Rosanna Roces, nanuba ng kaibigang make-up artist?!

USAP-USAPAN LATELY ANG tungkol sa diumano’y panggugulang ni Rosanna Roces sa isang make-up artist. Kaibigan pa naman daw ito ng dating sexy actress. Na kapag nangangaila-ngan siya ng magmi-make-up sa kanya, lagi nga umanong on the go for her ang make-up artist na ito.

Kahit na wala raw agad na maibibigay na bayad si Osang at STF (soon to follow) na lang ang bayad sa serbisyo nito sa kanya, okey lang daw sa nasabing make-up artist. Katuwiran daw kasi nito, what are friends for sa kanilang dalawa.

Recently, nagkaroon daw ng project si Osang na medyo malaki-laki ang bayad. Something like two hundred fifty thousand pesos daw ang TF niya.

Siyempre pa, karay-karay nga raw ni Osang ang kaibigang make-up artist sa tatlong araw na ‘yon. Ang kaso, hindi cash kundi tseke ang nakuha umano niyang payment on her last day of shoot.

Kinabukasan, nagpunta raw ang driver ni Osang sa bahay ng make-up artist na inutusan umano ng aktres para manghiram muna rito ng pera. Kasi hindi pa raw nai-encash ang tseke.

Nataon na wala rin daw pera ang make-up artist kaya ang naging suhestiyon na lang nito ay ipa-rediscount na lang umano ang nasabing tseke. Ito pa raw ang nagturo kay Osang kung saan puwedeng ipa-rediscount ang nasabing check.

Pagkatapos no’n, hindi na raw muli pang nagparamdam dito si Ro-sanna. Hanggang nalaman na lang daw nito na naipa-rediscount na raw pala ang tseke. At ‘yong dapat na bayad sa tatlong araw na serbisyo nito sa aktres, hindi na iginibsung. Deadma na raw si Osang.

Hala!

Ang mahal kaya ng per day ngayon ng isang make-up ar-tist. So ‘yong tatlong araw na serbisyo, malaki-laking halaga rin nga kung tutuusin.

Hoping pa kaya ang make-up artist kung babayaran pa siya ni Rossana?

‘Yun na!

PINAG-UUSAPAN RIN NANG husto ngayon ang pagsama ng loob ni Willie Revillame kay John Estrada. Magkasaulian na raw kaya ng kandila ang dalawa?

Matalik kasing magkaibigan ang dalawa at talagang malalim na ang pinagsamahan nila. Para na nga raw magkapatid ang samahan ng dalawa.

Understandable naman kung sumama man ang loob ni Willie kay John. May naging usapan kasi sila ni John tungkol sa isang binubuong noontime show ng TV5.

Si John kasi ang umano’y iniri-recommend ni Willie na maging isa sa main host nito. At sa kagustuhan talaga na ma-dagdagan pa ang show ni John sa TV5, mismong si Willie pa raw nga ang nakikipag-negotiate for John na may consent naman daw ng huli.

Wala raw kaalam-alam si Willie na may nangyayari rin palang negotiation sa pagitan naman ng ABS-CBN at ni John tungkol sa isang bago ring show. Hanggang nagkapirmahan na ng kontrata, hindi pa rin daw alam ni Willie.

Ayon sa kampo ni John, balak naman daw sabihin nito kay Willie ang tungkol sa pinirmahang kontrata sa Dos para sa isang bagong show. Tumitiyempo lang daw ito.

Ang kaso, nauna nang napabalita ang tungkol dito na kaagad nakarating kay Willie bago pa man nasabi sa kanya ni John ang tungkol dito. Siyempre, nagulat ang TV host kasi wala nga siyang kaalam-alam sa mga kaganapan. Kaya gano’n na lang katindi ang naramdamang sama ng loob ni Willie kay John.

Kamakailan nang mag-birthday si Willie, balitang isang text ng pagbati ang ipinadala sa kanya ni John. Nakasaad din umano rito ang tungkol sa mensahe ng huli tungkol sa kung paano niya pa rin pinahahalagahan daw ang pagkakaibigan nila ni Willie at kung gaano nito kamahal ang TV host. Na anuman daw ang mangyari, he will always be a friend na laging nasa likod lang daw ni Willie.

Maaaring sensitibo si Willie pero pusong-mamon din daw ito pagdating sa mga kaibigan. Kaya ayon sa mga taong close pareho sa kanila ni John, pasasaan daw ba at magkakaayos din ang dalawa.

Tamang pagkakataon at panahon lang daw ang kailangan.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

11 thoughts on “Rosanna Roces, nanuba ng kaibigang make-up artist?!

