Rosanna Roces, nasilat na naman sa pagbubulgar ng anak

Rosanna-RocesNAKALULUNGKOT ANG kinahinatnan ng mag-inang Rosanna Roces at Onyok, dahil nasa dulo na si Onyok ng kanyang tinitimping galit at mga hinanakit, kaya nangyari ang kanyang pagpapainterbyu sa Startalk ng GMA-7.

Malungkot, dahil nagsikap din naman si Osang na maging maayos ang lahat sa takbo ng kanilang buhay. Mahal na mahal ni Onyok si Osang, dahil nu’ng bata pa si Onyok ay nang-aaway na siya ng mga kaklaseng lalaki at ipinagtatanggol si Osang kapag sinasabing bold star ang Mommy niya.

Sa mga ginawang pagsisikap ni Rosanna para maging maayos ang lahat, may mga hakbang siya at desisyon sa buhay na sumablay siya. Pero bilang ina, mahirap kuwestiyunin ang kanyang mga ginawa para maging okey ang lahat. Hindi lang talaga siya perpekto, kaya nasisilat siya para maging maayos ang lahat.

Mabait si Osang, talaga lang ang mahirap sa kanyang ugali ay matigas ang kanyang ulo at mataas ang kanyang pride, na hindi natin puwedeng basta alisin sa kanya, dahil siya iyon.

Maraming naghihintay na madinig na rin ang panig ni Rosanna na magsalita sana, sa Startalk din daw sana, para parehas, dahil du’n nagsalita si Onyok. Posible kaya? Parang may kaso pa kasi si Osang sa GMA. Winner sa taas ang rating niyan kapag nagkataon. Kayanin kaya ni Manay Lolit Solis na makaharap si Osang kung mag-guest nang live sa studio?

Kung kinamumuhian kasi ni Osang si Manay, ay ganu’n din si Manay sa kanya. Pero puwede ring tawanan na lang ni Manay ang mga nangyari. Dahil sa dulo naman nito, marunong din si Manay magpatawad at magpasensiya. Pero look na lang siya sa sky na nakataas ang kilay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Rosanna Roces, nasilat na naman sa pagbubulgar ng anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.