Rosanna Roces wishes bad karma on Belo?

ANO BA ‘TONG si Rosanna Roces? ‘Kala ko ba, malapit na siya kay Papa Jesus? Ba’t naghahangad pa siya ng karma para sa kanyang kapwa?

Aba, tama ba namang sabihin niyang “nakakarma” na sina Dra. Vicki Belo at Ate Lolit Solis? Juice ko, kung nakarma man sila at ‘yun ang feeling niya, eh, ano’ng tawag sa nangyari sa buhay niya?

Eh, ang ganda-ganda ng career niya noon, ngayon, kumusta na siya?

Kung totoong iba ang nagagawa ni Lord sa kanya, hindi na siya dapat natutuwa sa nangyayaring masama sa kanyang kapwa. Bagkus ipinagdarasal pa niya ang mga ito, lalo na’t “pinakinabangan” niya nang bonggang-bongga noon si Belo at tinulungan din naman siya ni Ate Lolit.

I think Osang has to move on. ‘Wag na siyang nabubuhay sa nakaraan. ‘Wag na siyang nagtatanim ng galit, dahil sige siya, lalo siyang tatanda.

JUICE KO, BIHIRA na naming makausap si Konsehala Aiko Melendez, dahil busy ang lola n’yo sa kabababa sa apat na distrito ng Quezon City.

Marubdob pa rin ang pagnanais ni Aiko na masilbihan ang apat na distrito, kaya hanggang ngayon, desidido pa rin siyang tumakbo bilang Vice-Mayor ng Quezon City.

Tulad ngayong araw. Me free medical mission siya sa Brgy. Tatalon (Dist. 4) with Libreng Gupit pa ‘yon courtesy of Bambi Fuentes Salon, Benefits Salon and Artista Salon mula 9am-3pm.

“Mother,” tawag sa amin ni Aiko, “Nakakatuwa, dahil ‘yung mga kaibigan ko sa showbiz are willing to support me all the way. Ni singko, hindi nila ‘ko hiningan, lalo na ang mga friends kong salon owners.”

Ilang tatakbong mayor na sa Quezon City ang nakikipag-usap ke Aiko para maging runningmate niya, “Pero tingnan natin, sa ngayon, hindi pa ‘ko nakakapag-decide kung kaninong alok ang tatanggapin!”

‘Wag n’yong kalilimutang pakinggan ang “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12n.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

6 thoughts on “Rosanna Roces wishes bad karma on Belo?

  1. si vicky maabsuwelto lang yan and mayaman yun, si osang ang talagang kinarma, ang ganda ganda ng career niya kaso ang yabang na!!!. Kala mo di babagsak, ayun LAGPAK!!!

  2. oo nga naman osang, nasaan ka na ba ngayon? nagpapako ka pa sa krus at ang akala mo ay aangat uli ang yung career pero anong nangyari? flopped ang movie mo.

  3. tama ka dyan ogie sa sinabi mo tungkol kay osang. naniniwala pa rin ako sa karma. what comes around goes around eka nga.

  4. Da best ka talaga Osang!

    Sana ilabas mo rin yung kantutan ninyo ni Bong Revilla para tumahik yung hayup na yun’. Marunong din ba siyang kumain ng kepyas?

  5. korek ka jan anti_loloit..demonya yung matanda na yun, walang kasing demonya..ay meron pala si cristy at si jobert..mga mukhang pera..mga demonya..

    tumanda na sa kademonyohan..

    mga umiibig sa salapi..

  6. Oo nga naman Osang bad yun. Kay vicki Belo wag na, pero kay LoliT SOLIS okay lang yun. Dapat nga di lang belat ginawa mo kay LOLIT e. Dapat sinabi mo MAKULONG na sya sa kasinungalimgan nya. Dapat I boykot yang si lolit para maalis na sa showbiz. Ang Kapal ng mukha!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.