Parazzi Chikka: Roselle Nava, ikinasal na!

Sa wakas ay ikinasal na rin ang Ang TV graduate na si Roselle Nava sa kanyang boyfriend for nine years na si Allen Tan. Ginanap ang engrandeng kasalan sa Manila Cathedral, noong nakaraang Linggo, January 17 at nagtuloy sa Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard para sa reception. Unlike most showbiz weddings, konti lang ang mga taong inimbita ng mag-asawa. Isa sa mga naispatang principal sponsors ay ang kontrobersiyal na si Dra. Vicki Belo.

Pagkatapos ng kasalan, magtu-tour naman si Roselle Nava sa US kasama sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Jessa Zaragosa para sa Ladies of the ‘90’s show nila roon.

Taos-puso kaming bumabati kina Roselle at Allen ng congratulations!

By: Mica Rodriguez

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.