Rosanna Roces, na-censor sa pagbanat kay Bong Revilla! – Morly Alinio

Marami ang nagtataas ng kilay sa magaganap na kasalang Korina Sanchez-Senator Mar Roxas matapos na sabihin ng mga ito na walang reception na mangyayari sa kanilang wedding.

Ang katuwiran ng future husband and wife, ido-donate na lang nila sa Red Cross ang perang gagamitin sa handa, para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng. Sinabi ng mag-asawa na hindi makabuluhang gumastos sila ng marangyang kasalan kung marami naman tayong kababayang nagdarahop.

“Naku, tigilan nga nila ang drama nila, ‘no. Minsan lang dumating sa buhay ng mag-asawa ang kasal tapos ido-donate pa nila ‘yung perang gagamitin nila sa reception. Malinaw na gusto lang kunin ni Senator Mar ang simpatiya ng mga tao,” pahayag ng isang taong nakausap namin.

“Actually, desisyon nila kung ayaw nilang maghanda sa wedding nila pero sana huwag na lang nilang gamitin ang pag-iisang dibdib nila para sa political career,” dagdag ng aming kausap.

[ad#post-ad-box]

Kontrobersiyal ngayon ang programang Juicy ng TV 5 na mapapanood mula Lunes-Biyernes, 11:30-12:00 (tanghali at gabi) dahil sa ginawang disapproval ng MTRCB sa Monday episode ng show nina IC Mendoza at Alex Gonzaga. Ang dahilan ay si Rosanna Roces, matapos na “wasakin at durugin” ang Revilla family. Marami kasing pinakawalang “lason” si Osang laban kay Senator Bong at kay Lani Mercado.

Sa taping pa lang ng interbyu ni Osang, napapanganga na ang mga taong nasa loob ng studio kaya ganu’n na lang ang ibinigay na extra care sa pag-e-edit ng nasabing epidose, pero sad to say, hindi pinayagan ng MTRCB na ipalabas ang nasabing programa kaya napilitang mag-replay ang Juicy noong Lunes.

Nakakikilabot ang mga binitiwang salita ni Osang laban sa mga Revilla na kung isusulat naming lahat sa kolum na ito, baka masangkot pa kami sa libelo kaya mas minabuti naming huwag na lang.

Ayaw nang magbigay-komento ng mag-asawang Lani at Bong sa kung anuman ang mga pinakawalang litanya ng dating sexy atress. Mas marami pa raw silang mabubuting magagawa kaysa patulan ang mga taong wala naman daw maidudulot na mabuti.

Tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Sam Milby at Anne Curtis kung saan, isang promo girl ang papel ni Anne samantalang isang Psych professor naman si Sam.

“Actually, matagal din kaming walang communication ni Sam since mag-break kami,” say ni Anne na nagsabi ring almost one year din siyang hindi nakapag-move on sa split nila ni Sam.

Aminado si Anne na maraming cherished moments ang hindi niya makalilimutan noong mga panahong sila pa ni Sam. “Ang sarap kasing maging girlfriend niya dahil mararamdaman mong mahal ka niya talaga.”

Sinabi ni Anne na kung meron mang lalaki na naging bahagi ng kanyang buhay na nanaisin niyang mahalin muli, si Sam iyon. “Mabait kasi siya, at ease ako ‘pag siya ang kasama ko.”

Inamin ni Anne na madalas silang magkasama ngayon ni Sam pero hindi ibig sabihin, nagkabalikan na sila. “Never kong kino-close ang door ko sa possibility ng balikan pero so far, magkaibigan lang po talaga kami ngayon.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

13 thoughts on “Rosanna Roces, na-censor sa pagbanat kay Bong Revilla! – Morly Alinio

  1. View: Full | Compact

    * My Notes
    * Notes About Me
    * Drafts

    CRISTY FERMIN ….PERA NA LANG BA ANG MAHALAGA???
    Share
    Yesterday at 8:05pm | Edit Note | Delete

