin siyang nililigawan ngayon dahil hihingi pa raw siya ng pahintulot sa kanyang anak? Pero kay Kris, ay wala na raw, kasi wala na sila at wala na daw siyang pakialam du’n. Nakakaloka, ‘di ba?

Sa bagay… mase-sey ko rito, ‘wag nang ungkatin ang nakaraan. Haha! Past is past…! Kaloka, haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpa-sabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Rowell Quizon at Kenzo Cortiz, early favorites sa Pilipinas Got Talent

  1. Pingback: Rowell Quizon at Kenzo Cortiz, early favorites sa Pilipinas Got Talent - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.