Rosanna Roces, pinatutsadahan ni Lovi Poe! – Ruben Marasigan

Walang third party sa break-up nila ni Jolo Revilla. Ito ang mariing nilinaw ni Lovi Poe the last time when we had a chance to talk to her.  Nali-link kasi lately ang dalaga sa anak ni Chavit Singson na diumano’y siyang cause ng hiwalayan nila ng young actor.

“Wala talagang third party,” aniya. “Nagkahiwalay kami dahil may mga naging problema. But it’s not because of me or him. ‘Yung mga tao sa paligid niya ang dahilan. ‘Yun ang gusto nila, eh, ‘di ibigay ko na.

“But definitely it’s not Jolo’s family. Wala akong masabi against them. Mababait silang lahat sa akin. Basta may ibang tao na nanggugulo.”

Ayaw tukuyin ni Lovi kung sino ang ibang tao na pinatutungkulan niya. Hinala namin, baka si Rosanna Roces na hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin sa pamilya Revilla. Umabot kasi sa puntong pati si Lovi ay napagdiskitahan nitong asintahin ng kung anu-anong hindi magagandang patutsada. Na hindi man lang siya nagawang idepensa ni Jolo.

[ad#post-ad-box]

“Na-hurt ako ro’n,” pag-amin ni Lovi. “Kasi hindi ko lang ini-expect na may tao palang puwedeng magsalita ng gano’n against someone.  And it’s not about ‘yong mga grabeng pinagsasabi niya (Osang) but the thought that she’s saying bad things against me to think na wala naman akong kasalanan sa kanya.

“Nalulungkot lang ako na hindi ako nirespeto. Hindi na as Lovi but as person man lang sana. Pinalaki ako nang maayos ng parents ko para respetuhin naman ako.”

Hindi ba niya mahal si Jolo at hindi niya ipinaglaban ang pagmamahalan nila sa mga taong aniya nga ay kontra at nanggugulo sa kanila?

“Siyempre, mahal ko si Jolo. It’s just that… mahirap kasing magsalita, eh. Kapag ikaw na ang binabastos at hindi ka nire-respeto ng ibang tao, e, iba na ‘yon,” dagdag pa ni Lovi.

So… isang factor din ‘yung hindi siya naipagtanggol ni Jolo sa pang-aaway ni Osang? Nagsawalang-kibo kasi ang binata dahil iyon ang naipayo ng mga magulang nitong sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

“Ayoko nang magsalita. Basta ayoko nang nababastos ako. ‘Yon lang,” diin pa ng young actress.

KUNG SI LOVI ay nagsara muna ng puso pagdating sa lovelife, si Jolina Magdangal naman, tila madaling pinalitan sa puso niya ang dating boyfriend na si Bebong Muñoz. Buong ningning kung ipagmalaki niya ang drummer ng bandang Rivermaya na si Mark Escueta, ang bagong boyfriend niya ngayon.

Ang nakakaloka, hindi alam ni Jolina ang date kung kailan niya sinagot ito. Ni Hindi niya masabi kung ilang buwan itong nanligaw bago naging sila. Ang weird pero talagang seryoso si Jolens sa pagsabing nagising na lang nang isang araw, sila na nitong si Mark.

“Madali akong naka-move-on sa break up namin ni Bebong kasi hindi ako nakinig sa ibang tao,” pahayag ni Jolens. “Wala akong sinagot na mga text about it. Wala rin akong sinagot na mga interviews. Basta nagkulong lang ako hanggang sa wala na. Okey na ako.

“And hindi naman natin puwedeng sabihin na madaling napalitan si Bebong kaya after ilang months, e, biglang kami na  ni Mark. Siguro dahil parang right timing lang ang nangyari. And I’m happy naman. Siguro iyon naman ang importante, ‘di ba?”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.