Rosanna Roces, iniyakan ang pagiging kontra-bida ni Nora Aunor sa serye!

MAHABA-HABA ANG NAGING usapan namin ni Osang during the story conference of Sa Ngalan ng Ina (SNNI), kung saan inamin niyang maluha-luha siya nu’ng malaman niyang siya na nga ang gaganap na kontrabida sa seryeng pagbibidahan ni Nora Aunor.

Ayon pa sa kanya, bali-balitang ang da-ming nagparamdam, makasama lamang si Ate Guy pero ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang maikonsidera siya sa role na magpapainit sa mga eksena sa SNNI. Naglalaba raw siya noon isang umaga nang biglang tumawag sa kanya ang isang kaibigang director na si Adolf Alix at ibinalita sa kanyang may tatawag sa kanya mula sa pamunuan ng TV5 upang kumpirmahin na bahagi na siya ng powerhouse casts ng serye.

Hindi raw siya naniwala noon at nagpatuloy lamang siya sa paglalaba hanggang sa tumawag na nga raw si Joan Banaga, ang business unit head nang SNNI at dito na siya talaga naniwala. Kahit daw binabato siya ng kaliwa’t kanang intriga ay nagpapasalamat siya na pinagkatiwalaan pa rin siya nang TV5.

Ang sabi pa nga ni Osang, “Kinakabahan ako, baka sa taping namin ay matutulala ako kapag kaeksena ko na siya, hindi na ako makaarte, baka panoorin ko na lang siya,” litanya pa ni Osang tungkol kay Ate Guy.

Sa story conference nga ng SNNI ipina-kilala na nga ang makakasama ng Superstar sa engrandeng mini-serye ng TV5. Isa sa mga kaabang-abang sa nasabing serye ay ang pagbabalik tambalan nina Guy at Christopher de Leon, ang ama ng kanyang anak na si Ian de Leon na kasama rin sa soap.

Bahagi rin ng casts sina Bembol Roco, Nadine Samonte, Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz, Karel Marquez, Alwyn Uytingco, Eula Caballero at si Rosanna.

Umiikot sa dalawang political family ang istorya na magkakaroon ng conflict nang ang isang ordinaryong maybahay ay tumugon sa hamon ng kanyang mga kababayan na suungin ang mundo ng pulitika.

Lahat ay excited na makasama ang nag-iisang Superstar kaya naman ayon pa sa mga younger casts, hindi na sila mapakali kung paano sila aarte kapag makaka-eksena na nila si Ate Guy. Good luck!

 

BLIND ITEM: HALOS maloka-loka kami sa kuwento ng isang kaibigan tungkol sa insidenteng pagpapa-istar ng lipas nang sexy comedienne na noong isang linggo lang nangyari.

Ang siste, piyesta ito sa isang malayong lugar ng Cavite. May ginanap na all-star show para sa ating mga kababayan sa nasabing bayan. Ayon pa sa aming kaibigan, mga alas-Otso ng gabi ay halos kumpleto na ang catsing ng kanilang mga invited guests sa piyesta. Marami na ring tao sa plaza na naghihintay sa mga artistang mula sa Maynila upang kanilang mapanood at makadaupang palad. Alas-diyes ng gabi, nagsisimula na ang show, isa-isa nang tinawag sa entablado ang mga guest performers at todo-hataw naman ito sa kanilang mga inihandang production numbers.

Tinawagan nang isa sa mga namumuno ng production ang sexy comedienne kung nasaan na ito pero hindi raw ito sumasagot at parang tulog pa. Tinawagan lahat ng organizer ang mga kasama sa bahay at PA ng komedyante upang gisingin ito dahil halos apat na oras ang lalakbayin papunta sa nasabing lugar mula sa Maynila.

Mga pasado alas-dose na ng hatinggabi ng tumawag ang komedyante sa organizer at nagsabing on the way na raw siya. Mga aalas-dos ng madaling-araw natapos na ang lahat ng mga performances pero ni anino ni sexy comedienne ay wala pa sa venue. Umalis na lamang ang organizer pati ang lahat ng mga artistang nag-perform, hindi pa nakarating si komedyana.

Sabi nang hitad na kausap namin, “Huwag n’yo nang kunin ‘yang si komedyanang ‘yan sa mga event kung ayaw n’yong sumakit ang ulo niyo. Fully-paid pa naman siya the day before.”

Dumating naman daw si komedyana mga alas-tres ng madaling-araw pero hindi na inalam pa ng aming kausap kung ano ang nangyari sa kanyang performance dahil inihabilin na lamang daw nila ito sa mga local organizers.

Clue, away-bati sa kanyang boyfriend ito noon at sila ang may hawak ng korona sa pagkakaroon ng isang malaswang cellphone video.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail: arnielcserato@gmail.com
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

12 thoughts on “Rosanna Roces, iniyakan ang pagiging kontra-bida ni Nora Aunor sa serye!

  1. ano ba yang palengkera na yan!? papansin na naman at nakiki-ride kay superstar?! magtigil ka nga rosanna laos ka na!!! punheta kah!

  2. buti nga nakikipagsabayan narin yung tv5 ehh..as in narerecognize na sila as one of the biggest networks in the country…and ano b aproblema niyo kay nora aunor? ano namn kung atanda na siya..at elat magaling pa ring artista..magwelga kayo pag pa tweetums pa ang role niya..hindi naman ehhh

  3. Ang tunay na magaling na artista na si Ms. NORA ay hindi kumukupas kahit anong panahon. Napakarami nang dumaan at naglaho, karamihan mababaw ang acting. Bakit hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ang kakaibang husay at artistry ni Nora ? Dahil hindi mapapantayan ninuman at hindi matatawaran ang mga obra at kasaysayan na naibahagi nya sa industriya kailanman. Yan ang TOTOO!

  4. naku!!! nalipasan na po ng panahon si nora aunor. marami na pong bago at mga batang artista. tiyak di magra-rate ito dahil wala namang maraming nanonood sa tv5. opinyon ko lang ito.

  5. Baguhin mo ang headline mo akala ko tuloy kontrabida na si Nora AUNOR sa mini serye na yan kundi si rosanna lang pala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.