Rosanna Roces: `Di natuloy ang pagbubuntis, naagapan ang Mayoma! – Morly Alinio

LAST YEAR BAGO magpaalam ang taong 2009, masayang lihim kaming nagkakuwentuhan ni Rosanna Roces. Hindi ko isinulat sa aking mga kolum ang paksang two months siyang buntis dahil na rin sa pakiusap ng dating sexy actress. Marami siyang pangarap para sa kanyang dinadala. “Naku, Morly! Kapag lumabas na ito, hindi na ako mapagmamalakihan ni Grace (Adriano) dahil may sarili na akong Budoy,” sabi ni Osang.

“Noong ipagbuntis ko si Grace, masyado pa akong bata noon kaya maaga rin akong nakipaghiwalay sa tatay niya. Tapos nu’ng ipagbuntis ko naman si Onyok, natakot lang ako sa tatay nu’n, masyado pa kasi akong tatanga-tanga nu’n. Pero ngayon ‘day, itong dinadala ko ay masasabi mo talagang nabuo dahil sa pag ibig,” humahalakhak pang sabi ng dating sexy actress na kabaligtaran sa huli naming pag-uusap at palitan ng text.

Umaga iyon ng Wednesday nang makatanggap ako ng text mula kay Osang. Sabi sa text, samahan ko raw siya sa ospital dahil masakit ng kanyang tiyan. Sinagot ko na hindi ako puwede nu’ng araw na iyon na sinuklian niya ng “Sige, nandito naman si….(na ang tinutukoy niya ay ang kanyang kasalukuyang boyfriend na may magandang work).

Tapos nu’n, kinabukasan, nakatanggap uli ako ng text kay Osang, kung saan ay sinabi niyang Ectopic pregnancy ang nangyari sa kanya. “T*ng i*a! Ang lungkot ko, ‘day. Akala ko, buntis na ako. ‘Yun pala, buntis nga ako pero sa labas naman ng matris ko nagsumiksik ang bata.”

Bukod sa ectopic ay may nakuha ring dalawang malalaking dugo sa loob ng matres ni Osang. “Sabi ng doctor, mayoma ‘yun. Mabuti na lang at maagang nalaman dahil… Diyos ko, ‘day! Baka maaga akong matsugi sa earth,” biro pa sa amin ni Osang.
Malungkot si Osang dahil hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis. Masaya naman siya dahil maagang nalunasan ang mayoma sa kanyang katawan. “’Yung tungkol sa Showtime, e, ayoko na munang pag-usapan iyan. Basta masaya ako para sa kanila dahil napapanood na uli ito,” pakumbabang sabi pa ng aming kausap na dama naming may saya at lungkot sa binibitiwang pahayag.

“WALA PA AKONG masabi sa ngayon, eh. Kailangang malaman ko kung ano ang tunay na nangyari. ‘Pag malinaw na’ng lahat, tsaka na ko magsasalita. Dalangin ko lang na sana ay manaig ang tunay na katarungan. God Bless and mabuhay!” Iyon ang maikling mensahe ni Freddie Aguilar kaugnay sa sinasabing sangkot siya sa isyu ng kontrobersiyal na si Jason Ivler.

“Oo, hindi ko idinedenay na pamangkin ko siya. Pero ano naman ang dapat kong sabihin gayu’ng maging siya ay hindi pa nagsasalita ng para sa kanya?” Bungad na pahayag ni Freddie nang puntahan namin siya sa Ka Freddie Bar and Restaurant.
Ayon kay Freddie, totoong pinuntahan siya ng mga taga-NBI sa kanilang tahanan pero hindi raw siya nagawang hulihin ng mga ito na tulad sa mga naglabasang balita. “Bakit may warrant of arrest ba sila? Alam n’yo ayokong magsalita tungkol sa bagay na ito, dahil una wala pa akong alam. Pangalawa, hindi ko pa nakakausap ang aking pamangkin, so ano ang aking sasabihin?”

Inamin ni Freddie na maraming reporter na ang nagtangkang kausapin siya pero hindi siya makapagbigay ng komento dahil hindi pa malinaw sa kanya ng bawat himaymay ng detalye. “Ayoko namang maging dahilan ako ng mga bagay na hindi magiging maganda sa pamangkin ko. Pero ito ang sinasabi ko sa inyong lahat, kung totoong may kasalanan ang pamangkin kong si Ivler, sige parusahan n’yo siya. Pero hindi siya dapat batuhin ng mga pangit na salita lalo pa at hindi pa dinidinig ang kaso.”
Galit si Freddie, pero ayon sa kanya ay normal lang ang kanyang nararamdaman para sa pamangkin.” Kilala ko ang aking pamangkin kapag pumupunta ‘yan dito sa bar, tahimik lang siya. Kaya nga gulat na gulat ako sa mga naglalabasang balita.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Rosanna Roces: `Di natuloy ang pagbubuntis, naagapan ang Mayoma! – Morly Alinio

      • wag na kasi siyang umasa. overused na siya sa lahat ng aspeto ng pagkababae niya. gusto lang niyang may panghawakan sa ilusyon niyang boyfriend para ipanapat kay Bong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.