Rosanna Roces, pinahamak ang Showtime! – Mell Navarro

NAKAGUGULANTANG ANG PAGKAKA-SUSPEND ng Showtime ng ABS-CBN dahil sa uncalled for na statements ni Rossana Roces (nang mag-judge ito nu’ng January 7) tungkol sa ating mga dakilang guro, na sinabihan pa nito ang isang grupo from Calamba, Laguna na “murahin” ang kanilang teachers dahil hindi mapa-explain dito kung bakit Rizal ang surname ni Jose Rizal (na tubong-Calamba) nito pero iba naman ang surname ng ama ng ating national hero.

Una, national hero si Jose Rizal. Ikalawa, napaka-noble ng propesyong ito para yurakan on air ni Osang, na kahit siya mismo ay inaming minura niya ang kanyang teachers noong student days niya.

Ikatlo, live kung live ang Showtime, kaya anthing goes at ‘di mo mapipigilan kung ano ang magaganap, unlike ‘pag pre-taped na puwedeng i-delete o i-edit ang isang very sensitive issue o statement na nabitawan ng guests.

Ikatlo, sobrang prangka kasi itong si Osang, pero sana ay pipiliin niya rin ang kanyang pananalita, lalo na’t nasa live television show siya, watched by so many people nationwide and worldwide.

Pinahamak ni Osang ang ABS-CBN’s gold mine show these days and ang 20 days na suspension from MTRCB na ito ay malaking bagay for the network. Kaloka naman itong si Osang, ‘di na naisip ang repercussion ng kanyang statements.  Dumagsa ang complains ng taumbayan sa MTRCB office, kaya in no time at all ay suspended ang show.

From GMA-7, “sinalo” na nga ng Dos ang career ni Osang, pero ito pa mismo ang gagawa ng ganitong kapalpakan? Hindi napahupa ang desisyon ng MTRCB, kahit na pinagtanggol pa ni Vice Ganda ang mga guro, at kahit na may official statement na ang Dos na may self-regulation na agad sila by removing Osang as judge the following day.

Pansamantala ay may new show na ipinasak ang Dos sa timeslot nito, ang Magpasikat. Mukhang matigas ang desisyon ng MTRCB kahit nag-motion ang Dos na ma-lift ang suspension. Lesson learned diyan ay piliing mabuti ang judges, hindi ‘yung magpapahamak sa kanila!

DAGDAG SA MILYONES ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakapanalo niya ng P2 million sa Who Wants To Be A Millionaire, huh!

Yap, two million richer itong si Shawie when she won sa TV-5 game show ni Vic Sotto. Eh, ang yaman-yaman na ng Megastar, kesehodang nawalan ng mana sa ama, hahaha!

Ang maganda naman sa aktres ay sa Hospicio de San Jose umano mapupunta ang kanyang premyo. Good Christian move talaga ‘yan and lalong magkaka-blessing si Sharon sa ginawa niya.

Samantala, nu’ng mag-guest sa The Buzz ang ex-hubby na si Gabby Concepcion, kilig-kiligan pa rin ang marami nang tinukso ng hosts na sina Ruffa Gutierrez and Kris Aquino si Gabo kay Shawie.

Ang question kasi ay tipong kung meron siyang babalikan sa nakaraan na ayaw niyang mapalayo (or something to that effect?), nabablangko’t pinagpapawisan si Gabby sa tanong ng dalawang madaldal na TV hosts.

“Bakit ba gusto n’yo pang marinig sa akin ang alam n’yo na ang sagot?” Sey ng guwapo pa ring Gabby na crush namin noong high school days namin. May gano’n?  Hahahaaa!

Iba pa rin talaga ang kilig ng Sharon-Gabby, one of the most successful love teams of Philippine Cinema, nu’ng humahataw pa ang movies sa showbiz industry. Kaso mo, ang kinumpirma pa lang na movie na gagawin ni Gabby ay ang film with daugther KC Concepcion, for this year.

Mapapanood muna si Gabby sa inaabangang Kung Tayo’y Magkakalayo sa Primetime Bida ng Dos starting January 18, with Kris, Albert Martinez, Gina Pareño, Coco Martin, among others.

