Rosanna Roces, problemado sa kaso, si Sen. Bong Revilla Jr. ang pinagdidiskitahan

ANG DAMI nang nakisakay sa isyu ng pork barrel scam na ‘yan, huh!

Itong si Rosanna Roces, pagkatapos matalo sa kaso niya sa GMA-7, si Sen. Bong Revilla ang pinagdiskitahan na dapat nga magpasalamat siya dahil sa maayos at magandang pag-alaga sa apo niyang si Gab.

Siya ang talunan, bakit ipinapasa niya sa ibang tao ang isyu niya?

Naku, ‘day! Harapin mo, Rosanna, ang sarili mong isyu, huwag mong iligaw at gamitin ang ibang tao.

Matagal na ang kaso niyang Breach of Contract sa GMA-7 at napatunayang guilty siya, kaya dapat niyang pagbayaran.

Kaya lang ano naman ang ipambabayad niya, nawala na nga lahat. Pati nga mga anak niya, nawala na rin sa kanya.

Sa ganitong panahong natalo siya sa kaso, dapat nandiyan ang mga anak niya na dumaramay sa kanya. Eh, si Grace na lang yata ang nagtitiyaga sa kanya. Mabait lang talaga ang batang ‘yan. Pero sa totoo lang, mas tahimik ang buhay ni Grace kung wala ‘yang babaeng ‘yan.

Si Bong naman, na ngayong may pinagdaraanan siya, nandiyan ang mga taong nagmamahal sa kanya at hindi siya iniwan.

Dito nga mas buo silang pamilya at lagi niyang kasama si Lani at mga anak nila na nagsisimba, nagba-Bible study.

Sa darating na kaarawan niya at siyempre hindi naman siya maghahanda dahil sa hinarahap nila ngayon. Pero nandiyan pa rin ang mga taong sumusuporta sa kanya na malaki ang utang na loob sa kanya.

Baka mag-retreat daw sila nina Lani o mag-Bible study sa kaarawan nito.

Sa dami ng mga natulungan niya, nandiyan sila para suportahan siya at samahan sa mga pinagdaanan niya ngayon.

Ako nga willing magpakulong para lang kay Bong dahil mabait naman talaga ‘yan at ang dami niyang natulungan.

Kaya namang harapin ni Bong itong lahat na ibinibintang sa kanya. Haharapin niya ito sa tamang lugar. Ang nakalulungkot lang, nahusgahan na silang lahat  at kung anu-ano nang paninira at pambibintang ang ibinabato sa kanya pati kina Jinggoy at iba pa.

Si Jinggoy nga ang tapang niyang hinarap ‘yun at kumbinsido siyang malagpasan nila ito.

 

BONGGA PALA ang Sunday All Stars, huh! Talagang lumalaban na ito nang bonggang-bongga sa katapat na ASAP at madalas ay natatalo na nila ngayon sa ratings.

Matindi ang labanan ng apat na teams na nag-perform nung nakaraang Linggo at wagi si Mark Herras na leader ng Instagang kasama ang mga bago niyang members.

Magaganda lahat na performance nila, pero nalamangan sila ng team ni Mark sa text at online voting kaya winner sila.

Sa totoo lang, gusto kong i-congratulate diyan ang director nila at ang may idea ng show na ito na si Rommel Gacho.

Siya rin ang creative director namin sa Startalk at talagang rater ang mga hawak niyang show.

Kaya dapat tuluy-tuloy nang ma-maintain ng SAS ang magandang performance nila lalo na sa rating.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

30 thoughts on “Rosanna Roces, problemado sa kaso, si Sen. Bong Revilla Jr. ang pinagdidiskitahan

  1. pera naman ng tao ang gamit nya para tumulong at hindi yun galing sa bulsa nya. At taong mahihirap dn ang ginamit nya para makakupit ng malaki s pork nya, kunyari tumulong at kunyari may project pero ang totoo nagooverpricing sila sa accounting report nla. Sabihin mong hinde, Bong and Lani. Kapal nyo na tlga. Sana pagkatpos magbible study ay iparamdaam nyo sa tao ang pagsisi nyo.

  2. kapal mo lolit..pagtanggol mo pa yang si bong..kahit tumutulong pa sha sa ibang tao, meh kasalanan pa din sha….kelangan nyang panagutan yun!!

  3. NATATALO ANG ASAP HA? NOT EVEN IN YOUR WILDEST IMAGINATION LOLIT….TULOG KA MUNA AT PARANG PULOS HANGIN ANG LAMAN NG ULO MO. HEHEHE!

