Rosanna Roces: Bong Revilla, kasumpa-sumpa! – Ronnie Carrasco

ANG DAPAT SANA’Y “Rosanna Roces Edition” ng programang Juicy nitong Lunes ay hindi umere, as the taped episode was disapproved by the MTRCB. Mukhang na-anticipate naman ito ng mga staff, paano ba naman, puro libelous ang mga salitang binitiwan ni Osang laban sa pamilya Revilla, mula kay Senator Bong, misis nitong si Lani Mercado at anak nilang si Jolo!

Ewan kung may Diyos pang natitira sa puso ni Osang, hindi na kinikilabutang isumpa ang mga Revilla na sana raw matsugi na ang mga ito! Sana man lang kung matsugi sina Bong at Lani sa pulitika, ang kaso, ikatutuwa raw ni Osang na mabura na sila sa mundo!

Pero nakikinita ko na ang labis na pagkadismaya ni Osang sa hindi pagkakaere na ‘yon at it would have been her uncanny scheme to lead an anti-Revilla campaign. Nagbanta pa ang has-been na hanggang Cavite raw ay ikakampanya niya na ‘wag iboto ang mag-asawa. Teka, what made Osang think she can gather an audience willing to listen to all her  lies?

Sey nga ng kanyang dating manager na si Lolit Solis: “She (Osang) believes her own lies.”

And talk about proper grandparenting style, sana’y hindi kalakihan ng kanyang cute na apong si Gab (pet named Budoy) ang “magandang turo” ng kanyang Lola Bombshell!

INAAASAHAN NA NG aking source na itatanggi ni Ricky Davao ang malakas na ugong na hiwalay na sila ng asawang si Jackie Lou Blanco, at least for the sake of their grown-up children who may not be able to fully understand their parents’ situation.

Pero tinitiyak ng aking tipster, Ricky and Jackie’s marriage is far from being saved. Nauna raw kasing nakatagpo ng “inspirasyon” si Jackie sa katauhan ng kanyang gym instructor, after which ay si Ricky naman ang nainlab sa iba.

In fairness to the couple, magkasama pa rin naman daw sila sa iisang bubong. One thing’s certain though, ewan if Ricky and Jackie still share the same matrimonial bed.

Sa ngayon, they’re biding their sweet time. Kung sakali raw kasing dumating sa puntong seryoso na sina Ricky and Jackie with their respective partners, ‘yun ang magiging hudyat ng gagawin nilang pagpapaliwanag sa kanilang tatlong anak regarding their eventual separation.

ALL SET NA ang Starstruck Season 5 this November, pero magsisilbi munang curtain-raiser ang ipalalabas na primer on Nov. 8, a trail-blazing special episode of the country’s first and only artista search on Philippine TV.

Dinig ko, of all the major provincial cities na pinagdausan ng matinding auditions ay pinakamaraming promising taartits sa Cagayan de Oro. Siyempre, kailangang well-represented din ang ilang bahagi ng Pilipinas kaya expect equal number of showbiz hopefuls who want to dream, believe and survive.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

7 thoughts on “Rosanna Roces: Bong Revilla, kasumpa-sumpa! – Ronnie Carrasco

  1. maawa kayo sa pilipinas para pag-aksayahan pa ng boto tong mga revilla’s!!!!!!! di lang naging maganda ang past ni osang, but i honestly believe kung na air yung interview nya lahat ng sasabihin nya ay may katotohanan. Over RATED family! they dont deserve a single respect/vote of the FILIPINOS.

  2. at nagsalita talaga c lolit huh!!!

    ikaw rin lolit… talk to your hand!!!!

    paniwalaan mo sarili mo lolit!!!

    pare-pareho lang kayo..

    LOLIT-OSANG-REVILLAS

    walang mapipili sa inyo…cheee

  3. Ako maniniwala. Wala namang nagawa ang manga useless na KURAKOT na mga Revillas para sa bayan. Gustong gusto lang pumasok sa politics dahil ito ang kanilang pangkabuhayan. Si Strike Revilla nga, manunuba. Wala sigurong pambayad dahil ubos na ang kaban nang bayan nang Cavite.

    • kawawa nmn itong taeng ito oh, bakit ine walang makapagtiyaga sa pagmumuka mo at dito ka na lang desperadang naghahanap ng lalake!

Leave a Reply

Your email address will not be published.