Rosanna Roces, lulong sa casino?!

MABUTI NAMAN AT humarap si Jose Manalo sa press nang magkaroon ng presscon ng pelikula ni Vic Sotto na Love on Line (LOL) na katambal niya dito si Paula Taylor.

Kuwento nga ni Jose nang in-interview ito ng Startalk, kagagaling lang daw niya nun sa hearing ng kasong hinaharap ngayon ng asawa niya.

Lumaki na kasi itong gulo na pinasok ng asawa niya at nadamay si Jose dahil siya ang kilala eh.

Kaya nag-decide na lang ang komedyante na mag-leave muna sa Eat Bulaga. Nadadamay na raw kasi ang Eat Bulaga pati ang ibang mga kasamahan niya doon na wala namang kinalaman sa problemang pinasok niya.

Sobrang apektado na si Jose pati ang buong pamilya dahil grabe na raw ang panggugulo sa kanila na hanggang sa GMA- 7 at pati nga sa Bulaga ay merong nagra-rally laban sa kanya.

Ang ikinalungkot lang ni Jose, bakit ganu’n na lang ang panghihiya ang ginagawa sa kanya, eh hindi naman daw nila ito tinatalikuran.

Nasa korte na ito at hinaharap naman nila, sana hayaan na lang ang korte ang magdesisyon nito at huwag ‘yung pati sa bahay niya at sa mga comedy bar na pinagsu-show niya ay sinusugod siya roon at pinapahiya.

Naiiyak na nga si Jose kapag kinukuwento niyang sa harap niya mismo kapag nagsu-show ay merong sumisigaw sa kanya ng kung anu-ano basta maiskandalo lang. Nagpapasalamat na lang siya, marami pa ring mga taong sumusuporta at naniniwala sa kanya.

Bukod pa diyan, may mga death threat pa raw silang natatanggap pero hindi naman natatakot dito si Jose dahil naniniwala itong nandiyan ang Diyos na alam ang buong katotohanan at nagpoprotekta sa kanila.

Pati nga mga anak nila ay sobrang apektado na ayaw na raw sanang mag-aral. Pero lagi raw niya itong pinapaliwanagan na huwag silang sumuko at buo silang haharapin ang problemang ito.

Hindi pa alam ni Jose kung kailan siya babalik ng Eat Bulaga, pero tiyak na babalik raw siya dahil malaki ang utang na loob niya sa programang ito at sa mga taong nakatrabaho niya.

Nakakalungkot nga ang kuwento niyang gumigising daw siya kapag tapos na ang Bulaga para hindi raw niya ito mapanood, Sobrang nasasaktan siya kapag pinapanood niya ito sa TV na hindi siya kasali.

Nakakaiyak ang kuwentong ito ni Jose na mapanood nyo ng buo ang interview namin sa kanya sa Startalk.

May nagparating sa amin na kuwentong nalululong daw ngayon casino si Rosanna Roces?

Ewan ko kung totoo dahil nagtataka naman ako, saan siya kukuha ng pang-casino niya?

Hindi naman siguro ganu’n kalaki ang kinikita niya sa mga indie movie na ginagawa niya.

Kaya nagpuputak na naman ito kina Jolo Revilla dahil wala siyang makuhanan ng datung para gastusin niya? Kina Jolo na kasi si Gab at maayos ang kalagayan doon ng bata.

Kung makapagsalita ang babaeng ito, akala mo mapapalaki niya nang maayos ang bata, eh, kung anu-anong kalokohaan ang tinuturo nito.

May inilagay pa raw ito sa Facebook niya na nakangarat si Gab? Inilabas ito sa PEP na kuha sa Facebook niya. Iyan ba ang klaseng lola na pagkatiwalaan mong mapalaki nang matino ang bata?

Hindi na lang pinapatulan nina Bong at Lani pati si Jolo ang mga pinagsasabi niya dahil wala namang naniniwala sa kanya.

Kaya manahimik na lang siya, Kung gusto niyang sirain ang buhay niya, mag-isa siya! Huwag na niyang idamay ang apo niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Rosanna Roces, lulong sa casino?!

  1. manay lolit, araw-araw eh me pagpuna ka sa mga isinusulat mo. matanda ka na, wag mong dalhin ang pagkasuklam kaninuman sa pagtanda mo. magbago ka na at magsabi ka naman ng katotohanan.
    sa sampung sinabi mo cguro eh walo lang ang tama.

  2. Palamunin ka kasi nang mga Revilla. Ipinagtatanggol mo maski mali. Hindi ba ikaw ang unang nakisawsaw nang magkaroon nang issue na inisnab ni Lani si Ruffa G? Sabi nga ni Ruffa -She left my lips hanging in the air- Medyo nabawasan siguro ang kaban nang si Vicki Belo ay bumaliktad sa iyo. Ngayon, balik Revilla ka.

    • talaga naman na mukhang pera si osang eh! laos na laos na kasi siya kaya gumagawa siya ng paraan para siya ay mapagusapan. How time flies, kung nuon ay sikat na sikat siya, ngayon ay kabaligtaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published.