‘Yun lang and babu!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

16 thoughts on “Rosanna Roces, pinahamak ang Showtime! – Mell Navarro

  1. Rosanna Roces is half-German. So is Baron Geisler. Hindi ako nagge-generalize, ha? Just sayin’…lolz

  2. well nasuspend na ang show nandyan na yan wala na tayong magagawa dyan.
    ok may mga teachers na nagkakamali na di nakakapagresearch sa mga lesson nila kasi wala na silang time mag research at bilang student responsibilidad nila ang mag discover, maging curious! sa pag tuturo naman kasi di kailangan spoon feeding samga student!
    kailangan yung mga student gumagana rin ang utak!
    ibig sabihin nag eexplore din sila!
    kung curious sila kung bakit protacio ang middle name ni Dr. Jose Rizal e di sila gumawa ng move para malaman kung bakit nagkaganun ang pangalan ng pambansang bayani!papano nila gagawin yun?
    magbasa at magbasa at magbasa sila ng libro!
    in short ang mga student na katulad ni rosana roces DAPAT MAGPAKAINTELEKTWAL NGAYON KUNG DI NYA KAYANG MAGPAKAINTELEKTWAL MANAHIMIK NA LANG SIYA
    para di na lang sya nawawalan ng pagkakakitaan.
    ang moral lesson ng storya tungkol sa suspensyon “think first before you utter words”
    ang kaso ang nangyari “you utter words before you think” and realized na kahit mag public apology ka baka wala nang mag patronize sayo.
    e kung sabihin ko naman sa mga teachers ay ganito!
    “murahin nyo dapat yung mga student na katulad ni rossana roces kasi wala syang ipinakikitang moral puro ka imoralan”
    ano kaya mararamdaman nya?!!!
    tulad din ba ng naramdaman ng mga teachers na pinamumura nya?!!!
    at anong karapatan ng isang rosana roces para lasunin ang isip ng kabataan at i motivate na murahin ang mga teachers nila!!!!!,
    di na nga nirerespeto ng mga halos ng mga kabataan ang kanilang mga guro tapos uudyukan pa ni rosana roces para murahin ang mga guro nila!!!!
    sabagay kung ano itinanim mo (rosana) yun din aanihin mo! mag intay ka lang!

  3. Bkit isisisi sa Teachers e aping api na nga sa liit ng suweldo..problema yun ng estudyanteng imbes na pumasok sa ESKWELA e ayun nkatambay ksma BARKADA at ngppraktis ng ISASAYAW para sa show na SHOWTIME.. khit KINDER kya nman sgutin YUN… YUN LANG!!!

    • Diyan mo makikita kung anong ugali meron si Rosanna Roces, asal-kalye, kasi mayabang, akala mo kung sinong magaling. Okay, meron siyang liberty to say what she wants to say, pero hindi na niya dapat sinabi on national television yung comment na yun, dahil maraming nanonood na bata. Di ako magtataka kung bakit ganyan ang ugali niya, bastos, walang modo. Dapat diyan i-boycott, i-ban sa television.

  4. hello guys,

    WOW GUYS ETO NA NAMAN
    PLS PLS PLS BE OPEN MINDED
    KUNG MERON KAYO KAKILALA NA TEACHER ITANONG NYO SA KANILA ABOUT JOSE RIZAL
    THIS IS AN EYE OPENER FOR TEACHER
    NOT ALL TEACHE ARE DOING THER DUTY
    LOOK AT NOW WHAT KIND OF EDUCATION WE HAVE
    ONLY A FEW TEACHER ARE DOINGTHIER JOB WELL
    SOME ARE NAGNENEGOSYO SA LOOB NG ROOM
    WAG TAYO MAGMAMALINIS
    AS IF CONSERVATIVE PA KAYO TAPOS SOBRANG LIBERATED PALA
    WLANG KWENTANG MTRCB YAN
    MALISYOSO WLANG UTAK
    IT ADDS MORE PROBLEMS SA PINAS
    GANUN TALAGA SA PINAS PAG MERON NAG COMMENT WITH MALISYA SASABAYAN NA YAN NG MGA MALISYOSANG PINOY
    AT ETO PA BAKIT D IREGULATE NI WLANG KWENTANG LAGWARDYA NA YAN ANG MGA FOREIGN SHOW KUNG MAKACOMMENT MAS GRABE PA
    NA MOST OF THe VIEWERS AY MGa BATA DIN
    D BA DAPAT BANTAYAN DIN NG MTRCB
    HOW ABOUT FOREIGH FILM TOO DAMING BAD WORDS DYAN AT ESPECIALLY ANG MGA MUSIC DIS DAYS DAMING BAD WORDS.