  1. TRABAHO LANG PO WALANG ANUPAMAN,,MADAMI PONG ANAK SI JOHN AT MAGKAKAPAMILYA PA SYA ON THE WAY,,,,OK,,

    RICHARD GOMEZ WILL BE BACK IN ABSCBN,,SOON,KASE MAY MOVIE SILA NI SHARON AT MORE TV SERIES NA GAGAWIN WID NORA AUNOR PA YATA,,,,

    ABOUT OSANG-SHE BETTER CLEAR HERSELF,,WAG NATIN SYANG HUSGAHAN NG GANYAN GANYAN,,LANG,,,SHES AN AMAZING ACTRESS,,MAGALING AT PRETTY TALAGA,,,SO I GUESS,SHES INTO GOD NA,,AT INAAYOS ANG LIFE,,SANA MAKAPAGSLAITA SYA SA ISYU..

  2. at least habang maaga palang nakita na ni john ang tunay na wilie diba,,sa ngayon,may distansya na,,e ano naman kay wilie kung accept ni john iyondiba,,wat the heck!!!!big deal!!!!natural kelangan ng work ni john para s amga anak nya kay janice at sa asawa nyang si priscilla,,di na naman n ag iiisip si wilie,,selfish fake snake!!!!!!!!hayyzz,…………..ayusin mo nalang life at sarili mo wilie,,wag ka ng pa epal na showbiz o showy,feeling enchos,,jan,,,,,,dahil nega ka at sira ka na,,,,wag kang mandamay,,ang rating ng show nya kase mababa!!!as in,,WE DONT NEED THIS KIND OF WILLIE SA SHOWBIZ,,lumayas ka sa harap ng camera,,kairita ka,,lokohin mo sarili mo,mga bobitang babae na pokpok jan at mga taong tanga!!!wahahah

  3. SANA MA CLEAR NI OSANG ITO,,MAGALING SYANG ACTRESS,…SHES ONE OF THE PRETTIEST FACE PA,GNDA NG FACE AT KUTIS,,KAY LANG SANA NASA EDAD NA SYA PARA SI PA AYUSIN ANG BUHAY NYA,,GUSTO NAMAN SYA NG TAO E,,KASE NGA MAY MASS APIL TALAGA SI OSANG,,,KAYA LANG SANA DI TRUE ANG ISYU NA ITO,,UNLESS NA MAGSASALITA ITO,,,,PLS,,CLEAR URE NAME OSANG,,

  4. no wonder. eh si Rosanna yan eh. di na bago ang panggagago nyang taong yan. ewan k nga bkit binbigyan p yan ng trbho. sobrang sama ng ugali nyan.

  5. hahahha, tama ang mga comment about Willie, John, ang tunay na kaibigan tulad ni Richard Gomez, kahit saan ka mapunta bestfriend pa rin hindi tulad ng hinayupak na Willie na yan…

    • Agree, hindi kailangan selfish ang friendship at hindi kailangan selfish ang tao dahil ang selfish attitude ang nakasira sa lahat kasi kung selfish ang tao, ang sarili lang nito ang inintindi at wala itong pakialam sa ibang bagay around him.

  6. Hoy Ruben, there must be a reason why john and randy preferred to go back to ABS-CBN than work with Willie hambog. They've worked together for years until their noontime show (MTB) got axed at kilala na nila ang ugali ng isat-isa. Siguro alam ng dalawa na maghahari-harian si willie hambog dahil co-producer siya ng WW. hindi pa ba ninyo kilala si willie hangga ngayon o nabubulagan lang kayo dahil sa pera niya? Kung ako naman si john, kiber ko kung hindi siya mag ninong sa kasal ko. Baka nga tunawin ko na lang ang kandila kesa isoli ko ito sa kanya eh.

      • Ako rin, i like Sundyegan's comment about melting the candle on purpose rather than giving it back to Willie, VERY CLEVER Sundyegan. LOVE IT!!!!!!!

      • hambog talaga tong si willie. palibasa lahat nang ginawa nya sinusumbat nya, even on the air. grabe wala talagang utang na loob. pati ang pagkakaibigan nila john and willie sinasangkot pa nya. hmmph anyway alam nila john estrada, randy santiago, and richard gomez na when they move back to abs-cbn, they know for sure na secure ang kanilang career doon. ever since naman diba. babalik at babalik din ang mga artista sa kanilang pinang galingan. but for willie, hindi na tatanggapin yan ng dos kahit mag makaawa pa yan. punyetang yan! mabulok sana sya sa TV5. hindi naman nag rarate ang show nya. hindi credible ang source. nung kinocommercial nila ung pag #1 nang willie willie, i cant even see kung anong source nila kinuha yon. anyway goodluck sayo willie hambog!

Leave a Reply

Your email address will not be published.