    Magmula nung magbuntis ang anak ko eh naging nag iisang tagapagtanggol ko ang taong to. ika nga nya..ANAK PAG IKAW ANG BINIBIRA PARA AKONG PIGSA..DI KA PA KINAKANTI , PUMUPUTOK NA! . Pati hanggang sa pinakakatago kong sekreto…papeles ..mga dokumento na mahalaga sa aking buhay ay sa kanya ko pinatago nung kasagsagan ng hiwalayan namin mag asawa. Kasal kasi si tito sa iba at ako pa ang nag pa annul nun. ang papeles na ito at ang papepeles ng null and void na kasal ko ay nasa kanya pa hanggang ngayon. Sukdulan ang galit nga nun lalo na ke lani. i ku qoute ko sya ” ang galit ko dyan parang pinanganak ako na galit na kaluluwa ko dyan!” ganun katindi. Hanggang sa birahin nya ng todo ang mag asawa nung malaman nito na ang sinabi yata ni bong sa byenan ni Ynah eh..iwasan mo ang mga reporter na yan..ka kwartahan ka lang nyan! matinding upakan yun…film festival ng paninira ni Cristy at mga ka kulto nito ang pagbira sa mag anak. masid masid lang ako. Hanggang isang araw na ospital ang kanyang ina. Nagpakumbabang pumunta si lani at nagkapatawaran ( o nagkabayaran) kuno.

    Ngayon ako naman tinitira nya??? anu na naman ba???? pinipitik mo nam naman ang mga anak anak mo pag mali sila?? yan lagi mong palusot..pero minsan dagok na ginagawa mo eh! at dios lang maaring pumitik sa tao pag nagkakamali sila.

    Matagal tagal mo din akong binira sa mga paratang bna di mo man lang inalam kung totoo o hindi. pero keber.. NUNG BINASURA KA NG DOS…..SINO NAGPUNTA AGAD SA YO NA PARA BANG WALANG NANGYARI.. di ba ako?? nag pose pa ko sa gallery mo ng nude kahit ayaw ko sabay abot mo ng 20k? ok lang yun ganun naman tayo sa showbiz tulungan…Pero akala ko di nababayaran ang prinsipyo mo. Sabi mo nga..di baleng walang makain..Basta ang tao me RESPETO SA YO.

    AKala ko nun bugso lang ng galit mo ke nadia montenegro ang nag udyok para sabihin mo ang ang katagang.. KUNG NAGING ANAK KITA..SANGGOL KA PA LANG PINISIL KO NA ILONG MO NG DI KA NA MABUHAY! hindi pala. peke pala lahat ng pinakita mo sa amin ng mga bata. wala kang pahalaga sa nararamdaman ko bilang lola…gayung lola ka na rin. at ok lang sa yo na makitang nanununtok si budoy kesa mangulot?? katwiran ba yun ng matinong tao…eh kung nagkataon yung apo mo sinapak ni budoy..malamng magagalit ka sa makikita mo. Dahil alam mo namang di ganun yung bata.

    at least ikaw na rin nagturo sa kin nito..ang maging boses..ang madinig ng masa ang hinaing sa papamagitan ng kalayaan sa pagsusulat. Maaring wala akong peryodikong pinagsusulatan. pero mas makapangyarihan ang blog tandaan mo yan ..Yan ang nagpatalsik sa yo. yun nga lang di sila attack and collect. Magkano po ba ang halaga ng bawat takatak ng makinilya mo??? bigla kayang mawala ang apo mo sa yo?? baka maloka ka?? wala ka ng trabaho mawawala pa ang inspirasyon mong mabuhay at maghanap nuhay. ayoko namang magalit sa yo… kasi sa inaraw araw na ginawa ng dios..eh sapat na ang bawat mga komentong nagtataglay ng higit pa sa pagdura sa mukha mo ang nababasa ko sa bawat isulat mo.

