Rosanna Roces, pinabayaan na ang career dahil sa lalaki?!

PINAGTAWANAN LANG NI Rosanna Roces ang balitang maghuhubad at magpapa-sexy na rin ang anak niyang si Grace Adriano. “Diyos ko, ‘Day! Paanong mangyayari ‘yun e, diring-diri ‘yun kapag sinasabi kong mag-artista na lang siya,” sabi sa amin ni Osang.

Ayon pa kay Osang, walang balak magpa-sexy tulad niya ang kanyang anak dahil kuntento ito sa pribadong buhay sa piling ni Pili. “Day kung makikita n’yo ang anak nila, masasabi n’yong parang ako ang nanganak, kasi kamukhang-kamukha ko ang aking apo.”

Sabi ni Osang, kahit hindi na niya madalas na nakakasama ngayon si Budoy, okey lang sa kanya. “Nag-aaral kasi siya sa La Salle at alam kong hindi siya pinababayaan du’n ng kanyang lola at lolo (Lani Mercado at Senator Bong Revilla). Nahihiram ko naman siya at ‘yun lang naman ang gusto kong mangyari, kaya inaaway ko sila noon. Pero ngayong hindi naman nila pinagdadamot ang bata, walang problema sa akin.”

Samantala, inamin ni Osang na nitong mga huling buwan ay talagang napabayaan na naman niya ang kanyang showbiz career. “Ewan ko ba, kapag in love ako, du’n lang nakatuon ang utak at isipan ko.”

Inamin ni Osang na mega in love nga siya kay ‘Atty.’ “Pero alam mo Morly, kelan lang inaway ko siya kasi masyado siyang laklakero, at nangako naman siya na babawasan na niya ang masyadong pag-iinom.”

Sa kabuuan, sinabi ni Osang na hindi man ganu’n karami ang dumarating na datung sa kanya ‘di tulad noong mga panahong namamayagpag pa ang kanyang pangalan sa showbiz world, hindi naman siya namamalimos para sa pang-araw-araw na pangangailangan. “May naipon naman ako kahit paano kaya hindi ko kailangang mamalimos, ‘no!”

MARAMI ANG NAGTATANONG kung nasaan na raw si Sabrina M. Well, si Sabrina ay may tatlong anak na ngayon – isang lalaki at dalawang babae. “Alam mo, Tito Morly, kuntento na ako sa buhay ko ngayong malayo sa intriga,” pahayag ni Sabrina sa Pinoy Parazzi, na nagsabi pang nami-miss niya ang showbiz. “Kaya lang, paano ako makababalik e, busy ako sa aking mga anak.”

Pero teka at isa pang teka, how true na hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil sa pagda-drugs ang aktres? Well ang katanungang iyon ay hindi nasagot ni Sabrina dahil noong huli namin siyang tinawagan ay hindi na niya sinasagot ang aming call at text.

“SILENT MILLIONAIRE” PALA SI Marvin Agustin dahil sa dami ng kanyang restaurant na itinayo. Kamakailan nga ay nakausap siya nang personal ng Pinoy Parazzi sa Greenbelt. Hindi namin inaasahan ang pagtatagpong iyon, kung saan kasama niya ang dalawa niyang makukulit na anak (parehong lalaki).

“Manonood kami ng mga bata. Kapag may time kasi ako e, dito ko sa mga anak ko ibinubuhos ang aking atensiyon,” sabi ni Marvin sa amin. Sinabi pa ng aktor na kahit hindi sila kasal ng ina ng kanyang mga anak, maganda naman daw ang kanilang relasyon. “Nasa pag-uusap kasi iyan. Kung anuman ang mga bagay na hindi naibigay sa akin ng aking mga magulang, pinipilit ko ngayong maibigay iyon sa aking mga anak lalo na ang magandang education.”

Inamin ni Marvin na anytime ay puwede na siyang huminto sa pag-aartista dahil may mga negosyo naman siya. “Kaya lang, hindi ko iyon gagawin dahil first love ko talaga ang pag-aartista. Kung anuman ang meron ako ngayon, utang ko iyon sa pagiging artista ko,” pagwawakas ni Marvin.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Rosanna Roces, pinabayaan na ang career dahil sa lalaki?!

  1. people of the philippines and around the world pls. watch oplan zero tambay hosted by hard hitting broadcaster raffy tulfo panoorin nyo po sana para sa mga tambay na walang trabaho at binibigyan ng pagasa para magkatrabaho magandang programa po ito suportahan natin once again pls watch oplan zero tambay tv5 10 30 start of program every sunday pls watch it tnx.

Leave a Reply

Your email address will not be published.