Rosanna Roces, ipinamana sa mga anak ang kawalan ng edukasyon?! – Ronnie Carrasco

KUNG TUTUUSIN, HINDI na bago ang ipinataw na suspension sa programang Showtime involving Rosanna Roces this time ng MTRCB. Ang nakakaloka lang, sampid lang si Osang sa programang ‘yon at nadamay ang mga taong walang kinalaman!

Osang’s blatant attack against the educational institution brings back memories of yore, ‘yun ‘yong mga panahong nasa Startalk pa ang hitad, during her glory days as a bold star-turned-dramatic actress kuno na masilipan ng talent sa pagho-host. But being talented and well-bred are two different things.

Tandang-tanda ko pa, bagama’t hindi binanggit ni Osang ang kanyang guro ay inilampaso niya sa ere ang paraan ng pagtuturo nito when enroled at an exclusive school for girls kung saan kamag-aral niya si Angel Aquino. For the record, Osang is not even a high-school graduate, kung saan sa Startalk din niya noon ipinagmalaki na hindi na kailangan pa ng edukasyon para magtagumpay ang isang tao sa buhay.

Pasado na sana ang kanyang personal na pananaw, baka nasabi niya ‘yon because she took the shortcut to fame and glory. Why arm herself nga naman with a formal education, gayong isang testimonial siya sa pagkakaroon ng masaganang buhay nang wala ito?

But what appeared worse, ito rin ang values na idinukdok niya sa kanyang mga anak na sina Onyok at Grace. Eh, sa ayaw raw mag-aral ng dalawa niyang anak, eh, ‘di huwag pilitin! Back then, ayokong isipin that these children hated going to school, kundi na-imbibe lang nila ang katuwiran ng kanilang ina, a non-believer of school.

Kung tutuusin, it was supposed to be a case, puwedeng kasuhan si Osang for depriving her children their constitutional right to education! Then came her slur against the academe in general, kung saan ang buong hanay na ng teaching profession ang umalma!

Kung ganito nga naman ang persepsiyon ni Osang na ipinakain niya sa kanyang mga anak, anong buti meron siya sa wastong pagtuturo sa kanyang mga apo in appreciating the value of education? Hindi ba’t ito ang maliwanag na inaalmahan ng kanyang mga balae, na huwag sanang matulad ang kanyang apo sa pulpol niyang katuwiran?

Samantala, mukhang nagkakaisip na si Gab, a.k.a Budoy, nu’ng mag-birthday ito kamakailan. Halos isumpa kasi ni Osang si Grace dahil ipinagkait nito ang bata nitong nakaraang holiday season.

Ang siste, when the lola and the apo were reunited, ayaw raw sumama ng bagets kay Osang! See?

ISA LANG SI Tito Gorgy Rula sa mga parokyano ni Sir George Salon along Timog Avenue. Doon na kasi lumipat ang kanyang favorite hairstylist-makeup artist na si Cesar Layno, one of the most sought-after beauty experts ng marami sa mga showbiz celebrities. Interested clients may call 3748471 or 09212237397.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

15 thoughts on “Rosanna Roces, ipinamana sa mga anak ang kawalan ng edukasyon?! – Ronnie Carrasco

  1. may kasabihan
    ang lata kapag walang laman maingay

    ang tao pwedeng ihambing sa tao

    kapag ang isang tao maingay at walang ginawa kundi mag ingay ibig sabihin walang laman

  2. ay, kaya siguro naging bold star si osang ay dahil boba rin siya kaya walang maiturong mabuti sa kanyang mga anak. kawawang budoy…