    Minsan hindi porke nakatatanda ka tama ka……konting pagpitak ng ilang mapanirang salita di mo alam..maraming kalooban ang sumama. at ikaw ang magdadala nun. ANG BUHAY TANDAAN MO WALANG KATAPUSANG PAG AARAL AT PAKIKIBAKA ..WAG KA MAKUNTENTO SA SALAPI…IBA PA RIN ANG NAGAGAWA NG “PAKIKISAMA” .

    INAALIHAN na naman yata ng kung ano si Rosanna Roces, kaya ganu’n na lang kung pagtripan niya ngayon sina Senador Bong Revilla at Lani Mercado. Kunsabagay ay hindi na naman bago ito, matagal na niyang inuupakan ang mag-asawang wala namang ginagawang masama sa kanya. Ang tanong lang ay ano na naman kaya ang nakain ng taong ito at naging abala na naman siya sa paninira sa mga Revilla?

    Sa kanyang Facebook ay kung anu-anong pang-uupak sa mag-asawa ang inilalagay niya, kaya ang komento naman ng mga nakakausap namin, “Mabuti pa nga ang book at may face, si Rosanna, wala!”

    Isa lang ang ibig sabihin nito, ang mga tao talagang walang ginagawa at magawa sa buhay ay kung anu-ano ang nagagawang hindi kaaya-aya, tulad ni Osang na napakahaba ng panahong nakatanghod lang siya kaya panay ang bira sa mga taong abalang-abala.

    Cristy Per Minute
    by Cristy Fermin

    justine says:
    October 18, 2009 at 11:56 am

    Napansin ko rin… dati parang guardian angel ni Osang Roces itong si Cristy F. …bakit ngayon biglang kambyo siya at naging tagapagtanggol bigla nina Bong at Lani Revilla. WHY?

    #
    chrispaul says:
    October 17, 2009 at 9:53 pm

    Dati panay tira ni Cristy kay Bong at Lanie, nung nabigyan na ng kwarta si Cristy biglang naging abogado na sya agad ng mga Revilla..
    Reply
    #
    chrispaul says:
    October 17, 2009 at 9:51 pm

    Cristy, sumali ka na lang sa HOLE IN THE WALL para malunod ka!
    Reply
    #
    lolitfermin says:
    October 17, 2009 at 12:50 pm

    Can you please don’t post Tiago’s, because his words are inappropriate and irritating, his mouth is like septic tank.

    AT LEAST AKO DI PA NATATAWAG NA LUCIFERMIN…BAYARAN….MAARING MAINGAY AKO..PERO GANUN TALAGA PAG TOTOO ANG SINASABI..MASAKIT SA TENGA!
    Updated 14 hours ago · Comment · Like / Unlike
    Liryc Paolo Dela Cruz likes this.
    View all 18 comments
    MsTokneneng Moh
    MsTokneneng Moh
    niii sa umpisa pa lang wla na akong tiwala sa matandang yan…sa sandaling ipikit nya ang mga mata niya muka na syang”NOW SHOWING”..wala lang para lang siyang natutulog..hahaha
    about an hour ago · Delete
    Rosanna Roces
    Rosanna Roces
    eh tarantadong pinoy nga eh dapat dyan tatadyakan ng me konting habag.
    22 minutes ago · Delete
    Write a comment…
    MTRCB DISSAPPROVE TO AIR ROSANNA ROCES GUESTING ON JUICY ( fr pinoy parazzi today)
    Share
    Wednesday, October 14, 2009 at 3:42am | Edit Note | Delete

    Kontrobersiyal ngayon ang programang Juicy ng TV 5 na mapapanood mula Lunes-Biyernes, 11:30-12:00 (tanghali at gabi) dahil sa ginawang disapproval ng MTRCB sa Monday episode ng show nina IC Mendoza at Alex Gonzaga. Ang dahilan ay si Rosanna Roces, matapos na “wasakin at durugin” ( DI BA BUHAY NAMIN ANG WINASAK AT DINUROG NILA??? MULA NG KUMANDIDATO YANG SENATOR AT PINAG TAGO ANAK KO,,NAG KANDA LETSE LETSE NA KAME! ) ang Revilla family. Marami kasing pinakawalang “lason” si Osang laban kay Senator Bong at kay Lani Mercado.( ABA NAMAN DI NAMAN NILA KO PALAMUNIN KAYA KAHIT ANO PWEDE KONG SABIHIN LALO NA KUNG TOTOO!!)

