Rosanna Roces, instrumento sa pagbabagong-buhay ang lesbian partner

Rosanna Roces and Blessy Arias

Rosanna Roces and Blessy Arias

Sa ikalawang pagkakataon ay ikakasal uli si Rosanna Roces, but wait, not to a man kundi sa kanyang lesbian partner named Blessy Arias.

Sa Canada balak mag-exchange ng I do’s ang dalawa who were first married in Aglipayan rites.

Sa nakaraang guesting ni Osang sa Tonight with Boy Abunda ini-reveal ang balitang ito, about the same time na nagdulot ng outrage sa LGBT community ang naging pahayag ni Manny Pacquiao.  Du’n sinabi ni  Osang na sa wakas ay natagpuan na niya ang tunay na kaligayahan sa kanyang buhay.

Kung si Blessy na nga ang naging instrumento sa pagbabagong-buhay ni Osang, then we’re happy for the semi-retired actress. We can only pin our hopes na sana nga’y tuluy-tuloy na ang pagbabago ni Osang without getting sidetracked anymore sa mga gawaing naging dahilan tuloy ng nasirang career, and even her broken family.

Balitang nagpagawa sila ni Blessy ng bahay. Kung dito man ‘yon o sa Canada is a good sign that Osang is slowly taking from where she left.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.