  3. hello,

    ETO NA NAMAN
    ANO BA TO?
    ANG PINOY AYAW MAGPADESIPLINA
    TINGNAN NYO NA LANG KAPLIGIRAN NATIN
    ANO NA BA NANGYARI SA PINAS
    WE ARE IN THE TOP BOTTOM
    NAKAKAHIYA NOH
    D BA?
    TANUNGING NYO SA MGA TEACHERS NYO YAN
    OR MAGMUNIMUNI KAYO SA MGA PUBLIC SKUL
    KUNG ANO GNAGAWA NG MGA TETSIR
    ANG MTRCB NA YAN UTAK DAGA AT UTAK KALAWANG
    SINO BA MGA BORD JAN D BA MGA MATATNDA NA
    MGA TSISMOSANG MATATANDA DIN
    KUNG IKAW AY ISANG TAONG HINDE MALISYOSO
    AT OPEN MINDED KA YOU DON’T PUT MEANING WHATEVER THAT PERSON SAYING IF IT IS NOT SERYOS
    LAHAT NAMAN SINASABI NI VICE GANDA PURO PANG OKRAY AT PANG JOKE LNG
    EH KUNG MALISYOS KA IBANG ANGD ATING SA YOU LIKE MTRCB DID
    SYEMPRE NA BWESIT C OSANG AKALA MO NAMAN NA PAREHONG LUGAR MISMO KAYO NG ATING HERO
    D MO ALAM MASKI KONTING HISTORY
    ALAM NAMAN NATIN D2 SA PINAS ANG MALIIT NA ISYO PINAPALAKI PA
    ANG DAMING ISYO DAPAT PAG TUUNAN NG MTRCB NA BULOK NA YAN
    EXAMPLE NA LNG ANG MGA FOREIGN FILMS NA USING SOME BAD WORDS TOO
    ANG MGA KABATAAN NGAYON AY ANG DALI MAKA ACCESS NG INFORMATION ESPECIALLY MERON CABLE TV
    SA MGA COMEDY SHOWS NA FOREIGN KUNG PAKINGGAN MO SINASABI NILA SOBRA NA TALAGA
    ANG MTRCB NA YAN BULOK
    SAYANG LNG ANG SINUSWELDO NATIN JAN
    PART NG ATIN TAX NAPUNTA SA WALNG KWENTANG MTRCB NA BULOK NA YAN

  4. Totoo rin naman kasi na maraming bobong teachers sa Pilipinas, no? Sana hindi sila paswelduhin ng gobyerno. lolz

    • nrgative ka naman sa mga teachers. ano ba ang bobo sau? kahit bobo ang ilang teachers na tulad ng sinasabi mo may natutunan din ang ang mga kabataan. ikaw, sino bang nagturo sau? bobo ka rin ba?

  5. It’s okay to voice out your opinion when its credible. Osang is ignorant and very hateful. Instead of encouraging the youth to strive and be thankful to the teachers for there effort, she judged them instead. I guess if you have a narrow minded that’s the way you see things in life. I’m a parent too. I definitely teach my kids to be appreciative.

  6. only in the philippines – mag-rarally kapag akala na binabawasan ang freedom of speech/press. kapag ang isang tao, like osang will speak her mind, kakastiguhin. ang pinoy – sala sa init, sala sa lamig. hehehe. in fairness to osang, she is just practicing her freedom to say what she wants. thats her own mind/opinion. kahit hindi maganda nasabi nya, pero alam ng maraming teachers jan pinas na me halong totoo ang sinabi ni osang…. katawa talaga ng utak ng pinoy… hehehehe

    • oo nga parang ikaw din na pilit naghahanap ng katuwiran o justification sa mga sinabi at ginagawa pa ni osang. kaya lang naman nakilala yan dahil ipinagduldulan nya ang mabaho nyang karne sa telon, sa print at sa lahat ng mga masamang babasahin di ba, sa barya o malaking pera na galing sa kalaswaan at kaimoralan yung sinasabi nyang shortcut to fame. dhil yun nga ang keps ang ginamit na habang tumitirik ang mata sa sarap hawak ang kabayaran sa mga palad.

      Totoo na may freedom of speech tayo kaya lang masyadong sobra at lumalampas tayo sa magandang kaugaliaan at sa freedom of speech na yan ay may kaakibat din responsibilidad. Mag ngangawa ka ng mag ngawa ok lang pero dapat wala kang masasagasaan dahil yung iba ay may freedom din umalma.

      kaya yung pag justify mo kay osang na may mga teachers na pasaway din (pero hindi marami) ay talagang totoo pero kami kung ayaw mong maging pinoy na katawa tawa then itakwil mo ang sarili mo bilang pinoy at totally i detach mo ang sarili mo sa pilipinas. hindi mo ba alam yan ang ikinaganda ng mga pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.