    Sa taping pa lang ng interbyu ni Osang, napapanganga na ang mga taong nasa loob ng studio kaya ganu’n na lang ang ibinigay na extra care sa pag-e-edit ng nasabing epidose, pero sad to say, hindi pinayagan ng MTRCB ( HMMM BAKIT KAYA?? TAKOT KAYO SA SENATOR NA NAGBUBUTAS LANG NG BANGKO?? O TAKOT KAYO SA BANGAW?? )Na ipalabas ang nasabing programa kaya napilitang mag-replay ang Juicy noong Lunes.

    Nakakikilabot ang mga binitiwang salita ni Osang laban sa mga Revilla na kung isusulat naming lahat sa kolum na ito, baka masangkot pa kami sa libelo(( THE GREATER THE TRUTH ..THE GREATER THE LIBEL….) kaya mas minabuti naming huwag na lang

    .( WAG KA MADUWAG MORLY PERA NG TAUMBAYAN NAGPAPAYAMAN SA KANILA! ..FREEDOM DEAR ..YAN LANG ANG KAYAMAN NATIN ALSO DONT FEAR ANYONE OR ANYBODY..REMEMBER..DAVID N GOLIATH. AND THE TRUTH SHALL SET YOU FREE
    AKO NA LANG KAYA MAGSULAT..LIBEL LANG YUN..SILA NGA SINIRA NILA BUHAY NG ANAK KO )

    Ayaw nang magbigay-komento ng mag-asawang Lani at Bong sa kung anuman ang mga pinakawalang litanya ng dating sexy atress. Mas marami pa raw silang mabubuting magagawa( HA?? ANO ANOOOH??) kaysa patulan ang mga taong( INAPI NYO .??? TINANGGALAN NG MUKHA SA HARAP NG PUBLIKO?? ..SINIRA BUHAY NG ANAK NG NAPAKARAMING TAO?? ) wala naman daw maidudulot na mabuti.
    ( WALANG MABUTING MAGAWA?? BAKIT KAYO BA MERON? MULA TATAY MO HANGGANG MGA ANAK MO..ME NAIDULOT BA KAYONG MABUTI SA KAPWA?? PINSALA MADAMI!!) ALANGYA DI BALE NA WALANG MAGAWA KESA GAWA NG GAWA NG BATA..AT PANAY KATARANTADUHAN ANG ALAM!

    Comments (1)

    1.
    lorna says:
    October 14, 2009 at 1:23 am

    Whatever Osang has to say, the public has the right to know. Kung kasuhan siya nang libel, nasa kanila na iyon. Sana hindi nabayaran ang ilan sa miyembro nang MTRCB para huwag ipalabas ang lahat nang pagbubulgar ni Osang. Kailangang lawakan nating mga pilipino ang ating pagiisip at huwag laging pinapanigan ang mga malalakas. How do we combat graft and corruption if we always close our eyes and look the other way.

    ( RIGHT IN THEIR FACES!! WHOEVER YOU ARE ..THANK YOU) at least your not suffering from mass hypnosis like 90 % odf the population..who believes everything they read and see on TV.

  2. Ano naman ang maasahan mo sa isang trash na kagaya ni Rosanna Roces, sayang may chance na sana siya magpakatino, pinili nya pa ring maging mababa, ang pagiging babaero ng lalake cancer na ng lipunan lalo na sa may pera, eh kung ultimo nga kargador, tricycle driver may kulasisi, sus, as for Lani naman eh ano kung snub siya or suplada, as long as wala syang inaapakang tao eh sa ganun siya talaga, at least hindi siya bastos at walang modo.