    SANA LNG IOPEN NATIN ANG KAISIPAN NATIN
    KAKAHIYA TALAGA ANG PINOY

  5. dapat si bad Rosanna Roces lang ang sinuspende, at ang director dapat sisihin dahil uncut. Bakit lahat ng cast magdurusa dahil sa isa?

  6. Hindi sa biased ang MTRCB- ginagawa lng nila trabaho nila.. Obvious nman yung mali ni Osang- obligasyon ng show na i-orient o at least turuan ang mga judges na magisip bgo magsalita on philippine tv lalo live yung show.. totoong me gnawa ang ABS sa self regulation ng tanggalin nila si Osang pero kung wlng suspension na gnwa ang MTRCB sa show edi lalabas na as if nothing happened-wlang parusa sa neglect ng network na iorient yung judges- damage has been done at tama ang desisyun ng MTRCB-this should serve them a lesson-

  7. uhm…nangyari na ang lahat,,so don’t blame osang na..ang tagal na nya sa showbiz and we all know ang nature niya..ganun talaga siya mag comment..well yes, it’s her comment’s fault but tao lang siya..nag kakamali rin..babalik din ang showtime with in 20 days..so kahit na sobrang okray nyo sakanya,,hindi pa rin sapat un para mabago ang lahat..dumadagdag lang tayo..so wait for showtime na lang..

  8. ianiks!!!! nasa 2010 years na tayo!!! imulat mo ang mga mata mo!!! ang panlalait na cnsabe mo gingawa mo rin yan minsan sa buhay mo!!! ang ngyayari sa showtime bahagi ng buhay ng bawat pilipino uu minsan nagsasalita c vice ng masakit but its only show how he deliver those words alam mo na its part of the show. hindi nman sya nanlalaiit ng sukdulan hehehehe pag napanood mo pala yan sa mga show nya d dinimanda mo na yan kc iiyak ka sa bwisit pero ako nung minsan na nalait nyan sa show nya sa timog tinawanan lang nmen kc kasalanan ko pinananood ko ung show nya alam ko nman na ganun ang palabas nila db!!!!

    • ang ayaw ko kay vice ang paglalandi sa mga poging contestant at paghamak sa mga di niya nagustuhan. primetime ang showtime. para bang culture na ng mga pinoy na okrayin ang kulay sa hitsura at i idolize ang mga magaganda. ginagawa niyang biro pero nakaka offend sa iba. sa mga comedy bar ok lang, bastusan to the max, walang problema. this is my opinion at kahit year 3000, ganito pa rin ang sasabihin ko kung nakaka offend sa ating mga kabataan at viewing public. at kay OSANG, go to where you belong…….—-!

      • Ganyan na talaga ugali ng Pinoy. Tsaka entertainment lang naman ‘to, eh. So was Desperate Housewives. lolz

  9. napuno na siguro ang mtrcb sa showtime. una pa lang di ako pabor sa pang ookray ni vice sa mga kabataan na contestants. mistulang comedy bar ang eksena, pag may pogi lalandiin ni vice, tutulungan pa ni anne at vhong. pag may kapintasan o pangit ang mga contestant, ridicule to the highest degree ang bibitiwan ni vice. ganito ba culture ng mga pinoy. maraming kabataan ang nanonod at gusto lang nila sumayaw at sumali sa contest. bakit pinabayaan babuyin ni vice ang show? tapos mag guest pa ng mga pasaway tulad ni osang. gusto siguro ng abs-cbn mag rate ng husto kaya bahala na ang attitude nila. akala ko ok si bobet vidanes, di pala.

    • kung hindi ka pabor, huwag kang manood. eh ano rin ba ang ginagawa ng mga taga-eb sa kanilang contestant para rin lang makapagpatawa ha? ang eb nga ang kauna-unahang noontime show na nagriridicule ng mga contestant at mismong artists nilang kasama.

      • HUUUHHH?????ang eb nga ang kauna-unahang noontime show na nagriridicule ng mga contestant at mismong artists nilang kasama???.

Leave a Reply

Your email address will not be published.