Rosanna Roces, isinambulat na ang nakaraan nila ni Ted Failon!

NAGING MALAKING USAPAN sa mundo ng showbiz ang pahayag ni Mo Twister ukol sa mga sinabi ni Rosanna Roces sa kanyang podcast noon tungkol sa mga hindi makakalimutang relasyon ni Osang.

Ayon pa diumano kay Osang, si Ted Failon daw ang hindi niya makakalimutang lalaki sa buhay niya. Pero naging mailap na ang Sa Ngalan ng Ina star at hindi na nakuhanan pa ng paliwanag simula nang pumutok ang isyu.

Noong linggo sa Paparazzi Showbiz Exposed, inihayag ni Osang ang katotohanan dito sa interview ni Dolly Anne Carvajal. Ayon pa sa kanya, “Hindi naman, wala pa naman sa ano ‘yun, eh. Tsaka bata pa ako nu’n 20, nanligaw naman, hindi basta ano, one night stand… hindi, napaka-gentleman [ni Ted].”

Love kaya ang kanilang naramdaman noon sa isa’t isa?

Pag-ibig daw talaga ‘yun, ayon pa kay Rosanna kaso naunsiyami dahil, “Hindi lang natuloy, kasi nag-asawa na ako.”

O ayan, ha? Malinaw na mga ka-Parazzi, pag-ibig na naunsiyami ang namagitan sa kanila noong mga teenagers pa sina Ted at Rosanna!

 

SA ISANG EVENT na aming dinaluhan kamakailan lang, nagulat sina Angel Locsin at Phil Younghusband sa tsikang muntikan na daw silang maghiwalay sa ‘more than friends’ status nilang relasyon. Nangyari raw ito noong kasalukuyang lamay ng ina ni Phil.

Pero ayon kay Angel, walang katotohanan ang lahat ng ‘yun. Masyado raw silang abala sa kani-kanilang career kaya hindi pumasok sa relasyon nila ang ganu’ng hiwalayan. Busy si Phil sa football at si Angel naman ay nagsimula nang mag-shoot para sa palikulang pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz.

 

BLIND ITEM: KINSA Siya? ilang linggo na ang nakakaraan nang may mag-post sa aming Facebook account ng isang blind item tungkol sa diumano’y young actress na rumaket sa pamamagitan ng pagpapabayad tuwing may nagpapa-picture sa kanya.

Ang siste ng aming Facebook friend, isang linggo ng hapon sa isang maliit na mall sa may Caloocan, may isang tumpok daw ng mga tao ang nagkagulo sa isang tabi ng mall. Nakiusyoso itong aming fb friend at nakita niya si young actress na pinagkaguluhan ng iilang nandu’n at may mga picture-picture na naganap.

Gusto nang aming fb friend na magpa-picture, pero nagulat siya na may nangongolekta ng P200 bago raw ito makapag-pose at makapagpa-picture sa young actress.

Ikinadismaya daw ito nang aming fb friend. Mas okay raw sanang mag-pay siya kung ang ina man lang nito ang nandu’n na feel niyang mas maganda at mas may-appeal pa sa young actress. Ganu’n! Andiyan na ang clue, ha?!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

12 thoughts on “Rosanna Roces, isinambulat na ang nakaraan nila ni Ted Failon!

  1. bravo osang ang galing mo sa ngalan ng ina number one sa rating. ang ganda ganda ng show niyo ni ate guy pang bestactress kayong dalawa..MABUHAY KA ATE GUY AND OSANG SA NGLAN NGINA WITH 45 commercials every day bongga kayo.. top sa rating mula sa puso ng mga tao..yan ang tunay na rating sangkaterbang commercials..
    ..

  2. Ay naku OSANG hindi na puede ang gimmik mo… para lang mag rate ang teleserye mo? Hindi naman nag rerate.. kasi nagsasawa na ang mga tao sa mga gimmick ninyo.

  3. Naunsyami pero hindi makakalimutan? baka naman prumeno lang tong si Osang at natauhan na isang malaking iskandalo na naman ang papasukin nya pag nagtuloy tuloy sya sa dapat nyang sasabihin? Si Osang pa kailangan pa bang ligawan yan eh sya mismo lumalapit sa manok!

  4. Nakaraan n pla bkit gumagawa ng ingay c osang.gamitin ba si ted pra mpromote teleserye yan tuloy di pa rin ngrate.ang laos ay laos!

Leave a Reply

Your email address will not be published.