    • cancer na nga ng lipunan so dapat nde na ginagawa ng mga matataas na pulitiko.

      si lani, walang inaapakang tao?? sigurado ka??

      punta ka cavite, para malaman mo…hehehe

    • Either nabubulagbulagan ka o kamaganak ka dahil ipinagtatanggol mo ang mga useless na ito na wala namang nagawa para sa bayan. At kung inaapakan rin ang paguusapan, tanungin mo ang mga kabitenyo. OO nga pala, bakit hindi nila sabihin kay Strike Revilla na magbayad nang utang? Bakit, ubos na ba ang kaban na pagkukunan at hindi makabayad?

  3. Dapat ipalabas un interview kay Osang. For me, its our right to know di ba Senador si Bong. Kaya kailangan natin malaman ang katotohanan

  4. Sana matalo si BOng at Lani sa eleksyon. Tuta, Traidor at Balimbing un eh. Sobrang Babaero pa kaya, nakakarma ung anak nya eh.

    Nang gugulpi pa ng katulong ung kapatid nya.

    hayyy…wag natin iboto toh!!!

  5. itong baklang toh, pakialamero… kung ituloy ang engrandeng reception, eh ano isusulat mo? mga walang puso… kasi napakaengrande ng reception kahit maraming taong nagugutom dahil sa bagyo.. naturingan pa nmn na candidate c mar for v-pres… ano ka bah… kng makapagbigay ka ng 3milyon, bibilib ako sayo.. watever their motive is, basta may nakakakain dahil sa binigay nila, ok na rin yun…. basta nakatulong.. bitter ka ba dahil wala kang 3milyon na pang reception lang?hahaha

  6. hindi ko rin gusto ang mga revilla clan pero sana ay tigilan na ni osang ang pagpapaka-kontrobersya. lalo lang siyang nagiging kontra-bida.

    • i agree hindi ko din gus2 ang revilla lalo na c lanie blita kc sa cavite na may ugali e2 plastik pero c osang walang delicadeza hindi nya matikom ang bibig nya pra sa kanyang apo ang gulo ng buhay ng babaeng to pti mga anak niya damay na rin..

      ay sus ituloy o hindi ang reception meron paring sasabihin ang tao kung sabihin man nilang nmumulitika at least mkkatulong sa marami, eh ngayon panay panay ang comml ni chiz escudero gaano kalaki ang bayad dun eh lugmok sa khirapan ang karamihang pinoy ngayon..

  7. hndi ko maintindihan ang utak ng mga tao kung minsan.
    kapag itinuloy ang engrandeng reception, babatikusin ng nakakarami at sasabihing hndi naayon sa panahon dhil maraming kababayan natin ang nsalanta.
    ngyong idodonate na nina mar at korina ang gagastusin nila, me pagbabatikos pa din.
    dapat sana e2ng mga detractors na e2 eh mag-isip muna.
    matagal ng pinagplanuhan ang kasal na e2 at wala pa yang mga kalamidad na yan.
    hndi biro ang pagpaparaya ng magsing-irog na e2 dhil un lang ang pagkakataon sa tanang buhay nila na magaganap ang isang bagay na isang beses sa buhay ng tao.
    kaya, dun sa mga bumabatikos, tumulong na lang kau sa mga taong naperwisyo at hwag kau ang mamerwisyo.

  8. Whatever Osang has to say, the public has the right to know. Kung kasuhan siya nang libel, nasa kanila na iyon. Sana hindi nabayaran ang ilan sa miyembro nang MTRCB para huwag ipalabas ang lahat nang pagbubulgar ni Osang. Kailangang lawakan nating mga pilipino ang ating pagiisip at huwag laging pinapanigan ang mga malalakas. How do we combat graft and corruption if we always close our eyes and look the other way.

Leave a Reply

Your email address will not be published.