Rosanna Roces, tinakasan ang bayarin sa inupahang private pool?!

KALOKA! WALA na bang bago?

From a taxi driver na hindi niya mabayaran (dalawa ang nagreklamo sa magkahiwalay na insidente) hanggang sa gulo na naganap between Rosanna Roces and son Onyok noong nakaraang Holy Week, this time may bago na namang eksena at nakakalokang kuwento kay Osang.

Recently, just after Semana Santa, nagpa-reserve si Osang sa isang private house with a private pool sa Laguna. It’s a four bedroom property.

Nagkasiyahan sa venue. Inuman, kainan na isinama na rin ng may-ari ng property ang pagluluto ng mga pagkain para wala nang poproblemahin si Osang para sa kanyang guests.

Kinaumagahan, nagluto pa ng almusal ang host para sa grupo ni Osang. ‘Yong ilan kasi, tulog pa pero ‘yong iba nakaalis na.

Nang hanapin ng may-ari si Osang, wala ito sa room niya. Sabi ng kasama ng aktres sa kuwarto, umalis na raw at may shooting.

Naloka ang may-ari. Nasaan si Rosanna Roces. May iniwanan siyang bill na P28 thousand pesos (or the venue rental, food and drinks).

Habang isinusulat namin ito, sising-sisi ang source namin na nagkuwento ng insidente dahil siya ang nag-recommend kay Osang sa kapatid niya na nagmama-ari ng property sa Laguna.

 

MASIPAG SI Susan Roces sa pagsama sa anak na si Mary Grace Poe sa mga provincial sorties nito na ngayon ay nasa peak ng kampanya.

From Luzon down to the Visayas and Mindanao masipag ang may-bahay ng da-ting Hari ng Pelikula na si FPJ sa pagbibiyahe with her daughter.

Sa Mindanao (kilalang FPJ country), very warm ang pagtanggap sa anak ng The King.

We just hope na kung papalarin si Mary Grace Poe sa May 13, malaking tulong siya sa industriya ng showbiz, lalo na sa paggawa ng pelikula which is a dying industry dahil sa pagratsada ng television industry.

 

MAS MAYAMANG ‘di hamak si Ai-i delas Alas kaysa sa mister niyang si Jed Salang (they recently got married in Las Vegas).

Kung hindi ba naman, wala sanang pre-nuptial agreement ang dalawa.

Sa church wedding na gagawin dito sa Pilipinas, gusto sana ng komedyante na kuning ninong si P-Noy, kaso dahil “binata” ang Presidente ng Pilipinas, umayaw ito.

Ayon sa kapatid na si Kris, umayaw ang presidente dahil bawal sa pamahiin ng mga Pinoy na mag-ninong (or ninang) sa kasal kung hindi ka pa nag-aasawa.

“He turned down the invitation. May plan pa siyang mag-asawa, no!” sabi ni Kris sa kanyang morning show kung saan siya ang magiging bridesmaid ng kanyang BFF (Best Friend Forever).

VIRAL ANG YouTube video na nakunan na mina-monk nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose ang kanta ni Daniel Padilla.

Kaya bad trip ang mga fans ng sensational teen star sa television loveteam sa ginawa sa idol nila.

Reaksyon ng ilan sa mga fans na nag-email sa amin: “Never namang sumikat ang dalawa dahil mas guwapo si Daniel kaysa kay Elmo na nag-flop naman ag pelikula nila kaysa sa movie ni DJ (Daniel) at Kathryn Bernardo.”

As of this writing, bentang-benta at halos paubos na ang tickets ng first major concert (and birthday blow-out) ni Daniel na magaganap next week.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Rosanna Roces, tinakasan ang bayarin sa inupahang private pool?!

  1. Pingback: My Homepage

  2. Nung na blind item ito ng nakaraang araw alam ko na kaagad ang sagot…Well known si OSANG na walang paki sa mga tinatakbuhan niya. Makulong sana siya…Ipagmalaki niya ang kanyang pagka lahing German sa Bicutan! BASTOS!!!!

  3. napakawalang kwenta talaga nitong laosceanang bold star na ito haha! hindi kasi marunong magtipid at bulagsak sa pera kaya naghihirap na ngayon at winawalanghiya ng mga anak niya…iba talaga kung maningil ang KARMA

Leave a Reply

Your email address will not be published.