Rosanna Roces, nawala ang angas sa katawan!

KUNG DATI, HALOS ga-aparador na ang katawan ni Rosanna Roces dahil sa katabaan, ngayon ay biglang sexy na naman siya ulit. Nakakagulat talaga na hindi lang siya pumayat kundi fresh at blooming na naman ang kanyang beauty.

“Actually, nagpapapayat ako for a project with another director Enrico Santos, ‘yong movie namin ni Maja Salvador na hindi pa natatapos,” aniya. “Sabi may re-shoot, so kailangan daw pumayat ako. Sabi ko, patay! Eh, ang sarap ng kain ko dahil nga ulan nang ulan. May nagbigay sa akin ng Brazilian coffee. Sinubukan ko, kumonti ‘yong kain ko ng kanin na mga dalawang kutsara lang okey na. Tapos gelatin na nasa cup na lang ang kinakain ko. Tapos sa gabi bago matulog, Quaker oats lang. So, nawala na rin ‘yong bara sa puso ko.”

May mga nag-iisip din, baka raw kaya fresh, blooming, at younger looking siya ngayon ay dahil sa lovelife. Meron nga ba siyang karelasyon ngayon?

“Kapag may teleseryeng ganito (‘yong ginagawa niya with Nora Aunor ang tinutukoy ni Osang), hindi po pupuwede ang may lovelife! Ha-ha-ha! Maaapektuhan kasi po ang either (lovelife o career ang ibig niyang sabihin). After no’ng attorney, hindi pa ulit ako nagmamahal. Wala pang sumunod. Kasi ‘di ba, nagka-ectopic pregnancy ako roon? Kaya medyo… nakakadala.”

Dream come true raw para sa kanya na makatrabaho ang Superstar. Nasorpresa raw siya na biglang may offer sa kanya.

“Ang daming sumusulot sa role ko. Na ang taba ko raw. Ang dami kong pimples. Pero ako pa rin ang pinili ni Ate Guy.”

Dati, aminado si Rosanna na isa siyang Vilmanian. Ngayon na nagkakilala sila ni Nora at naging magkatrabaho pa?

“Hati na po! Ha-ha-ha! Magkaiba naman sila. Magaling si Ate Vi. Pero kapag nakita mo si Ate Guy kahit hindi umaa-acting, kapag tiningnan ko, ay tunaw ka! Dahil makikita mo ‘yong kaluluwa niya. Wala kang makikitang any negative na ano… ‘yong sinasabi sa kanya. Kapag nakaharap mo siya, bura na lahat iyon. Mama-magnet ka na lang.  At matutulala ka. Ha-ha-ha-ha!”

May napatunayan na rin naman siya bilang isang isang aktres, ‘di ba?

“Pero iba kapag kay Ate Guy. Siyempre biglaan ang pagdating niya. Hindi ko napaghandaan! Ha-ha-ha! Buti nga unknowingly na magkakaroon ako ng chance to work with her, nakapagpaayos ako ng ngipin. Nakapagpa-bleach ako.  Tapos biglang nakapag-diet ako. No’ng sinabi nga sa akin ‘yong tungkol sa teleserye, gusto ko nang mamatay no’ng mga oras na iyon. Talagang sinabi ko, ‘tsaring… hindi totoo ‘yan, baka niloloko lang ako’! Hindi talaga ako naniwala. Tapos… totoo nga pala.”

No’ng time na sadsad ang kanyang career, balitang talagang naghirap daw siya nang husto. May tsismis pa ngang umabot pa siya sa puntong nagtitinda ng kung anu-ano maka-survive lang sa pang-araw-araw. Totoo ba ‘yon?

“Ngeee!” natawang reaksiyon ni Osang. “Si Onyok po ang ikinuha ko ng puwesto sa may Lung Center na every Sunday Tiangge. ‘Yong asawa niya kasi, pero hiwalay na sila ngayon, is from Marikina and… gumagawa sila ng sapatos. Eh, kesa naman tuwing Christmas lang sila nakakapag-tiangge eh, ginamit ko ang aking face value para makuha ko ‘yong bungad na puwesto. Successful naman. Para sa mga bata, kahit ano gagawin ko. Kahit ba naman magtinda ako. Ang masama eh, ‘yong nagnanakaw. Iyon ang pinakaayaw ko. Hindi ko ka-yang ipakain sa mga anak ko kapag galing do’n.

“Pero naniniwala pa rin ako na a good actress and a good person… you can never put down. And I’m happy na hindi pa rin ako nawawalan ng trabaho as an actress. Ang bumuhay din sa akin no’ng mga panahong wala akong projects, ‘yong mga kaibigan ko gaya nina Direk Adolf (Alix)… Buboy Tan. Awa ng Diyos, ‘yong mga pakikisama na naipundar ko, nagbunga naman nang maganda,” sabi pa ni Osang.

Isa pang napansin namin sa aktres, nawala ang angas sa kilos niya. Ang bait-bait niyang kausap na malayo sa dating Rosanna Roces na mataray at minsan ay mataas magsalita.

Siguro sa mga pagsubok na pinagdaanan niya, she has come to realize the essence of humility. ‘Yun na!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

8 thoughts on “Rosanna Roces, nawala ang angas sa katawan!

  1. Hindi mananalong presidente si bong revilla kahit ano pang movie ang gawin niya. hindi tanga ang mga pinoy para iboto sya.

  2. eye of the tiger — ui ingat. baka ma libel ka. Alam mo bang itong mga comments ay bahagi ng libel law? Bago ka magsulat ng ganyan siguraduhin mo hahahaha. Yari ka. Hindi tayo magpasamat at siya ang napili ng TV5 sa major mini series nila

  3. tama osang ang masama ninanakaw mo ipinapakain mo sa pamilya mo tulad ng mag asawang lani mercado at bong revilla pinapakain sa pamilya nila at luho puro ninakaw sa kaban ng bayan kaya mas mabuti ka pa sa kanila LANI BONG KURAKOT

Leave a Reply

Your email address will not be published.