  4. yup mataas ang rating???? SAS n halos kinopya ang title ng ASAP at anong maganda s mga performance nila..

    kng talaga mataas rating nila bkit… balitang balita na sisibakin n ang show???

    tsk tsk tsk

  5. PUTANG INA MO LOLIT! HAYOP KA! IPAGTANGOL MO YAN SI BONG REVILLA NA KATULAD MO HUDAS DEMONYO KURAKOT MUKHANG PERA! SINO PABA MANINIWALA SAYO LOLIT SOLIS? ISA SA MGA DUMI NG SHOWBIZ….PAGTAKPAN BA ANG BONG REVILLA AT GAWIN MABAIT…ANG ALAM NAMAN NG LAHAT KUNG NO KONEKSYON NIO KAY NAPOLES, DAPAT LANG YAN BUMAGSAK YAN SI BONG AT DI MANALO SA SUSUNOD NA ELSEKSYON NAGAMBISYON PA MAGING PRESIDNETE KAPAL NG MUKHA NG HUDAS NA BONG. MAGSASAMA SAMA KAYO LOLIT NILA JANET NAPOLES, BONG REVILLA, JINGGOY ESTRADA, JUAN PONCE ENRILE AT IBA PANG SANGKOP SA PORK BARELL SCAM SA IMPYERNO MGA HAYUP KAYO!

    • Ay kung maghintay tayo sa impyerno sa mga hudas na iyan lulubog ang pilipinas dapat nyan ibitay ang mga magnanakaw na mga yan tapos si lucifer na bahala sa kanila.

  6. Same feathers ang writer na FILMFEST SCAM QUEEN at ang IDOL niyang Pinakikinabangan niya! Noon pa Dapat ka din sa kalaboso! Ipagtanggol mo Wala naman naniniwala na sa yo dahil Walang kang CREDIBILITY!

  7. kaya naman dapat ang mga tangang botante hindi na nakukuha sa pagwapo at wala naman silbi sa pag gawa ng batas. ayun pala eh ninakawan pa pala tayo.

  8. I CAN NOT FIND SYMPATHY TO ANYONE IN THIS WRITE-UP. BONG HAS A QUESTIONABLE REPUTATION IN THE SENATE ALL THE REVILLAS FOR THAT MATTER. OSANG IS THE WORST OF HER KIND AS FAR AS CHARACTER IS CONCERNED. AND THE WRITER, NEED I SAY MORE? SILA-SILA RIN ANG MAKAKASAMA NI SATANAS WHEN THEIR TIME COMES.

  9. Nakinabang karin kasi lolit diba. Yung pang suporta dun sa apo niya. Ano, galing din sa kaban ng bayan. Kapal niyo. Magsama kayo ni bong. Tanggol ka pa sa mali. Kapal mo rin! May justice be served. 

  10. Senatong Bong Revilla ba? Kaya pala may balak tumakbo presidente ng pilipinas kasi nakaipon na ng milyones na datung galing sa pork barrel…haissstt!

  11. lolit is not credible anymore…bible study ang revilla?? hehe.. cno niloko mu?? ako akala mu s mga tao maniniwala p sa inyo?? 
    sunday all stars ntataasan ang ratings ng asap? ano b nmn yang mga report mu wla ng tama..wala nmng maniniwala sau..

  12. Dapat kay Lolit makulong din. Mukhang alam niya ang ginawang pangungurakot ni Tong Revilla pero ipinagtatanggol pa rin niya dahil may SHARE din siya sa pork barrel ni Tong. Harbat queen na magnanakaw ka Lolit. DOJ, isali na rin si Lolit sa mga iimbistigahan ninyo.

    •  di ba?  sabi ni lolita magpapakulong siya  tandaan niyo  ang write up niya ngayon nandiyan   magpapakulong siya? wait tayo  kunggagawin niya sumama kay bong sa kulungan  magkakroon na ng amnesiya yan! handa raw siya magpakulong    sige  tignan natin  at yung piangsasabi niya  natatalo ang asap lolita hintay tayo ng buwan ilang buwan kung sino matitigbak yun lang  18 years na ang asap  laht ng kalaban nito  natigbak kahit piangsssabi mataas rating ganyan kasinungaling gma flop  ang kaya nilang manipulahin  hangang tv lang  movies  mahirap ipadding movie ng gma!   yun lang!

  13. Eh kc manager ng magiting na kawatan este senador c LoLit harbatera kaya ganun na lng pagtatanggol.  Sa dami ng naharbat nya sa mga Revilla, kaya ayos lang sa kanya kahit makulong cya for Senator Pork barrel este Bong.  

  14. Kung maka “praise” naman toh c Lolit Kay Bong akala mo anghel! fr sure naamubunan ka din ng pera galling sa PORK BARREL. MAHIYA KA SA BALAT MO, YANG ALAGA MO MAGNA..TOP 1 sa Pagnanakaw. Letche kau!!!! makaka karma dn kau…Tangol PA! 

  15. “BONGGA PALA ang Sunday All Stars, huh! Talagang lumalaban na ito nang bonggang-bongga sa katapat na ASAP at madalas ay natatalo na nila ngayon sa ratings.” in your dreams Lolita!!!!

    • SAS mataas daw ang ratings???? Balita ko may palugit na lang ito ng 3 buwan at papalitan na naman. hahaha!!! si Lolita talaga nagpapatawa. hahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.