Rosanna Roces, direktor na ng pelikula!

OLA CHIKA! BONGGACIOUS ang aming chikahan ng batang hunk model-actor na si Raymond Cabral. May ilan akong katanungang ayaw niyang sagutin, pero oks lang, dahil very open naman ang actor-model sa lahat ng bagay. (Ano raw?). Hahaha!

Nakakaloka ang 21-year old na si Raymond dahil game ito sa lahat. O, baka kung anong game ang iniisip n’yo, ha? I mean very professional ang model-actor na ito. Naging kasabayan ni Raymond si Aljur Abrenica sa Starstruck ng GMA-7. Ngayon, busy ang model-actor sa paggawa ng pelikula. Kamakailan, pinagbidahan niya ang pelikulang Tutok, kung saan tutok din ang kanyang katawan sa hubaran. Ay, naku! Nakakaloka! Hahaha!

Sa aming kuwentuhan, depende raw sa proyekto. Kung maganda, tatanggapin niya at handa siyang magpakita ng lahat-lahat sa pelikulang ‘yun. Aminado ang model-actor na naiilang siya, lalo na ‘pag may laplapan scene siya sa kapwa lalaki. Bongga, ha! Pero sa ngayon, hanggang butt exposure lang ang puwede niyang ipakita.

Dagdag pa niya, kung hindi lang na-edit ng MTRCB, makikita raw ang lahat ng kanyang buong kahubdan. Aray ko po! Nakakalerke!

Busy ngayon si Raymond sa pagra-ramp modelling, pero hindi niya maipagkakaila na may gusto siya sa actress na si Rhian Ramos, kung saan noon pa, type na niya ito. Bukod nga raw sa type niya si Rhian, type din siya ng mga kabadingan. Hahaha!

Buong tapang niyang inamin sa akin na hindi lang isa o dalawang ang nagpapahiwatig sa kanya, kundi marami. Ang iba, nag-aalok pa ng maraming pera, kotse at bahay. Naku, ha?! Indecent proposal nga raw ang halos natatanggap ni Raymond sa mga kabadingan na nagkakagusto sa kanya. Ang nakakaloka lang, nasa poder ito ng GMA-7, at take note, bigatin ang taong ito, kilala ito. Bongga, ‘di ba?

Hindi na pinangalanan ng actor kung sinu-sino ang mga ito. Chika pa niya, “Nakakainggit kung iisipin, perop wala akong tinanggap sa mga ‘yon. ‘Pag nagkikita kami, binabati ko na lang ng ‘Hi!’”

Sa ngayon, super busy siya sa pelikulang Baklas, kung saan malaking role ang kanyang gagampanan. Kaya abangan na lang.

MABABAKLAS KAYA ANG puso ni Raymond Cabral sa awayan nina Madam Auring at ng award-winning actress? Nakakaloka, ha?

Confirmed nga na si Raymond ang puno’t dulo ng awayan nina Madam Auring at ng award-winning actress, dahil napag-alaman kong may pagkakaunawaan na pala itong si Raymond at ang actress. Pero ang nakakaloka, umeksena ang bruhildang si Madam Auring, kung saan nagbitiw ito ng hindi magandang salita sa actress. Kaya nauwi sa wayan at hampasan ng make-up.

Marami ang naloka at nag-e-mail sa akin kung sino raw ang actress na ito. Naku, kilala ito! Kaya abangan sa susunod, kasi pangangalanan ko na siya rito mismo sa kolum ko. ‘Yun na!

WALA NA NGANG makapipigil sa dream ni Rosanna Roces na aging isang direktor, at ngayon ay nagkatotoo na. Sa wakas, masaya si osang sa bagong tinatahak ng kanyang landas, ang pagiging dirketora.

Isa nga kasi si Osang sa mga direktor ng pelikulang Baklas, kung saan power house ang cast. Totoo ito, napapaarte ako nang todo ni Osang nang kaya akong idirek sa pelikulang Baklas, dahil bukod sa very professional siya, nakakalerkeng magkamali, at nakakahiya sa kanya.

Ganu’ndin si Maricar Madrid, ibinigay na niya ang lahat ng kanyang acting nang sabay kaming idirek ni Osang. Lumabas ang pagiging natural namin, at take one lahat!

Nakakalokang magdirek si Osang, huh! Halos lahat ng sulok ng showbiz, inikot na niya, at ito ngang panghuli, nagdidirek na, ha! Ano kaya ang isa pa niyang dream? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Rosanna Roces, direktor na ng pelikula!

Leave a Reply

Your email address will not be published.